Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaki na ang pangalan ay Calvin at ang pangalan ng kanyang iniibig ay si Mimi pero mayroon siyang ka relasyon na ang pangalan ay Lester......
Si Calvin ay 2nd year highschool student, nag aaral siya sa isang pribadong paaralan sa Antipolo.
Di naman siya kaguwapuhan at tipong loko loko sa klase at kung minsan nahuhuling tulog sa English subject ng kanyang guro. Siya din ay naglilingkod sa simbahan nguit di siya kabanalan,makulit at minsan ay walang pakialam sa mga taong napapaligiran niya. Mahilig din siya mag Frisbee at kung minsan pa ay pinag aagawan pa ng magkabilang panig upang maglaro dahil sa kahusayan niya sa pagsalo at pagbato ng disc. Di rin siya magpapahuli sa mga computer games mahilig din siya mag laro ng Audition.
Isang araw si Calvin ay naglalaro ng Audition sa bahay at meron siyang nakausap sa chat na isang babae na pangalan ay Mimi at dun ay nahulog ang loob niya sa kanya. At yun dun na nga ay nakilala niya si Mimi , hinigi ni Calvin ang cellphone,telephone Number niya pati narin ang kanyang Facebook Account At Twitter para lang maging intouch sila sa isat-isa....
Isang araw nag usap si Calvin at Mimi sa telepono
Calvin : Hello?
Mimi: Hi!
Calvin: Mimi Ikaw ba yan?
Mimi: Oo ako to , ang panget ng boses ko diba?
Calvin : Huh Hindi ah ang cute nga ng boses mo eh :)
Mimi: Hahahahaha*Blush*
Calvin : Soooo bigay ka ng topic?
Mimi: Huh wala akong maibigay na topic eh
Calvin: Sige ok lang
Mimi : text nalang tayo
Calvin : Ok sige :)
Mimi : Baba ko na yung phone *Sabay ibinaba yung telepono*
Calvin : Ok *Habang may malaking bakas ng tuwa sa kanyang mukha*
( TO BE CONTINUED)