Prologue

62 1 2
                                    

Pagpasok ko sa loob na bahay ay napatigil ang paa ko sa mga taong nagkakasiyahan. Napatigil naman sila sa kakahiyaw at lumingon sakin.

Tumingin ako sa taas at nakita ko ang tarpoulin na may naka lagay na

"Congrats Rhyniel Dave Accuña and Kebian Asutilla for your first baby"basa ko at may nakalagay  pa na picture nila sa baba na nakayakap ang babae sa kaniya. Masaya silang dalawa kulang na lang kuminang mata nila sa tuwa.

"What are you doing here?"napatingin naman ako kay Rhyniel. Lumapit sila sa akin kasama si Kebian

"Bakit bawal ba ako dito? Bahay ko din naman ito ah"

May karapatan pa naman Ako ah.. Kasal pa kami.

"At chaka hindi mo man lang sinabi may pa party pala dito. Hindi mo man lang inimbita ang asawa mo. Kasama mo pa magulang mo" tumingin ako sa magulang niya. Sobrang sama ng tingin sakin ng nanay niya. Ngumiti ako at kumaway "Hi Mom , Dad. Di na ako magtataka kung kasabwat kayo dito. Kayo pa, Sigurado naman kayo ang gumastos ng lahat nito"

Galing, nung kasal ko wala man lang ka design design tapos ito. Kulang na lang pati labas ng bahay lagyan ng decoration.

"Umalis ka na Nallyza. Wag kang manggulo dito"

Hinawakan ako ni Rhyniel at akmang hihilain ako palabas ng tabigin ko ang kamay niya.

"Teka lang naman. Papaalisin mo ko sa pamamahay ko"tinuro ko pa ang tinatapakan namin ngayon "sa pamamahay natin. Kung may dapat mang umalis. Hindi ako yun, yang KABIT mo ang dapat na umalis dito"

Ang kapal nga naman nang mukha. Ako pa paalisin. Ako ba ng g*go saamin.

"Girl"napatingin ako sa kabit niya ng lumapit siya sa amin na may hawak na papel sa kanang kamay. "Noon yun.. hindi na ngayon"

Tinapon nito sa harap ko ang papel na hawak niya. Pinulot ko naman ito. Napangisi naman ako ng mabasa ko ang nakasulat Divorce paper.

"Now girl. Shu shu kana"

Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Rhyniel.

"Grave.. Ang tagal mo naman ibigay Rhyniel. Kung saan nagka baby kana doon mo pa ibibigay. Ang kapal mo naman"

Ngumiti lang ako sa kanila. Yung tipong aakalain nila na hindi ako nasasaktan pero sa kaloob looban ko sobrang nasasaktan na ako pero kung paiiralin ko ito parang mas lalong silang sasaya. Mas lalo nila akung sasaktan.

"Alam mo naman mahirap ako Rhyniel eh. Hindi ko kayang mag file ng divorce kaya hinintay ko talaga to. Tapos ngayon mo pa ibibigay.. Pinagtiis mo pa ako sa 2 years na pagsasama niyo"

5 years kaming kasal. 3 years masaya pa kami. Sobrang saya namin. Bakit dumating sa 2 years yung dati saya naging masakit na. Yung dating tuwa napalitan na ng luha. Yung dating ako, hindi na ako kundi siya na

"Wag ka nang kumuda. Permahan mo na yan at umalis kana dito"yung mata niya. Yung mata niyang itim na dati gusto gusto kung titigan. Ngayon nababahidan na ng galit.

"Pepermahan ko wag kang atat pero bago yun may tanong ako. Gusto ko sagutin mo ko. Bakit... Bakit mo ginawa sakin ito?"

Dami kung tanong Niel. Puro bakit. Bakit ganito bakit naging ganyan bakit.. puro bakit. Bakit hindi na ako. Kung kaya ko lang sabihin lahat ng yun. Kung kaya ko lang...

Napansin ko ang paghigpit ng kamay ni Kebian sa kaniya.

"Alam mo. Maiintidihan ko eh. Kung na arrange marriage tayo, kung pinilit kita magpakasal sakin o nakasal tayo na hindi mo ko mahal. Maiintindihan ko yun pero ang hindi ko maiintindihan yung ginanito mo ako"

"Hindi ka kasi---"

"SHUT UP I'M NOT TALKING TO YOU!!" Napatikom siya ng bibig. Lalapit sana siya ng pigilan siya ni Rhyniel.

"Kabit ka pa lang. Hanggang s hindi ko pa napepermahan ito kabit pa lang"

"You!!!"gusto niya akong sampilan pero pinipigalan siya ni Rhyniel na lumapit sakin.

"Let her Kebian. Kumalka baka maapektuhan yung bata"mahinang sabi ni Rhyniel at hinimas ang tiyan ni Kebian.

Tumahan naman si Kebian pero sinasamaan niya pa din ako ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binalik ang tingin kay Rhyniel

"Answer me Niel"ngayon tinawag ko na siya sa pangalan na ako lang ang tumatawag sa kaniya  "Naguguluhan na ako Niel. Kasi kahit harap harapan mo pa ako saktan. Bumabalik yung ala ala natin noon eh. Naalala mo? Kung paano mo hiningi kamay ko sa mga magulang ko. Kung paano mo ako pinagtanggol sa mga magulang mo. At kung paano naging tayo na humantong sa kasalan. Naalala mo"

Noon palang ayaw na sakin ng magulang niya lalo na ang ina niya kasi mahirap daw ako at pera lang daw ang habol ko. Pinagtanggol niya ako yung tipo na kayang niyang tiisin magulang niya para lang mapasaya ako. Kaya hindi ko talaga maiintindihan kung bakit naging ganito .

"Kaya hindi ko talaga maiintindhan Niel. Sobrang kang naghirap para makuha lang oo ko tapos ganito lang pala gagawin mo. Na kahit andyan na kayo sa harap ko. Kahit naghahalikan na kayo sa harap ko, Sa tuwing iniisip ko yun. Tinitiis ko na lang. Kasi akala ko panandalian lang. Akala ko babalik ka padin at sasabihing nagkamali ka. Pero hindi mo yun ginawa. KAYA ANSWER ME NIEL!! BAKIT YUNG MGA PAGHIHIRAP MO, PAGHIHIRAP NATIN BIGLANG NAWALA DAHIL LANG DUMATING YANG EX MO"

Nagulat naman siya kaya "Nagulat kano. Sa tingin mo hindi ko alam na ex mo yan. Nung araw na niligawan mo ko yun din yung time umalis yan para sumama sa ibang lalaki. Tama diba? Kaya ng bumalik yan binalewala mo na ako. Hanggang ito na nga nagbunga.. Congrats sa inyong dalawa. Sana di mamana ng anak niyo. Ang mga ugali niyo"

Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at nilabas ito.

"Pangako Niel. Peperma ako. Sabihin mo lang sakin"

He smirked at look at me from head to toe. "She's my ex. Nung time na umalis siya na depress kaya humanap ako ng magkatutuwaan ko"

"Pero bakit humantong sa kasal?"

"Dahil sinabi ko sa kaniya na pakasalan ka!!"

"Kebian"tawag ni Rhyniel

"No babe. Ako na sasagot sa walang kwenta niyang tanong" humarap siya sakin at tinaasan ako ng kilay "Nung sinabi niya sa akin na naging kayo ng 1 year and half. i didn't believe him. That's way I told him na pakasalan ka para patunayan niya na hindi na ako ang mahal niya. Kaya ginawa niya pinakasalan ka niya. Pasalamat ka pa nga eh tumagal ng 3 years ang pagsasaya nyo bago ako bumalik. Kaya malinaw na sayo lahat"

Gusto ko siyang sampalin. Gustong gusto ko pero hindi ko kayang gawin. Dahil alam kung ipagtatanggol siya ni Rhyniel. Kaya Dehado pa din ako.

"Thank you. Malinaw na sakin na ginawa mo lang akung panakip butas. Hindi na ako magtatanong kung mahal mo pa ako. Dahil malinaw na sa akin ang sagot. Hindi mo ako mahal at ni minsan hindi mo ko minahal"

Gaya ng sabi ko penermahan ko nga ang divorce paper at hinulog ito sa harap nila. Napatingin ako sa kamay ko at dahan dahang kinuha ang sing sing. Hinulog ko ito at tinapakan na naging sanhi ng pagkabiyak nito.

"Inaamin ko na mahina ako ngayon. Wala akung lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili ko. Maliit lang ang mundo at alam kung magkakaharap pa din tayo. Sa oras na mangyari yun hindi ko na hahayaan na saktan niyo pa ako. Kaya Niel" hinayaan kung pumatak ang luha ko at tumingin sa kaniya ng nakangiti "Sa oras nagmagkita tayong muli. Sisiguraduhin ko na nakahanap na ako ng lalaking papalit sa pwesto mo at gagamot sa sugat ko. At kapag nangyari yun. Hindi hindi ko hahayaan na guluhin mo pa kami dahil ako na mismo ang makakalaban mo"

"Hindi hindi mangyayari yun"

Tumango lang ako. Dapat lang. Alam kung babalik ka padin sa oras na malaman mo na ang totoo.

Tumalikod na ako at umalis. Dumating ako dito na may pagmamahal sa kaniya aalis ako kasabay ng pag alis ko sa pagmamahal ko sa kaniya...

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon