continuation...
_
HINDI NAMAN nawala. Pabalik-balik ang paggulong niya sa kanyang kama dahil isang oras lang siyang nakatulog. Naiinis siya sa kanyang sarili. When she had gotten home last night, she had gone straight to her room and cried the heaviness of her heart. At midnight, her cries had stopped so she had given the opportunity to express all the heaviness into writing.
Ten poems for three hours. And after three hours...she had made love notes for her goodbyes.
Susubukan niya ang strategy ni Minty. She would confess and see what would happen after. Kung hindi gagana...wala na siyang pag-asa kundi ang tanggapin ang katotohanan na walang pag-asa.
"Fauna! You'll be late!" napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses ng kanyang Kuya. Hala?! Anong ginagawa ni Fabian dito ngayon?! Umuwi ito kagabi?
Agad-agad siyang bumaba sa kanyang kama. Hinablot ang kanyang tuwalya at pumasok sa banyo. Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis ng PE uniform niya at sapatos. Comb her hair. Applied skin care routine on her face.
Pagkatapos mag-ayos ay naghanda ng kanyang tatlong tennis outfit ngayon. Face towel. T-shirts. She grabbed a pair of her tennis shoes. Then, walked to her study table. She got a smaller bag to place her hygiene and make over things. Hindi nakalimutang ilagay ang box kung saan niya inilagay ang mga love notes na ginawa niya kagabi.
When she got out, nakatayo ang kanyang Kuya sa harap ng kanyang kwarto na para bang nandoon ito simula pa kanina. Tapping his shoes, hands on his pocket, dark aura looming over him.
"I have heard from our parents that you ignore them last night and they have heard you cried all night. Sinong nanakit sa'yo?"
"Wala 'yon, kuya," pambaliwala niya at naunang bumaba ng hagdanan, halos tumakbo na. Ayaw niyang matanong sa bagay na 'yan.
"Anong wala, Fauna?! Your eyes are dark and puff. Sinong nanakit sa'yo? One of your desperate suitors?"
Naabutan niya ang mga maids na nasa sala, naghihintay sa kanya. Nandoon din si Manong Vier na parating naghihintay sa kanya.
"Fauna! Kinakausap kita..."
"Wala nga, Kuya! Kagagawan ko 'to kaya ako umiyak. Walang nanakit sa akin, okay. Hindi ka dapat mag-aalala."
"You were with Dash last night, right?" doon siya natigilan. Papasok na sana siya ng dinning hall.
"Sa school na ako kakain, kuya. Manong Vier, tara na po."
"Fauna! Kausapin mo ako nang maayos. Kapag may sinabing masama sa'yo si Dash at hindi ka nagsabi sa akin, masasaktan ko siya nang hindi malalaman ang dahilan. Masasaktan ko siya, Fauna. Sinasabi ko sa'yo."
Tumigil na naman siya at huminga nang malalim. He couldn't do that. They were bestfriends!
"May ginawa ba siyang masama sa'yo?"
"Wala."
"Eh ano nga?!"
"He said, he'll marry her because she loves her!" at ito na naman, iiyak na naman siya.
"Si Emerald? Everyone knows it. You know it. It isn't shocking. So bakit ka iiyak?" he ridiculously laughed as if it was a crazy idea that she would cry over that fact.
"Because I like him!"
Natikom ang bibig nito sa gulat. Naiwan sa ere ang mga kamay nito.
"You? Like? My friend?" her brother almost choked the words. Marahas siyang tumango saka tumalikod sa kapatid.
"Aalis na po ako. Marami pa po akong gagawin ngayon."
Tumakbo siya sa pagmamadali para makasakay lamang sa kotse at hindi na siya tanungin ng kanyang kapatid. Tumatakbo rin si Manong Vier at agad na sumakay sa kotse.
Panira ng sekreto si Fabian! Argh! Kapag nalaman ni Dash ang feelings niya, si Fabian ang una niyang aarestuhin!
_
"ALAM ni Kuya ang totoo, hindi advisable na ikaw ang magbigay kasi mahahalatang ako ang nagpapabigay. Nandiyan si Kuya, 'di ba?"
Fauna and Minty were hiding in one of the rooms at the end of the third floor hallway in the School of Law building. Nalaman niyang nandito si Dash sa school kasi nakita raw ito ni Minty kanina na sa parking lot. Minsanan na lang bumibisita si Dash sa school, dahil limit na lang niya itong nakikita.
Kaya sinunggaban niya ang oportunidad para matapos na ang lahat ng ito.
"Ang seryoso naman ng pinag-usapan nila. Kanina pa tayo rito," reklamo ni Minty. "Umalis na ang Kuya mo. Dali na. Dali..." hila ni Minty sa kanya papalabas mula sa kanilang pagtatago.
Nang nasa gitna na sila ng hallway ay sumigaw ang kaibigan niya.
"Kuya!" napapikit siya sa kalokohan ni Minty pero alam naman niyang supportive lang din ito sa kalokohan niya ngayon.
Tinulak siya ni Minty nang lumingon si Dash sa kanila. Papasok na sana ito sa opisina na nasa harap nito.
"Maghihintay ako doon. Kaya mo 'yan, friend. I'll support."
Malayo pa sila kaya mas binilisan niya ang paglalakad para umabot kay Dash. Matatapos na ang kalbaryo niya ngayon. Matatapos na ang lahat ng ito. Mawawala na ito. She needed to risk and shake away her shyness in exchange to have peace in her heart.
"Fauna," salubong din ni Dash sa kanya kaya mas madali silang nagtagpo sa gitna. "What are you doing here? Umalis na si Fabian."
Umiling siya. Sumulyap ito sa maliit na blue/green paperbag na dala niya. Hawak ng dalawa niyang palad ang makapal na love notes na bini-nind niya gamit ang ribbon at yarns.
Bigla niyang inangat ang mga iyon at inabot sa lalaki.
"Someone...ask me...to give these to you," nakita niya ang pagkurap ni Dash dahil nagulat na naman. Tumitig siya panginginig ng kanyang mga kamay. "She would like to say...that she admires you from afar. And will be happy for you."
Uminit ang buo niyang pagkatao nang naramdan niya ang paghawak ng lalaki sa kanyang mga tula. Doon siya nakahinga nang maluwag at inabot rin sa kanya ang paperbag na may lamang libro.
Unang likha niya na kung saan ang lalaki ang kanyang inspirasyon.
'With Love, Cleopatra'
Tinanggap din niya iyon. Fauna smiled when she felt relieve.
"Thank you, Fauna." He didn't smile. He said the words with hoarse difficulty.
His eyes never smiled before, but right now, they were in pain. As if heavy rocks were pulling him from her, and the only thing he could do was to let those rocks pulled him away.
Siya na ngayona ng kumurap sa nakita pero binaliwala lamang dahil ayaw na niyang makita ang mga mata nito sa ganoong sitwasyon. Mas lalo siyang nanghihina.
"Pakisabi sa kanya," he sighed deeply. "Na duwag ako at hindi ko pwedeng ipaglaban ang puso ko."
Her eyes immediately formed the tears. Akala niya wala na siyang maiiyak dahil naiyak na niya kagabi.
Marahan ang kanyang pagtango. She smiled as she saw and understand those rocks that hid behind those eyes.
Dahan-dahan siyang tumalikod sa lalaki. Laylay ang mga balikat na nagmamadaling tinakbo ang kaibigan.
Please, erase these feelings. She begged the god who controlled love.
VOTE & COMMENT
JENNIE JEM©
BINABASA MO ANG
Carved Fantasy (Hacienda Alegre Series #6)
RomanceHacienda Alegres Series 6 MATURED CONTENTS||R18+