Kahel
ATHAZAGORAPHOBIA—the intense fear of being forgotten.
The young Drake used to tell me about his greatest fear. Ang weird lang dahil habang bumubulusok ako pababa, ang mukha ng kalaro ko ang nakikita ko.
Right now, a series of our childhood memories are playing in my head.
"Are you afraid of dying?" minsan kong tanong sa kaniya habang naglalaro kami ng buhangin noong mga bata pa kami.
"Nope," nakangiti niyang tugon. Mabilis ko siyang nilingon, habang pinapatag ko ang kastilyong binubuo namin. Siya naman ay hindi ako tinitignan habang pinupuno ng buhangin ang likod ng laruang niyang truck. "Death is like a gift for me. The moment I die, I will no longer be in pain."
Sumikip ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. Iyon 'yong mga panahong alam ko na ang tungkol sa sakit niya. Natulala ako sa kaniyang likod habang iniisip kung paano niya napagtanto ang mga bagay na iyon. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko nakontrol ang hawak kong pala at nasagi ko ang ginagawa naming sand castle hanggang sa gumuho ang isang bahagi nito. Ang ilan sa mga buhangin ay napunta sa damit ko.
"Naku, sorry," paumanhin ko agad.
"It's okay," mabilis na alo ni Drake.
Sa halip na asikasuhin ang kastilyong aming binubuo, inuna niyang pagpagin ang mga alikabok na nagkalat sa damit at sapatos ko.
"Drake, huwag mo nang linisin baka marumihan ka pa," aking alo. Pero patuloy pa rin siya sa pagpagpag sa mga suot kong pinaglumaan lamang ng aking kuya.
"Ayos lang, Kahel," tugon niya sa slang niyang pag-Tagalog. "You are wearing your family's keepsake, kaya dapat panatilihin mong malinis iyan."
I dunno, but at the moment, he made me feel that me, too, is blessed in life. Na kahit ganito ako, may pamilyang naghihintay sa akin sa bahay. That I should value the things I get from them.
Nginitian ko siya habang marahan siyang umaangat mula sa kaniyang pagkakayuko.
He smiled back. He was staring at me as if inaaral niya ang mukha ko. Matapos ang ilang segundo ay lumabas sa bibig niya ang isang kakaibang tanong.
"Kahel, will you remember me when I'm gone?"
Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ko.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi na rin niya ako hinintay na tumugon.
Napahiga siya sa buhangin at napatingin sa langit. "Tara, Kahel. Humiga ka rin."
I just followed his queue. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. I was so young. I was afraid of uttering words that he might misunderstood. Gusto ko siyang sang-ayunan pero ikadudurog ng puso ko kung sakaling lisanin nga niya ang mundo.
We just laid on the sand that afternoon. We were watching the cloudy sky, thankful because he made it through another day, alive.
We began counting clouds while imagining them as animated objects hovering above us.
He started laughing tuwing nagkakasundo kami sa hugis ng ulap at kung ano ang mga kawangis nito.
"Iyon, mukhang aso. Ito naman, mukhang elepante. Ay iyon mukhang balyena," saad ko habang binibilang ang mga ulap sa aking tapat.
While I was imagining things peacefully ay umalingawngaw sa aking tenga ang isang katagang bigla niyang ibinulong sa hangin.
"Sana huwag mo akong kalimutan kapag wala na ako, Kahel."
***
I'm still falling from the sky.
I opened my eyes.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon