Collaboration with Celestia_Encantadia
~~~
Matapos magsara ng lagusan pabalik ng encantadia, agad na napabuga ng hangin si emre: pashneya nahulog tayo sa patibong ng sutil na sanggre, wika nya sa kasamang bathaluman.
Tila tama ka na nga, tila nais nya na tayo lamang ang gumawa sa Plano: sambit ni cassiopea.
Ano naang susunod nating gagawin? Ano ba ang sinabi sa iyo ni lira? Tanong ng bathala umaasang alam ni cassiopea ang sagot.
Pinilit ni cassiopea na alalahanin ng maigi ang nga sinambit ni lira bago nila kumbinsihin si emre.
*
Alam mo Lola cassi, pag talaga si emre pumayag, dadalhin ko Sha sa mga Lugar na alam Kong maeenjoy nya. Kasi minsan lang ang birthday e tas lagi pa syang busy sa mga duties nya: mahabang paliwanag ni lira.
Ano ba ang mga Lugar na iyon lira? Kuryosong tanong ng bathaluman.
Hm..
Sa mga street foods, tama Doon ko Sha unang dadalhin: ngiting sagot ng sanggre.
Ano ang Lugar na iyon lira?
Ah, ang street foods po ay isang Lugar kung saan nagtitinda ng mga ibat ibang pagkain: paliwanag nya.
Tiyak po akong masisiyahan ang bathalang emre Doon, maging ikaw po Lola cassi: nananabik na wika pa nito.
*
Naalala ko nais Kang dalhin ni lira sa isang Lugar na tinatawag nyang street foods: sagot ng bathaluman.
Ngunit ano ang Lugar na iyon? Takang tanong ni emre.
Gamitin na lamang natin ang ating mga kapangyarihan, ng sagayon ay matunton natin ang Lugar na tinutukoy ni lira: alok ni cassiopea.
Sige, Yun lamang ang maari nating Gawin: pagpayag ni emre.
Hinawakan ng bathala ang kamay ni cassiopea tsaka naglaho.
~
Matapos maglaho ng dalawang bathala, nakarating sila sa isang maingay na Lugar, napakaraming tao sa paligid at may ibat ibang pagkain.
Napakabango ng amoy sa kanilang paligid: may ilang tao naman ang napatingin sa dalawa.
Ang Ganda at gwapo naman nilang dalawa, parang mga artista.
Bagay sila.
Mag jowa siguro sila.
Mga bulong bulungan ng mga ito.
Ano na ang gagawin cassiopea? Bulong ni emre.
Halika, subukan natin ang mga pagkain rito: nakangiting Sabi nito tsaka hinila ang bathala.
S sandali cassiopea, hindi natin alam ang Lugar na ito: mahinang sigaw ni emre.
Saglit na napatigil si cassiopea at napatingin sa kasama.
Emre naiintindihan naman natin ang kanilang mga salita, at tsaka ito ang Plano ni lira, ang maging masaya ka Ngayong kaarawan mo: mahabang paliwanag ng bathaluman.
Napahinga na lamang si emre tsaka sumagot.
Sige na nga, ng hindi masayang ang Araw na ito: sambit ng bathala.
Masaya namang hinila ni cassiopea si emre sa isang tindahan ng fishball at kikiam.
Bumili sila ng maraming pagkain gaya ng, fishball, kikiam, siomai, kwek kwek, turon, banana cue, at marami pang iba.