Umalis si Vicenzo dala ang lahat ng armas na nasa loob ng bahay ni Valetta. Nagbabakasakaling sa ganitong paraan ay hindi na babalik sa gangster world si Valetta, kaso nang ito ay makaalis, agad na nilabas ni Valetta ang telepono niya at tinawagan si Elijah.
"Nasaan kayo kung kailan kailangan ko kayo?" Tanong ni Valetta nang sagutin ni Elijah ang tawag.
[Nasa gangster world kami,]
"Bakit?"
[Kailangan mo na din pumunta dito. Isa-isa nilang pinapatawag ang lahat, sila Johan at Francisco nandito na, si Valerie din dumating na,]
"Sige," sagot ni Valetta tapos pinatay na niya ang tawag at nagbihis na.
Nang matapos siyang magbihis, pumunta siya sa likod ng bahay niya kung saan nakaparada ang kanyang motor, sumakay siya dito at mabilis na pinatakbo papunta sa gangster world.
"Isang napakagandang araw para sa lahat ng gangster na nakadalo sa isang napakahalagang anunsyo para sa lahat," simula ng isang boses lalaki habang lumalakad si Darkness papasok ng arena. "Alam ko, alam namin, at alam nating lahat na isang dekada na ang hinihintay natin para sa taong uupo na head ng lahat ng gangster, at ang araw na iyon ay dumating na,"
Huminto si Darkness sa paglalakad, tumayo ito sa hagdan ng audience, at nagkatitigan sila ni Nickolai Jacinto, binigyan niya ito ng isang tango. Isa si Nickolai sa mga taong nagpapanatili ng ayos sa loob ng gangster world, isa sa mga pinagkakatiwalaan na tao na mamahala ng gangster world, at siya din ang nagpasok kay Valetta sa loob ng gangster world.
"Ayon sa patakaran ng samahan ng mga gangsters, isang pamilya lang ang maaaring maging head. Namatay si Beatrice Navarette sampung taon na ang nakararaan at hanggang ngayon wala sa mga anak niya ang nagpapakilala sa atin-"
"Pinapakilala ko ang sarili ko!" Sigaw ni Valerie. Ang lahat ng tingin ay napunta sakanya.
"Anak o apo lang ang pwedeng magmana ng gangster world," ulit ni Nickolai.
"Apo niya ako," tugon ni Valerie.
Napangisi si Nickolai sa sinabi nito kaya napayuko ito at tumawa. "Nakakahiya naman kung ikaw ang magiging head ng lahat ng gangsters, lasunin mo na lang kaya kaming lahat," aniya kaya natawa ang lahat ng gangsters.
Napakuyom si Valerie dahil sa sinabi ni Nickolai. "Lasunin kaya kita?" Tanong ni Valerie sa sarili habang masama ang tingin kay Nickolai.
"Tulad nga ng sabi ko, anak o apo lang ang pwedeng umupo sa upuan na iniwan ni Beatrice, pero kung gusto mong ipilit na apo ka ng yumaong head, sige, pero hindi magiging madali ang pag-angat mo sa pwesto, dahil nakasaad sa patakaran na oras na lumipas ang isang dekada ibibigay na ang pwesto sa kahit na sinong tao na kayang patunayan na siya ang pinakamalakas sa lahat," paliwanag ni Nickolai tapos tinitigan si Valerie ng masama. "Lakas ng kamao, katawan, at pag-iisip, hindi ng lason, Valerie." aniya at ilang sandali natahimik ang buong arena. "Kaya sa lahat ng gangster na dumayo dito, galingan ninyo, dahil hindi biro ang pwesto na gusto ninyong makuha," pagtatapos nito.
"Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pagkakataon na makita ka ng personal," sabi ni Izmael habang nakapamulsa at naglalakad palapit kay Darkness. "Dumilim bigla ang buong lugar simula nang dumating ka," natatawang sabi niya. "Bagay sa iyo ang nickname, codename, o real name, o ano man iyan na ipinangalan mo sa sarili mo,"
Nilingon siya ni Darkness, huminga ito ng malalim at nilagay ang kamay sa baywang. "Sino ka naman at bakit ang lakas ng loob mo na kausapin at lapitan ako?" Tanong nito habang tinititigan ang binata mula ulo hanggang paa.
"Izmael Guevarra," pakilala nito tapos kinuha ang kamay ni Darkness para halikan. "Rank one ng district five,"
"Hmm. Totoo nga ang bulungan tungkol sa iyo," sambit ni Darkness sabay bawi ng kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Her Mysteries
ActionKilala si Valetta Mercedez sa kanyang pangalan at ganda, ang kanyang pagkatao ay tila palaisipan. Si Valetta Mercedez ay nababalot ng maraming sikreto, sikreto na unti-unting mabubunyag sa pagdaan ng panahon, para sa kanyang layunin, at sa kanyang p...