IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 86)

21 2 1
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y MAGHIHINTAY"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikawalumpo't Anim na Tagpo

Gabi-gabing napapanaginipan ni Ernie si Arianne. Tuwing nagigising siya, tinatanong niya ang kaniyang sarili. Bakit kung kailan nag-usap na sila ni Arianne at tinapat na niya itong walang aasahan sa kanya 'pagkat anak lang ang turing niya rito, bakit lagi na lang dinadalaw siya ni Arianne sa kanyang mga panaginip. Di kaya pinakukulam na siya nito o napapatulong ito kay Jessa para mapanaginipan niya ito gabi-gabi through mental telephatic waves na pinadadaloy ni Jessa sa kanyang kamalayan.

Kung ganon kailangan niyang kausapin na si Jessa at magmakaawa rito na tulungan siya na maging mapayapa na ang kanyang kalooban. Kailangang makagawa siya ng paraan na makahanap ng pangontra para di na niya mapanaginipan pa si Arianne kung hindi ganoon, baka tuluyang mabaliw na siya.

Kung minsan, gusto na ni Ernie na kausapin si Ine at ipagtapat sa asawa ang mga panaginip niya tungkol kay Arianne na labis na bumabagabag sa kanya. Napipigilan siya sa kanyang mga pagtatangka sa takot na baka di siya maunawaan ni Ine at di siya paniwalaan sa wagas na pagmamahal niya sa asawa.

Ginawa na niya ang lahat. Naroong ayain niya ito sa Poong Nazareno sa may Quiapo, sa Simbahan ng Virgeng Manaog sa Pangasinan, dumalo ng mga prayer meeting at ginawang abala ang sarili sa iba't ibang gawaing pansibiko at kawanggawa at inilubog ang sarili sa kanilang negosyo ngunit pawang lahat ng ito, di man lang nagkabisa.

Napapanaginipan pa rin niya si Arianne sa palasyong ginto na kasabay niyang kumakain habang nakahain ang masaganang pagkain. Naroon pa rin ang mga lambana na inaawitan sila ng awiting "Maghintay Ka Lamang...Ako'y Darating".

May mga gabing napapaginipan niyang sabay silang maligo ni Arianne sa batis na parang salamin sa sobrang linaw na natutunghayan nila ang kanilang mga sarili na kapwa walang saplot na parang sina Eva at Adan habang napapaligiran ng mga ibong may iba't ibang kulay na nakabantay sa kanila at masiglang nagsisiawitan.

Tuwing uuwi sila sa palasyong ginto, manghang-mangha si Ernie pag masaya silang sinasalubong ng mga naghahabulang mga sanggol na mukhang anghel na sa napakamurang edad ay kaya nang tumakbo at isa-isang magsisiyakap sa kanila.

"Sino ang mga 'yan...bakit maraming sanggol sa palasyong ginto..." ang buong pagtatakang pag-uusisa ni Ernie.

"Sila ang mga naging bunga ng gatas ng buhay na ating pinagsaluhan sa ating pulo't gata..." ang buong kasiyahang pagmamalaki ni Arianne na taglay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Weh di nga? Ganon kadali...parang magic...ta'wag mong sabihing anak nating lahat 'yan?" ang di-makapaniwalang tinig ni Ernie.

Mabining mapatatango na lamang ang prinsesang si Arianne.

"Huwag kang magtaka aking giliw...sa Daigdig ng Hiraya na nilikha nating dalawa...ang lahat ng bagay ay 'instant' lamang...sa paraisong ito walang pagkagutom, walang kalungkutan, di makararamdam ng pagkauhaw at anumang pagod kundi pawang kaligayahan lamang..." ang dugtong pa ni Arianne.

Sa mga oras na yaon parang nalimutan na ni Ernie ang realidad ng buhay.

All reactions:1James Alfred Simpao Villamor

1LikeCommentShare

Naku may sa mangkukulam pa yata. Kahirap naman ng ganyang panaginip parang magic ah.

Love Reply


Write a comment...

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon