CHAPTER 16

97 5 0
                                    

KUNOT nuo akong naka tingin sa cellphone ko kanina pa ako nag hihintay sakanya dito sa parking lot. Naka upo lang ako sa bench habang hinihintay siya.

Nakakainis 35mins nalang at dalawang oras na akong nag hihintay sakanya. Ginugood time lang yata ako ng lalaking yon.

Tatayo na sana ako para umalis ng may biglang humawak sa braso ko. Si Cidreck humihingal pa siya na para bang pitong bundok ang tinakbo niya.

"W-why are you waiting here?"

"Huminga ka muna. Saka sabi mo kasi sa parking lot ako mag hintay diba."

"Yes but on the other side. The private parking lot, I'm sorry I didn't tell you."

Bumuntong hininga ako akala ko talaga ginugood time lang ako ng lalaking to kundi hindi kona talaga siya kakausapin.

"Let's go."

Ang kamay niyang naka hawak sa braso ay bumaba sa kamay ko dahilan para yong kamay naming dalawa ay mag tagpo at masasabi kong nag holding hands na kami habang nag lalakad sa hallway.

Umiiwas ako ng tingin sa mga student na naka tingin sa pwesto namin, normal lang na pag lalakad ang ginawa si Cidreck at talagang nakaka agaw ng pansin.

"C-cid maraming naka tingin baka pwedeng bitiwan muna yong kamay ko."

Ngunit hindi niya ako pinansin. Sinasamaan lang niya ng tingin ang mga studyante na tumitig samin lalo na sa kamay naming magka siklop.

Mas lalo akong nahiya ng maraming mga mata ang nakikita kong umirap. Subrang bakla kuna sigurong tignan.

Sa subrang kahihiyan ko hindi kuna namalayang nasa harap na pala kami ng kotche niya. Dalawang kotche lang nandito siguro kay Mavis iyong kulay red na ferrari samantalang kulay black na lamborghini naman ang kay Cidreck.

Napa lunok ako, bagay ba ang isang tulad ko na sumakay sa ganyang kotche. Binalingan kopa ng tingin si Cidreck, naka pasok na siya sa loob at yong mukha niya iritang irita habang nag hihintay sakin.

Hindi siya gentlemen?

Dismayado akong pumasok sa front set ngunit mas lalo lang sumama ang tingin niya sakin. Nag tataka na ako sa kinikilos niya kanina lang ang lambing niya pero ngayon parang iba na siya nararamdaman ko ulit ang takot ko kapag kaharap siya.

"Who are you to sit there? Leave, sit in the back."

Mabilis ang kilos ko at agad na lumabas para lumipat sa likod. Subrang lamig nang boses niya habang naka tingin sakin gamit ang front mirror sa kotche niya.

"Those student's don't even know that you and Zia broke up?"

Naka tingin siya sakin subrang lamig pa ng tingin niya. Pa lipat lipat ang tingin niya sakin at sa daan.

"Answer me glen? Why didn't you tell them that you and Zia broke up. Do you plan to wait for that girl to return?"

"H-hindi, saka hindi naman kami sikat sa school para sabihin kopa sakanila ang tungkol doon."

Tumingin siya sakin at matamis na ngumiti, nakakalaglag brief ang ngiti niya. Takte talagang nababakla na ako.

"Good, I hate to see you stuck to that leech."

Kunot nuo akong tumingin sakanya. Leech? Hindi linta si Zia isa pa hindi siya ganong babae. Gusto kong punahin si Cidreck pero natatakot ako na bumalik ulit iyong maitim niyang aura.

"Get ready we're here, don't walk away from me when we go out."

Tumango lang ako, nauna siyang lumabas sakin akala kopa iiwan na niya ako pero umikot siya sa kabila at pinag buksan ako ng pinto.

His Madness (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon