Kabanata 2

861 14 0
                                    

"Hindi ka ba naiinitan, Yuna?"
 
Umirap ako at inayos ang kulay asul kong scarf na nakapalupot sa aking leeg. Palagi na lang nila pinupuna ang suot kong scarf dahil palagi ko itong sinusuot. Kung hindi scarf ang suot ko, choker naman. Call me weird, but I actually love wearing these two things.
 
"Kung ako sa inyo mag-aral na lang kayo riyan at huwag n'yo na lang pansinin ang suot kong scarf," I said with a hint of sarcasm. "Lahat na lang napapansin n'yo, eh."
 
"I was just asking, Yuna, why are you taking my question negatively?" Umismid ang kaklase ko sa akin at binuklat na lang ang kanyang libro.
 
"Sheen, huwag mo na lang kontrahin si Yuna. Just apologize to her." I heard her seatmate.
 
I acted like I did not hear anything. I just opened my book on the page of our lesson and flipped my hair. Kasalukuyan kaming nasa library ngayon dahil kailangan daw muna naming mag-aral for the long quiz later sa English namin.
 
"Why would I apologize to her? I was just asking, and my question is just simple. It depends on her if she takes it negatively or answers it nicely. Kasalanan ko bang immature siya, kaya sa simpleng tanong lang ay ginagawa na niyang big deal?"
 
I scoffed and lifted my head to give her a look. She just shrugged and shook her head dismally. Why do simple things irritate me? Tinaasan ko ng kilay ang katabi niya nang makita itong nakatitig sa akin, siniko naman nito si Sheen kaya napatingin ito sa akin at nilabanan ang titig ko.
 
"Do you know what I can do to you?" I asked her, making a face.
 
"Huwag kang masyadong magmataas, not everyone is scared of you, Yuna. Wala rin akong pakialam sa maaari mong gawin sa akin. As long as I did not do anything to you, I am innocent." She cursed under her breath after she said those.
 
"So you are pointing out that you are not scared of me?" I asked sarcastically.
 
"Oo, bakit naman ako matatakot sa 'yo? Tao rin naman tayo pareho," she fired back.
 
I smirked. "Let's see then. Be sure that you won't regret what you said."
 
Hindi na nasundan ang usapan namin dahil tumayo na ako. I drifted my eyes to the next table, where my friends were. I waved at them and directly headed in their direction. Nang makalapit ako sa kanila ay napalingon pa 'ko sa gawi nina Sheen na nakasunod ang tingin sa akin. I let my tongue out and gave them a teasing look before grinning. Let's see later what I can do to her.
 
"What are you planning? Ano ba'ng sinabi niyong Sheen na 'yon?" Marilyn asked, Sheen was her classmate when she was in grading school.
 
I rolled my eyes before blurting out a laugh. "She's so full of herself. Hindi raw siya takot sa akin?"
 
Humalakhak si Coth. "What will you do to her then? Ang yabang niya, ah?"
 
"Oo nga!" sang-ayon naman ni Joshua. "Tingnan natin kung hindi nga siya takot sa 'yo," natatawang dugtong pa niya.
 
"She should be scared of you, Yuna," said Kairi. "No one can mess up with you. She should put that up in her mind."
 
My friends and I have a plan for Sheen. Nang matapos ang long quiz namin sa English kinahapunan ay saktong nakita namin si Sheen na pumasok sa powder room. We waited for minutes until the other girls leave the room and she's the only one left. Nakaalis na ang ibang mga babae kaya naisipan kong pumasok na at kasunod ko ang mga kaibigan ko.
 
We checked all the cubicles, and they were all empty, except for the one where Sheen's inside. I am pretty sure that she's there inside, alone. Inutusan ko pa si Marilyn na silipin sa taas kung nasa loob nga si Sheen para masigurado. She did what I commanded, and she made sure that Sheen was inside. I smirked and silently handed her the bucket that's full of water. Natatawang inabot niya nga ang tubig mula sa akin at hindi na nagdalawang-isip na ibuhos iyon sa loob ng cubicle kung nasaan si Sheen.
 
