CHAPTER 01

14 1 0
                                    

[ Chapter 1| We Meet Again, My Kaia ]

MAEVE'S POINT OF VIEW;

I was walking down the aisles, holding a bouquet of pink roses while the pianist's playing the wedding song. I can't help but smile.

I'm so happy that finally matutupad na ang matagal ng pinapangarap ng best friend ko---at 'yon ang maikasal---at sa simbahan pa talaga.

After all, I know what she's been through kaya talagang I'm so so happy for her---for them. And at last, today's the day!

Sabay kaming nangarap, pero heto na ang sa kanya, matutupad na!

Napahinto naman ako nang dumapo ang tingin ko sa lalaking katabi ng groom, unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko at nagsimula namang mamuo ang luha sa mga mata ko.

'Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Bakit pa siya bumalik? Ano, 'di pa ba sapat ang lahat ng sakit na binigay niya sa 'kin?'

Sa isip ko, para namang bumabalik lahat ng mga sakit at pighati na naramdaman ko five years ago. Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon.

Isa-isa namang nag fla-flashback sa utak ko ang lahat ng mga memories na binuo namin ng magkasama dati.

"Psst!"

Napabalik naman ako sa ulirat nang marinig kong may nag-psst kaya agad 'ko namang nilingon kung sino 'yon. It was Tita Charmaine, Auntie ni Chandria---'yong bride kong best friend at Mom ni Chaira---isa rin sa mga friends namin.

"Are you okay iha? What's the problem? You're crying?"

Nag-aalalang tanong ni Tita Charmaine, agad naman akong napakapa sa mga pisnge ko. And basa nga---agad ko naman itong pinahid at huminga ng malalim bago ngumiti ulit.

'Kahit kailan talaga, traydor ang mga luha ko. Ni 'di man lang nag hintay ng perfect timing!'

Sa isip ko habang nakangiti but deep inside ilang beses ko nang pinapagalitan ang sarili ko.

"Okay lang po ako Tita. Talagang masayang masaya lang po talaga ako---i can't help but get emotional. After witnessing their perseverance and everything. Nakaka-touch lang na makita at isipin na kasal na nila, pasensya na po talaga."

Medyo nahihiya kong tugon. Kasi naman, talagang nakakahiya naman talaga 'yong ginawa ko! Nag-drama ba naman ako sa mismong kasal ng best friend ko!

Ano nalang ang sasabihin ng iba? Na ang bida-bida ng maid of honor ng bride? Na umiyak pa habang naglalakad sa aisles na parang gumagawa ng eksena? Na dinaig pa ang pamilya ng groom at ng bride?

I know I'm overthinking right now. Kasi siyempre 'di ko naman alam kung ano ang iniisip ng iba. I can't help it sometimes though, because I'm fully aware na may mga tao talagang judgemental. At 'saka isa pa, ayokong ma-misinterpret 'yon ng pamilya ni Dria. Nang dahil lang sa pag-iyak ko.

Mahina namang napatawa si Tita Charmaine pati na rin 'yong mga katabi niya---mga Titos and Titas also mga cousins ni Dria.

"Don't worry Maeve, next time ikaw na naman na 'yong bride, nauna lang 'yang si Dria, kaya okay lang 'yan. Kung wala ka pa ring mahanap na magiging groom mo after searching for so long. Sabihan mo lang ako---ako na ang mag a-apply!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One That Got Away : Rekindle LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon