20

7 0 0
                                    

-

"Have we met before?"

Natigilan siya sa tanong ko at napatitig saakin. Blangko lang akong nakatingin sakanya pero sa loob ko ay kinakabahan ako.

Kung nag meet na kami dati, eh bakit hindi ko siya natandaan?

Sa naisip ko ay bigla akong na badtrip kaya kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin.

"Pfft." Lumingon ako sakanya dahil sa pagtataka.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

"Pfft... I'm sorry, but it's just. You can switch your emotions within seconds." Natawa ako.

"See?" Sabi niya at ngiting-ngiting tumayo, nilagay niya ang isang kamay sa bulsa niya habang ang kanan naman ay inilagay sa harap ko, nakalahad.

"Ano 'yan?" Tanong ko at tumawa.

"Just take it." He wag his hand.

Pabiro muna akong umirap bago kuhanin ang kamay niya at tumayo, inakay niya ako doon sa may railings. Agad kong naramdaman ang malamig na hangin sa muka ko kaya pumikit ako at dinama ito.

"Hoy!" Bigla akong napadilat at agad na napakapit sa braso niya nang buhatin niya ako at i-upo sa railings.

"Relax, I'm not going to drop you." He chuckled.

Hindi ko siya pinakinggan at tumingin sa ibaba, pinikit ko ang mata ko dahil parang bigla akong nahilo. Iniharap ko ulit ang mukha ko sakanya at doon lang binuksan ang mga mata.

"Love, can you loose your grip a little bit?" He's laughing a little and he grip harder on my waist.

Kahit namumuo ang pawis ko sa noo ay sinubukan kong paluwagin ang hawak ko sa shirt niya pero biglang nag lean-back ang likod ko dahilan para matakot ako at kusang umakap sa katawan niya ang mga hita ko kaya nahila ko siya palapit saakin, agad niyang niyakap ang bewang ko gamit ang isang kamay habang ang isa ay hinawakan ako sa palapulsuhan.

"Are you afraid of heights?" He asked while calming me down.

"S-sakto lang." Saad ko ay umiwas ng tingin.

Natawa siya.

"Natatakot ako dahil baka kasi bigla akong tumalon." Umismid ako.

"Pft... What the heck??" Tumawa siya ng tumawa minsan ay naiiyak pa kaya ako ay naiilang, naiinis at namamangha dahil sa nakikita ko.

Minuto ang lumipas ay walang humpay pa rin siyang tumatawa kaya nakabusangot na ako.

"Oh sige, I'll stop na... Pfft. I'm sorry Amore.." He gave me a warm smile.

"Ulol." Saad ko na nagpalaki sa mata niya.

"Why are you cursing so much? What if there's baby around?" He sofly asked.

"Eh sa ngayon, wala. So pwede akong magmura." Ngumisi ako.

"What do you mean 'wala'?" His eyebrows furrowed.

"Wala naman talaga ah?" Umasta pa akong naghahanap pero bigla akong nahinto dahil sa paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.

"But I'm your baby." I looked at him, shocked.

Baliw ba 'to?

"Why? I'm not?" His eyebrows dug deeper.

Lalong hindi ako makapag salita dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko, hindi ko din alam kung paano napunta ang pag-uusap namin sa ganito.

"Or there's someone else?" Umarko ang kilay niya.

"Hm? Answer me," He leaned.

Hindi ko magawang umantras dahil alam ko ang mangyayari kapag sinubukan ko.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now