18

8 0 0
                                    

-

Kasalukuyang nasa kwarto ako at hindi lumalabas. Napapikit ako ng madiin dahil sa inis, paano ba naman hindi ako pinapansin ni Trev kanina.

Sinubukan ko siyang tawagin ng hindi mabilang na beses pero wala! Deadma! Inisip ko pa nga no'ng una ay baka badtrip lang talaga, ang ending tuloy ay ako ang badtrip.

"Ano ba?!" Sigaw ko.

[Hoy! Mag chill ka nga! Bakit ba ang init ng ulo mo?] Pasiring kong inalis ang paningin ko sa cellphone ko, dahil namatay na naman din ang character ko.

"Paanong hindi iinit ang ulo ay ayaw akong samahan sa B?!" Sigaw ko ulit.

[Okay chill! Ako na sasama sa'yo! Pero bukod doon ano pa?]

"Bakit ba gusto mong malaman?!"

[Sige! AHAHAHAHA! Hindi na,] Minura ko sa isip si Tj dahil sa pambi-bwisit niya saakin.

"Last game ko na 'to! Ayoko na, tangina mga kakampi!" Saad ko nang mag respawn ulit ako.

Narinig ko ang pagbunghalit ng tawa ni Tj pero hindi ko siya pinansin at nagfocus dahil ayaw kong masira Ang winstreak ko.

[Iba talaga kapag galit si idol!]

Sabi ni Tj nang matapos ang game, nasa lobby kami at katulad ng sabi ko ay last game ko na 'yon.

"Ulol! May pupuntahan lang ako, ikaw nalang muna." Paalam ko sakanya at mabilis na nag leave at pumunta sa walk-in closet.

Hindi na ako naligo dahil kakaligo ko lang. Pinapunta ako ni Daddy sa kumpanya niya at may ipapagawa siya saakin.

Iling-iling akong naglakad pababa sa hagdan habang ina-adjust ang necktie dahil masyadong masikip at nasasakal ako! Pero napatingin ako sa dalawang pigura na nag-uusap at naka-upo sa tapat ng countertop sa kusina.

Nakilala ko ang isang naka-upo kaya iniwas ko na ang paningin ko bago pa magtama ang paningin namin, si Tavius 'yong isa at kilala niyo na 'yung iniiwasan ko.

"Oh? What's up, Zi!" Parang gusto kong batuhin si Tavius ng sofa dahil pinansin niya pa ako.

"Ano?" Inis kong tanong dahilan para tumingin siya kay Trev na nakatalikod saakin at halos lamutakin ang kinakain niya.

Ngisi-ngisi siyang tumingin saakin pabalik at makikita mong kumikinang pa ang mata niya.

"What's up with you two? Lq?" Natatawang tanong niya na ikinasimangot ko naman.

"What's up with you two? Break na?" Pangga-gaya ko sakanya.

Sila na kasi ni Ate Fin eh, kamakailan ko lang nalaman.

"Never!" I rolled my eyes.

"Kapag may paparazzi sa labas ng bahay, tignan mo Cortavius ako mismo ang maghahagis sa'yo sa labas at ipapamigay kita doon." Binantaan ko siya.

"If there was, they are here for you!" Sabi niya na ipinagtaka ko.

"Don't tell me you haven't seen the news?" Napaayos siya ng upo.

"What news?"

"What?! So you haven't seen it huh?"

"Magtatanong ba ako kung nakita ko na?" Nakangiwing tanong ko.

"My g! Didn't you even check your guests last time when your friend's birthday?" Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Ano daw meron?"

"You have a celebrity guest!"

"Pucha! Ayaw mo naman sabihin kung sino!" Angal ko.

"I forgot his name...but! I read something and somewhere, they said, that guest and you is high school swee-" Biglang nag ring ang cellphone ko kaya natigil siya samantalang ako ay napabuntong hininga at sinagot ito.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now