CAPITULO 40

2K 41 8
                                    

CLAZZO

Today is Kaede's graduation!

Masayang masaya kaming gumising dahil nga it's Kaede's graduation day! He'll graduate as the valedictorian of their batch! Sobrang proud ako dahil nakatanggap din siya ng mga special awards!

"Advance congratulations, baby!" Bati ko sa kaniya.

Kami na ni Axel ang gumising sa kaniya dahil naghahanda na ng umagahan namin sina Ellena at Edna, nakabihis na rin sila dahil gusto nilang makita si Kaede na aakyat sa stage.

"We're so proud of you, son. You survive the first school grade of your life! Congratulations!" Axel said as he started clapping his hands for Kaede. They're so cute!

Umupo si Kaede mula sa pagkakahiga, magulo pa ang buhok at nakasuot ng pair of pajamas, pumupungay pa ang mata pero nakangiti ang mga labi. Lumapit siya sa amin para yakapin kami pareho at sinabing, "Thank you, my lovely parents! My only graduation wish is to finally have another sibling!" Then he chuckled.

Natigilan naman kami pareho ni Axel dahil sa sinabi niya, I cleared my throat and smoothly ignored it.

"Oh siya, maligo ka na at aayusan pa kita. Tutulungan ka ng daddy mo pumili ng susuotin kaya sige na, mag asikaso ka na." Bilin ko at saka hinalikan ang kaniyang noo.

Agad namang kumilos si Kaede at saka nagtungo sa kaniyang sariling bathroom, nagpaalam muna ako kah Axel na bababa para tulungan ang dalawa sa pag aayos. Hinalikan lang ako ni Axel sa noo bago ako bumaba.

Sabay sabay ga-graduate si Kaede at mga kaibigan niya, masaya nga sila nang imbitahan ulit sila ni Axel dito sa bahay na sa tabi lang ng dagat para mag celebrate, umorder lang ng mga pagkain mula sa isang sikat na cook dito sa aming barrio. Umorder si Axel ng bila-bilao na mga pagkain katulad ng pansit, palabok, spaghetti, chicken, bacon strips, inihaw na steak, lumpia, barbeque, isaw, betamax, calamares, at marami pang iba! Sobrang saya nga ng cook dahil ito ang unang pagkakataon na may umorder sa kaniya nang ganito karami.

Tinanong pa ako ni Axel kung ano ano ang mga pagkain dahil obviously, hindi pamilyar si Axel sa ibang pagkain katulad ng mga kakanin, palabok, betamax, at isaw. Never pa nga raw siya nakatikim no'n, pero gusto niyang subukan.

Nang makababa ako ay naabutan ko na ang dalawang nag aayos, si Edna naman ay inaayos na ang buhok malayo sa mga pagkain naming kakainin para sa umagahan. Matagal din kasi ang ceremony kaua paniguradong gugutumin kami kung hindi kami kakain.

Nakasuot ng mom jeans at turtleneck fitted top na sleeveless si Edna habang si Ellena naman ay naka gray lang na sleeveless dress! Mukha lang tuloy kaming magkakapatid dahil sa mga porma namin. Kapag kasi namimili kami sa bayan ng gamit ko at ni Kaede ay sinasabay ko na sila, ginagamit ko ang experience ko sa fashion industry para bigyan sila ng magagandang pamporma na minsan lang din naman nila magamit.

Ako naman ay nakasuot ng red na flowy dress, pa-off shoulder iyon at may slit sa kaliwang binti, nakatali naman ang buhok ko into half pony with a white ribbon, I partnered my dress with a white versace heels na nabili ko pa noong nagtatrabaho kami as supermodels ni Ely sa US.

"Grabe, madame! Napaka ganda mo talaga!" Bati ni Edna nang nakangiti nang malawak.

I shrugged, "Small thing." Pagbibiro ko na ikinatawa nila.

Kinabit na sa akin ni Ellena iyong pink na ribbon na kailangan daw isuot ng parents na aakyat sa stage, pink na ribbon with a with fake rose at nakasulat ang 'parents.' may ganito rin si Axel pero kulay asul naman ang kaniya.

Nang matapos kaming mag prepare ay sakto namang bumaba na ang dalawa, namangha pa ako sa ayos ni Kaede dahil mukhang nagbigay ng sobrang effort si Axel!

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon