Lei Ann's POV
Habang patuloy ako sa paglalagay ng aking mga gamit, puno ng kuryusidad ang aking isipan tungkol sa misteryosong libro at bracelet na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Hindi na tuloy ang pagsagot ni mama sa aking katanungan kanina dahil pagdating lang daw namin sa bago namin tahanan nila sasabihin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang damdaming may kakaibang mangyayari. Sa bawat item na maingat na inilalagay sa aking maleta, lumalaki ang kakaibang nararamdaman ko.
SA HULI, pagkatapos ng nakakapagod na biyahe patungo sa aming bagong destinasyon, nag-settle na kami ng aking pamilya sa aming bagong tahanan. Ang hapon ay nagbigay ng mahabang anino sa hindi pamilyar na paligid. Ang hangin ay puno ng kakaibang excitement at uncertainty. Matapos kong ligpitin ang aking gamit sa aking kwarto, tinawag ako ni mama para pupunta kami sa living room. Hindi ko mapigilang maramdamang kaba at excitement.
"Lei," simula ng aking ama, "Ang dahilan kung bakit namin ibinigay sa'yo ang libro at bracelet at palagi na lng tayong lumilipat ay dahil hindi mga ordinaryong bagay ito at tayo hindi din ordinaryong tao na kagaya ng nakakasalamuha natin sa loob ng ilang taon. At ang mga bagay na ibigay namin sayo ay may kasamang enchantment, ipinamamana sayo."Nagdilat ang mga mata ko at masinsinan akong nakikinig sa sinasabi ng aking ama, Pinupunasan ko ang aking mga palad sa aking jeans, habang nakikinig sa sinasabi ni Papa. May kakaibang bagay sa hangin, at hindi ko maipaliwanag kung anoang aking nararamdaman.
"Ang libro ay isang-"
Naputol ang pag ko-kwento ni papa ng sumabog ang pintuan. Bigla nangrindi ang aking tainga sa matinding pagsabog at ng imulat ko ang aking mga mata. Nakita ko sila Mama at Papa nakikipaglaban sa mga misteryosong nilalang, may bitak ng dilim, ang biglang dumating.
Habang pinagmamasdan ko sila hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ng biglang sumakit ang aking isip sa hindi maintidihan.
'Tashia, kailangan niyo ng umalis ni Lei Ann dito!!' narinig ko sa aking isipan
'Parami ng parami na sila Henrick! Mas mabuting umalis siya mag isa upang mapigilan natin ang pag dami at hindi nila makuha siya' Tugon ni mama sa isipan ko
Ano ang nangyayari, hindi ko mainitidihan. Bakit.. Bakit naririnig ko sila... Ano ang nangyayari.
Napatingin si Mama sa akin ng ilang sandali. At patuloy si Papa sa pakikipag laban sa mga nilalang sa nasira na pintuan upang mapigilan ang ibang nilalang makapasok.
'Lei Ann, Anak' biglang sabi sa akin ni mama sa aking isip at nabigla ako sa kanyang sinabi
'Anak. KAILANGAN MO NG UMALIS DITO! siguraduhin mong hindi ka nila maabutan!'
'A- ano ang nann.. nangyayari maa..'
'Alam ko anak marami kang hindi alam. Pero kailangan mo nang umalis. Doon ka sa likuran dumaan, sa gubat. UMALISS KA NA!!'
Nagsimula akong tumakbo patungo sa pinto ng likuran, bilang humarang ang nilalang na naka-itim sa akin.
"Ahhh!!" Sigaw ko sabay tulak ko sa harap at lumipad siya paitaas na parang tinulak ng hangin at bigla nalang nanghina ako. Pero hindi yun magiging dahilan para panghinaan ako ng loob na makatakas doon. Nang lumabas ako sa likod ng bahay, agad kong napagtanto ang paglakbay ko papunta sa kagubatan. Ang kakahuyan ay bumulaga sa akin, ang mga sanga at dahon. Ang mga hakbang ko'y bumilis, at habang tumatakbo ako sa ilalim ng kumikislap na buwan, naramdaman ko ang lamig ng hangin na dumarampi sa aking mukha. Hanggang sa natagpuan ko ang isang mahaba na ilog.
Tumakbo ako patungo doon at may napansin akong bangka kaya napagdisisyonan kong sumakay kahit hindi ko alam kung saan patungo ang ilog na ito.
Makalipas ng ilang minuto, nakalayo-layo na akong nang marinig ko sila sa gilid ng ilog na hinahanap at nakikita ko pa sila na hinahanap nila ako. mabuti na lang malayo na ako galing doon.
Pinagmasdan ko ang paligid bago ko nagpagdisisyonang matulog dahil gabi na. Pero kahit anong pikit ko, hindi ko makalimutan sila mama at papa na hinayaan ko sila doon makipaglaban. Humihikbi ako akong napa isip na
'Sana ligtas na sila at nakatakas sa mga nilalang na yun'
'Okay lang kaya sil-la? (*sob) Hin- hindii ko na alam kung ano ang gag-gawin ko(*sob)'
Hanngang sa pumikit ang aking mga mata sa kakaiyak at kakaisip kun ano na nangyari sa kanila at sa akin
"Tristan! Dahil natin siya sa loob. Baka mapahamak siya dito"
"Are you Stupid?! Shaya?! We don't know who is she in the first place, bakit natin siya dadalhin sa loob!"
"Oo nga Shaya, Tama si Tristan, Hindi natin alam maybe she's one of the UmPha. Mas mabuting ng ligtas tayo"
"Pero ano kase, kase. Tignan niyo naman isang UmPha bayan sa tingin niyo?!!"
Mga salitang naririnig matapos kong maramdaman na umaga na pala
"Ohh! Gising na siya??!!" Rinig ko sabi ng lalake
"PATULUGIN NIYO MUNA!!!"
KINDLY VOTE, LEAVE A COMMENT FOR THE NEXT CHAPTER.
THANK YOUU PO😊
BINABASA MO ANG
Echoes of the Elemental in Athenia Academy
FantasyIn the extraordinary world of Athenia, a place filled with magic and mystery, we find a school brimming with unique powers and secrets. The Athenia Academy, where beings with wondrous abilities come to learn and unravel the mysteries of their existe...