Agrikultura’y Pahalagahanan
Kababayan, alam mo ba
na ang sektor ng agrikultura
ay tumutugon sa pangangailangan mo
at nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ating ekonomiya?Sa paghahalaman, maraming pangunahing pananim ang bansa—
tulad ng palay, mais, pinya, abaka at iba pa.
Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang pagod ng mga magsasaka
dahil ibinubuwis nila ang buhay nila para makakain ka.Sa paghahayupan, pag-aalaga ng hayop ang kailangan.
Kung ako sa iyo, huwag mong saktan ang alaga mo
dahil sa kanila galing ang karneng kinakain mo
at gatas na iniinom mo!Sa pangingisda, mga isda na’y nauubos!
Tama na ang paggamit ng dinamita
kung gusto mo pang makatikim ng isda!
Mangingisda, maghinay-hinay sa pangangalap!Kagubata’y nakakalbo na,
sektor ng agrikultura na paggugubat, mawawala na ba?
Mamamayan, hahayaan mo na lang bang ganito
at tuluyang mawala ang yaman sa kapaligiran mo?Mamamayan, halina’t magkaisa’t magtulungan
na pahalagahan ang sektor ng agrikultura
na siyang tumutugon sa ating pangangailangan
para sa ikakaunlad din ng ating bayan!
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PuisiMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.