We heard her scream and curse, which made us all laugh a little. I snapped and knocked on her door. Nagmumura pa siya sa loob at sinigawan pa ako itong kumatok sa kanya.
 
"Oh, sorry, but I'm not sorry, Sheen. Aren't you still scared of me?" I used my soft voice when I asked that. "I told you, you'll regret what you said to me!"
 
"Fuck you, Euxine Carolina Scarlet! Fuck you! Isusumbong kita sa dean!" she screamed.
 
"Oh my bitch, sissy, should I be scared na ba?" I mocked. "Sumbungera ka naman masyado.. sus.. binuhusan ka lang naman ng tubig, eh!"
 
"Makakarating talaga 'to sa parents mo! Isusumbong kita! Sobra ka na!"
 
"Eh, 'di magsumbong ka," I said back. "As if naman mapapaalis mo 'ko sa paaralan na ito?"
 
"You deserve it, bitch!" said Miley. "Kilalanin mo kasi ang binabangga mo! Mayabang!"
 
"Let's go, guys," anyaya ko sa mga kaibigan.
 
Sinipa ko pa ang pintuan ng cubicle ni Miley dahil hindi pa 'ko nakuntento sa ginawa. She should be thankful na pagbuhos lang ng tubig ang ginawa ko sa kanya, hindi ko siya pinahiya sa harapan ng ibang estudyante katulad sa ibang ginawan ko ng ganoon dati. Kahit na magsumbong pa 'yang Sheen na 'yan, hindi pa rin naman ako patatalsikin sa paaralang ito.
 
Daddy is friends with the owner of this school. Kahit ano man gawin ko ay walang magagawa ang kahit sino man. I am not the only Zeigler here, I have cousins here. Walang kahit sino ang makakapaalis sa akin o sa amin ng mga pinsan ko sa paaralan na ito, puwera na lang kung kusa ako o kaming aalis dito.
 
"I will go first, everyone," pagpaalam ko sa mga kaibigan nang nasa labas na kami ng gate. "Kita-kits na lang tayo bukas!"
 
Kumaway ako sa kanila pagkatapos dahil namataan ko na ang sundo ko. Lumapit kaagad ako roon at patuloy sa pagkaway sa mga kaibigan ko. Ganoon din sila; the girls even gave me some flying kisses. I chuckled before entering the car. Pagkapasok ko ay biglang napawi ang ngiti sa aking labi at napalitan na lang ng iritasyon ang tuwang nararamdaman ko nang makita si Ryder.
 
"What are you doing here?" I asked him.
 
Malamig ang titig niya sa akin. Ako naman ay bumusangot at tiningnan ang driver sa unahan. I want to know why this man is here! He's making me uncomfortable! Sa tuwing nakikita ko siya, sumisira ang araw ko!
 
"Manong, bakit nandito 'to?" I asked my personal driver and pointed Ryder.
 
"Kasi, ma'am, utos po ng daddy ninyo na isabay si Sir Ryder," maikling paliwanag nito at may takot pa sa mga mata nito nang tingnan ako nito sa uppermirror.
 
"Bakit kailangan pa siya rito? Kainis naman! I will just take a cab! Ayaw kong may kasama ako rito!" I hissed, and I was about to open the door to leave the car when I heard my driver again.
 
"Pero, ma'am, mahigpit po na binilin ng daddy ninyo na kailangan po raw na kasabay n'yong umuwi si Sir Ryder," giit pa niya. "Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko, ma'am."
 
I arched a brow and clenched my fist. "Isasabay siya for what?! Isa pa, kaya kong umuwi kahit wala siya! Bakit ba kailangang nandito pa siya kasama ko, eh alam naman nina mommy na ayaw ko nga siyang kasama?!"
 
"Kasi, ma'am—"
 
"Hayaan mo na po, manong," si Ryder na pumatol sa sasabihin ng driver ko. "Bababa na lang po ako, maghahanap lang ako ng sakayan."
 
Tuluyan nang bumaling dito sa bandang likuran ang driver. Umirap naman ako sa kawalan. I rested my back on the backrest of the seat and crossed my arms over my chest. In my peripheral vision, Ryder took a glance at me. This fucking nerd! Ang kapal ng pagmumukha niyang sulyapan ako! Nakakairita! Nabubuwesit talaga ako sa kanya!
 
"Sir, binilin po kasi sa akin na sabay po dapat kayo ni ma'am." Napasulyap din sa akin ang driver ko. "Ayaw ko naman pong mapagalitan, sir."
 
"Hayaan mo na po, manong, ako na po ang bahalang magpaliwanag," Ryder said in a calm voice. "Ihatid n'yo na lang po si Scarlet sa kanila."
 
Hindi na ako nagsalita at binaling na lang ang tingin sa labas ng bintana, tinanaw na lang ang ibang estudyanteng lumalabas. Kapag si Ryder ang magpaliwanag kay daddy, ayos lang at inintindi pa iyon ni daddy, pero kapag ako naman ay immature ako at napakagulo ko? This is so unfair!
 
Nakahinga lang ako nang maluwag nang lumabas na si Ryder sa loob ng sasakyan. Manong driver cursing under his breath before starting the engine. I just smirked when I saw Ryder outside the window. Pumara siya ng jeep. Mas mabuti nga iyan, ilugar niya ang sarili niya dahil ayaw ko siyang kasama. Ayaw ko sa kanya.
 
The drive was short; it did not even take half-hour. We arrived at my place around five post meridīem. My personal driver went out and opened the door for me. Taas-noo akong lumabas ng sasakyan at tinahak na ang aming mansyon nang dire-diretso. Kaagad akong binati ng mga katulong na nagwawalis sa aking dinaanan habang ako ay diretso sa paglalakad.
 
"Si Carolina?! Fuck it! Ginawa niya iyon?! That brat!"
 
Kakatulak ko pa lang ng double doors ng aming bahay ay umalingawngaw na ang malakas na baritonong boses ni daddy. When my mother saw me, she glared at me. Tumaas ang kilay ko at inisip kung ano ang ginawa ko kay mommy kung bakit ang sama ng tingin niya sa akin.
 
"I will talk to her, yes. Thank you, and I am sorry about her."
 
Binaba ni daddy ang tawag at hinarap niya ako. I lazily went to the couch and placed my bag there before taking a seat. I gave my parents an innocent look. I know what will happen next. I am now predicting that my father will shout at me and scold me because the school called them and told them what I did. Of course.. it's about Sheen. Deserve niya naman iyon, masyado siyang nagmamayabang!
 
"Explain, Carolina! Your school dean just called me and told me that you bullied one of your classmates! Again! Binuhusan mo raw ng tubig, Carolina, ha?!"
 
I sighed. "Dad, I just did it for self-defense. She's so full of herself, daddy. She even called me immature."
 
"At sa tingin mo sapat na dahilan iyon para buhusan mo siya ng tubig, ha? Carolina?" putol ni daddy sa akin. "Ilang beses na! Pang-ilang beses na ito, Carolina! Ilang beses mo na itong ginagawa sa kung sino-sino! At ano'ng self-defense na pinagsasabi mo riyan? Naapakan niya ang ego mo, kaya iyan ang dinadahilan mo! Binuhusan mo pa talaga siya ng tu—"
 
"Dad, actually, it wasn't me, alright?" I pretended to be calm, but deep inside I am cursing at that girl inside my mind. Sumbungera nga! "Hindi ko siya binuhusan ng tubig, hindi ako iyong bumuhos sa kanya."
 
"What? What do you mean, Carolina? That the Dean is lying to me? Na pinapalabas lang na ikaw?" Dad clenched his jaw.
 
"Hindi ako ang gumawa pero ako ang nag-utos na gawin iyon," pag-amin ko. "She deserves it anyway, daddy.. masyado siyang mayabang at mapagmataas."
 
"Stop turning the table, Carolina! Hindi tayo magkakaganito ngayon kung hindi ka gumawa ng gulo! Ikaw ang mayabang at mapagmataas dito, hindi iyong kaklase mo! Ilang beses ka ba dapat disiplinahin para tumino ka, ha?!" bulyaw ni daddy sa akin pero hindi ko pinansin.
 
I just acted like I did not hear anything from him. I just looked at my nails. Mahaba na ang kuko ko at mukhang unti-unti nang nawawala ang cutics ko. Magpapa-manicure ako sa susunod. I want the nude one. Gusto ko rin iyong may design naman. Nagsasawa na ako sa plain.
 
"Carolina?" si mommy na kumuha na naman ng atensyon ko. I looked up at her. "Darling, huwag ka namang magsimula ng gulo, anak. We are just worried about you. Ayaw lang namin na nagkakaganito ka. Sinisira mo lang kasi ang sarili mo sa ibang tao, anak," pangaral niya. "You should apologize to the girl tomorrow, Carolina. Hindi puwedeng ganito. Palagi ka na lang nagdadala ng problema rit—"
 
"Problem?" I laughed mockingly. "Mom, dad, lahat naman kasi ay problema sa inyo!" I shouted because I couldn't help it. If people's lives are long, my patience is not! "Whatever I do, even if it's good or bad, you are making it a problem!" I added irritatedly. "Oo na! Okay! Ako na may kasalanan! Masaya na kayo?!"
 
I walked out before they could say something to me. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa aking silid. I slammed the door as I got inside my room. I locked myself there and laid my body on my bed. Nagpakawala ako ng buntonghininga habang nakatitig sa kisame. I won't apologize because I am not even sorry! Ano 'yon? Hihingi ako ng paumanhin na hindi naman ako sincere? No way!
 
I was sunk in my thoughts when the door suddenly opened. Napabalikwas ako at tiningnan kung sino ang pumasok. Wait.. I locked the door, right? How did this man get inside my room?! Halos tumaas na naman ang altapresyon ko nang makita siya. Kailan ba mawawala ang lalaking ito sa buhay ko?
 
"What the fuck are you doing here? This is my room, and I locked my door! How did you get in here?" Tinaasan ko siya ng kilay.
 
Inangat niya ang hawak niyang susi para ipakita iyon sa akin. I gritted my teeth. Only my parents have my spare keys! Isa sa kina mommy ang nagbigay ng susi ng silid ko sa lalaking ito! Bakit ba ang laki ng tiwala nila rito at pati susi ng silid ko ay binigay pa nila rito? Paano kung may gawin itong masama sa akin?
 
"You shouldn't be friends with those who tolerate your wrongdoings," he started. "Ang tunay na kaibigan ay hindi sinusuportahan ang isang kaibigan sa bagay na masama. That is not what real friends do, Euxine Carolina Scarlet."
 
"Ano'ng alam mo sa pagkakaibigan?" malamig kong tanong sa kanya. "You don't even have any friends, right? Kaya ano'ng alam mo sa pagkakaibigan?"
 
"I can live without friends, Scar, and I can be happy without them. Your friends should support you in the right things, not in your wrongdoings. Not all the people you treated as friends are considering you as a friend. Ang tunay na kaibigan ay tinatama ka, hindi iyong kinukunsinti ka sa mga mali mong gawain."
 
"Ano ba'ng pakialam mo? This is my life, and I can be friends with whoever I want. Labas ka na sa buhay ko, okay? Bakit ka ba kasi nakikialam?" I tried to maintain my voice calmly. "Huwag ka na lang makialam, okay? Dahil wala rin naman akong pakialam sa 'yo!"
 
Napasentido siya at dismayadong umiling sa akin. "Scarlet, look... I am just worried about you."
 
I scoffed and glared at him. "What? Worried about me? I don't need your fucking worry, okay?!" My voice raised due to my irritations against him. "Why? Why are you worrying about me? Do you like me, huh? Totoo ba talaga 'yong kumakalat na may gusto ka nga sa akin, ha?!"
 
Nanatiling matigas ang pinapakita niyang ekspresyon sa akin. "What if I say yes? Can you do something about it?"

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now