Pagsubok
Minsan sa ating buhay
Gusto na nating sumuko
Dahil sa pinagdadaanan natin
Pero dapat matuto tayong lumaban
Kasi mga pagsubok lang itoSusuko na lang ba tayo?
Bakit ‘di natin subukang humingi
Ng tulong mula sa Panginoon?
Upang tulungan niya tayo
Sa mga pagsubok sa ating buhay.Minsan nasasabi natin sa ating sarili
Na wala tayong halaga
Dapat huwag nating sabihin ito
Dahil lahat tayo ay may halaga
Huwag tayong susukoBakit tayo ginawa ng Panginoon
Kung sa sarili nga natin
Nasasabi natin na wala tayong halaga?
Ginawa niya tayo dahil may misyon tayong gagampananKaya gawin natin ang nararapat
Gawin natin ang misyong ito
Kung ano man ito na ibinigay niya
Gagawin natin itoNarito naman ang Panginoon
Palaging nasa tabi natin
Gumagabay at tumutulong sa atin
At higit sa lahat, nagmamahal sa atinHuwag nating ilayo ang sarili natin sa Kanya
Dapat lagi itong nakalapit sa Kanya
Dahil sa panahon na kailagan natin ng kaagapay
Nariyan Siya na nagbabantay sa atinTandaan, pagsubok lang ito
Na kailangan nating harapin
Kahit ano pa ang mangyari
Para makamtan natin ang ating tagumpay.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.