Prologue

117 5 5
                                    

"Hoy, Iska gising na, tanghali na at papasok ka pa! 6:30 na, bumangon ka na riyan male-late ka na! Kanina pa kita ginigising! Ito talagang batang ito, puyat kase ng puyat. Kaka-cellphone mo iyan!

"Babangon na po pamaya-maya. Saglit lang, Lola Silvia, 5 minutes nalang po please inaantok pa po ako."

"Gumising ka na riyan, apo. Male-late ka!" Sabay hatak sa aking kumot dahilan para ako ay para bumangon sa aking higaan.

"Ihh lola naman ehh!" Sabay bangon ko at dumiretso sa CR para gumayak na.

"Kumain ka na bago umalis. Bilisan mo anong oras na baka magsarado na ang gate niyo sa school! Ang kulit mo talagang bata ka! Gumising ka na ng mas maaga sa susunod!"

"Opo lola hehehe love you" Kinuha ko na ang aking bag sabay alis.

"Sige na, alis na ingat ka apo 'wag ka na saan-saan pupunta pagtapos ng school" nakangiting paghatid mula sa aking lola.

Sige po mwuah! Nakanguso kong halik bago umalis sa bahay.

Habang tumatakbo ako dahil sa pagmamadali malapit sa gate nadagil ko ang isang lalaki na may hawak na project na nalaglag. Parang magkasing edad lang din kami pero imbis na tulungan ko siya, napasabi na lang ako

"Sorry po babye!" Natataranta kong sambit. Hindi ko na alam ang gagawin baka i-absent ako ng teacher ko eh, sabay karipas ko ng takbo papalayo.

"Tsk..... Who's that girl? She's so rude!?? Nah my project !! Damn it!!"

Nang ako'y makarating na sa loob ng classroom ay hingal na hingal ako. Pero wala pa palang teacher na pumapasok.

"Hala bakit walang teacher?" Tanong ko sa aking kaibigan kong si Minsi.

"Hindi ka ba nagbabasa ng gc, gaga ka a-absent muna raw si sir kase masama raw pakiramdam niya!" Tuwang tuwang sambit nito.

"Hays....Bwisit nagmamadali pa ako wala naman palang teacher" padabog kong sabi.

Habang papaupo ako sa aking upuan, naalala ko 'yong ka-tangahan na ginawa ko sa lalaki kanina. Baka mamaya nasira ko 'yong project niya at pagbayarin pa ako. Ubos allowance ko nito!

Hala hindi naman niya siguro ako mahahanap kase parang mukhang hindi naman siya nag-aaral dine eh. Hindi siya naka-uniform tsaka mukhang yayamanin!

Pagkatapos ng klase, pauwi na sana ako nang makita ko ang isang kuting na dumadaan at muntik na itong masagasaan. Walang alinlangan kong iniligtas ang kuting!

Kasabay noon ay ang pagtama sa akin ng sasakyan, dahilan para ako'y matumba. Biglang lumabo ang aking paningin at nagsisigawan ang mga tao sa paligid!

Mamamatay na ba ako? Hindi pwede! Lumaban ka Iska! 'Wag kang matutulog!!! Hindi ko mapigilang pumikit at namamanhid na ang aking katawan!

Nang magising ako ay nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako o hospital???! Pero para akong nasa kwarto patay naba ako kinurot ko ang aking mukha pero nararamdaman ko ang sakit hindi ako patay yehey

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang magising ako ay nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako o hospital???! Pero para akong nasa kwarto patay naba ako kinurot ko ang aking mukha pero nararamdaman ko ang sakit hindi ako patay yehey....!!! Ng sumakit ang aking ulo napagtanto nasan nga ba ako?,tinatawag ko kung may tao tinatawag ko ng malakas na malakas ang pangalan ni Lola Silvia ng paulit ulit. Ngunit wala talagang tao na pawang ako lang ang magisa sa kwarto na iyon ,ngunit naghanap ako ng kung saan pwede tawagan si Lola Silvia ng malaman niya ang lagay ko para hindi siya magalala ng makita ko ang bahay na iyon ay napaka ganda ng makita ko ang

My Delulu Becomes RealWhere stories live. Discover now