Kabanata 7
Para kasing namamaga
Finally, I'm here!
Nakatanaw ang aking mga mata sa labas ng bintana ng van. It was no longer tall buildings and establishment, the scenery was changed.
Napalitan iyon ng mga puno, ilang hektarya ng lupain ang nadaanan namin na puro puno ng niyog simula nang pumasok ang sasakyan sa Tagbakan, ang pag-aari ng mga Ponce.
It was such a long drive.
Halos sampung oras yata kaming nasa daan. Panay tulog, kuwentuhan, at kumain ng snacks ang ginawa namin buong biyahe.
Nang makarating kami sa Lucena, bumaba kami upang mag-dine in sa fastfood bago nagpatuloy sa biyahe.
Chance made sure I was full with the fastfood meal. Wala raw kasing ganoong pagkain sa San Andres, Quezon. Malayo ang biyahe para lang kumain ng fastfood.
Mas mami-miss ko naman ang luto ni Mama. I was chatting with her some casual updates with pictures.
Ngayon pa lang, kinukulit ko na si Chance tungkol sa tourist destinations. S'yempre, kailangan niya akong igala sa buong sulok ng kanilang bayan. I was so excited for this trip.
Ilang linggo akong mananatili sa kanilang hacienda. Oh my gosh, sana wala iyong bruhilda! I can handle her. Kapag tinarayan niya ako, magmamaldita rin ako. Nabuo ko na ang senaryo sa aking utak.
Nanatiling nakatutok ang aking mata sa labas. It's refreshing to see the greenery and the simple life of the people. Mayroon silang malawak na taniman, iba't ibang klase. Mayroon ding greenhouse.
Matagal ko namang alam iyon pero namamangha ako sa laki.
Pumarada ang sasakyan sa tapat ng isang mansyon. My eyes widened in awe.
It was enormous.
Malaki... Malawak... Halata agad ang estado nila sa buhay.
And they were trying to live a normal life in the city with their small apartment? Wala nga pala silang choice dahil sa bitchesa nilang tiyahin. Alam kong mayaman ang angkan nila Chance, pero hindi ko alam na sobrang yaman pala.
Unang beses kong nakita ang mansyon.
I had never seen it in picture. Kinuhanan ko naman iyon ng litrato at si-nend kay Mama. Wala pang ilang minuto kaming nakarating, mapupuno na yata ang phone ko ng pictures.
"Let's go, Crim." He offered his hand to me.
Nakababa na si Chance mula sa van. Kinuha ko naman ang kanyang kamay, bumaba na rin ako.
Dumako kami sa likod ng van upang kuhanin ang mga bagahe. Iniabot nang mga pinsan ni Chance ang bagahe na sinalo naman niya. I had the most duffle bags and shopping bag.
Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi.
Tumulong din ako sa pagbibitbit ng gamit. Sinalubong naman kami ng mga kasamahan nila sa bahay. Nagmano sila at humalik sa mayordoma ng mansyon na ipinakilala nila sa aking bilang si Manang Sisa.
Gumaya rin ako at nagmano. "Hello po, ako po si Crimson. Nice to meet you po, Manang Sisa."
"Aba'y napakagandang bata, ikaw ba ang girlfriend ni Chance?" tanong niya sa akin.
Namula naman ang kanyang pisngi. "Bestfriend po ni Makoy." I replied.
"Bestfriend na baga ang bagong tawag sa kasintahan?" Lumingon siya sa mga kalalakihan na sabay - sabay namang tumawa. "Mabuti naman at naparito ka sa amin. Ipagluluto kita nang masarap na mga putahe."
YOU ARE READING
To His Future Lover ✔ (Haciendero #5)
General FictionThey are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not decipher, they aren't gods to be perfect. They are either a dream or a nightmare and disaster combine...