STOLEN GLANCES

17 6 5
                                    

"Hooy! Kanina kapa nakatingin baka matunaw na yan,” bulalas ni Aiden. “Lapitan mo na kasi pre! Hingin mo number niya bilis!” dugtong pa nito.

Araw-araw na lang ay nandito ako sa isang coffee shop sa labas ng paaralan. Minsan ay nakakatatlong order na ako ng kape sa sobrang busy katitingin sa kanya. She's very busy para makita akong nakatingin sa kanya, ni minsan ay hindi niya pa ako natitigan. Hindi rin naman siya waitress dito sa kapehan, siya kasi ang may-ari nito.

“Wag na pre, nahihiya ako alam mo naman yan,” seryosong sabi ko kay Aiden habang ang mga mata ko naman ay sobrang busy nakatitig sa babaeng gusto ko.

“Nakakadalawang kape ka na Raven, ma palpitate kanyan!” patawang sabi nito.

“Mas malakas pa rin epekto nya pre! Baka pag kinausap ko bigla akong atakehin sa puso,” pabirong sabi ko sa kanya na ikinatawa naman nito.

Sa sobrang daldal ni Aiden ay hindi ko na napansin ang papalapit na pigura sa aming direksyon.

“Here's your coffee sir,” seryosong sabi ng babae habang inaabot ang order kong kape.

Akmang kukunin ko na sana ang kape ay siniko naman ako ni Aiden. Tumingin naman ako ng masama sa kanya pero ang loko ay ngumoso lang ito sa direksyon ng babae. Muntik ko pang mabitawan ang kape ng mapatantong si Aira pala ito.

“Pa-pasensya kana!” kabadong sabi ko na medyo pasigaw dahil sa gulat. “Sa-salamat, A-aira,” dugtong na sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Mausisang nakatingin ito sa akin siguro ay nagtataka kung paano ko nalaman ang kanyang pangalan. Yumoko na lamang ako dahil sa hiya.

Nag-umpisa akong maglakad palayo, iniwasan ang mata ng lahat ng naroroon. Hindi ko napansin na tila ba kasunod ko si Aiden, nagpapatawa sa kanyang sarili.

"Raven, alam mo bang matagal na akong naghihintay na kausapin mo si Aira?" bulong nito sa akin habang naglalakad.

"Ano ka ba Aiden, natatawa ka pa, naguguluhan na nga ako e," sagot ko na parang nag-aalala.

Nagpatuloy kami sa aming lakad, hindi alintana ang mga tingin at tawa ng mga tao sa paligid. Hanggang sa bigla kaming naharap kay Aira.

"H-hi," bumbling na bati ko sa kanya, may halong kaba at hiya.

"Hello, Raven, right?" sagot naman niya na may ngiti sa labi.

“Ah, Oo,” nahihiyang tugon ko naman sa kanya natawa naman ito.

Pilit na iniiwasan kong wag kabahan. Habang nag-uusap kami, parang unti-unting nawawala ang hiya ko.

Dumarami ang mga araw na kami'y nagiging mas malapit. Hindi ko namamalayan, ang simpleng pagsasalita ni Aira ay nagbibigay liwanag sa aking araw. Kasabay ng aming mga tawanan at kwentuhan, tila ba naglalaho ang takot at hiya sa puso ko.

Isang araw, sa loob ng coffee shop, biglang naging tahimik ang paligid ng tumaas ang boses ni Aiden.

"Raven, bakit hindi mo sabihin kay Aira kung ano talaga ang nararamdaman mo?" malakas na sabi nito sa akin.

Napakurap-kurap ako, ngunit napagtanto kong tama si Aiden. Naisip ko na marahil ay oras na nga para ilabas ang nararamdaman ko.

"Hmm, Aira, may isang bagay akong gustong sabihin sa'yo," muling bungad ko nang may kaba.

Nakatingin siya sa akin ng may pagtataka. "Ano 'yun, Raven?"

"Tatlong kape na ang na-order ko dito, pero mas natutuwa ako sa tuwing kasama kita. Gusto mo bang maging karamay ko sa mga susunod na inumin ko?" pabirong sabi ko na may kasamang ngiti.

Ang mga mata ni Aira ay napangiti rin.

Ngunit sa pag-angat ng kilay ni Aira, aking napagtanto na may iba siyang nararamdaman.

"Raven, totoo bang gusto mo rin ako?" tanong niya ng may kahinahunan sa boses.

Nagulat ako at tila'y nangangapa sa aking mga salita. "Uh, oo, gusto kita, Aira."

Ngunit ang kanyang ngiti ay naglalaman ng lungkot at pangamba. "Raven, hindi ko inaasahan na magsasabi ka ng ganyan. Gusto ko sanang maging tapat sayo, ngunit meron na akong ibang nagugustuhan."

Nahulog ang aking puso sa lungkot, subalit itinago ko ito at nagbigay ng ngiti. "Wala 'yon, Aira. Magkaibigan pa rin naman tayo, di ba?"

Tumango naman ito bago bumalik sa counter ng tawagin ito ng kanyang tita.

Sa likod ng counter, pinilit kong itago ang nararamdamang lungkot. Ang tuwa ko sa tuwing kasama si Raven ay nagbago ng anyo, naging malabo at masalimuot.

"Ang saya siguro kung si Raven ang magugustuhan ko," bulong ko sa sarili habang naglilinis ng mesa. “Pero hindi ko mapipilit kung ibang tao ang tinitibok ng puso ko.”

Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo.

Habang naglilingkod sa mga kape, napansin kong mas mabilis kong nailalabas ang mga order. Parang ang hirap ngayon na itago ang nararamdaman, ngunit kinakailangan ko.

Naglakad si Aiden palabas ng coffee shop. Hindi ko inaasahang darating ito, ang pagkakaroon ng nararamdaman sa isang taong hindi ko alam kung kaya akong mahalin. Matagal ko na siyang natinititigan hindi ko na nga napansin na kasama pala nito palagi si Raven.

"Airaaa!" sigaw ng tita ko mula sa counter, kaya't mabilis akong bumalik sa wisyo. "Tumatawag si mama mo."

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata at lumapit sa counter.

ONE SHOT STORY COLLECTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon