Chapter 3- The Beginning

54 4 1
                                    

Chapter 3

----------

Lee's Pov

-.-

=.=

=.o

o.o


Teka... anong oras na ba?

Kinuha ko yung celphone ko at saka bumangon.

8:47 am

8:47 am???

0_________0

"WAAAAAHHHHHHHHHHHH"-sigaw ko.

"Oh hija?! Anong nangyayari sayo?"-tanong ni manang na may hawak na sandok.

"Manang! Bakit di mo ko ginising??!"-sabi ko.

"Aba naman hija! Kanina pa kita ginigising ikaw tong ayaw bumangon. Ang sabi mo pa walang pasok!"-natatawang sabi ni manang. The eff? Sinabi ko yon? Aish!!!!!

Bumangon na ko kesa makipagdakdakan kay manang.

===

Pagtapos kong maligo tiningnan ko agad yung celphone ko.

May isang voice message. Galing pa rin kay Pin. Kagabi pa to ah? Halos kasunod lang to nung voice message niya kagabi.

'Lee!! May sasabihin pala ako sayo! Goodnews! Bwahahaha. Alam mo ba pumunta dito si Mark. Ngayon ngayon lang. (Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Pin.) Nagsorry sya sakin. Nagulat nga ko puro pasa at dugo yung mukha niya eh. Hindi ko na tinanong kung sino ang may gawa. Alam ko namang ikaw yun eh. Hahaha. Ganun ka na pala talaga kalakas Lee? Ang laki na ng inimprove mo. Haha. Sooo, yun lang. Ah nga pala! Nung pumunta dito si Mark may dala syang chocolate, flowers at card. Magkita daw kami sa school bukas. Hihi. Thank you Lee ah? Thank you talaga! Goodnight!'

WHAT THE FUDGE!!!

Napatakbo na ko ng di oras at dali daling sumakay ng bus. Nililinis pa kasi ni manong yung van.

Eto na nga bang sinasabi ko! Gaganti at gaganti si Mark!!!

Matawagan nga si Iska.

"Hello Iska? Nasan kayo?"

"Nasa school. Why?"

"Antayin nyo ko sa caf!"

====

-ELITE'S CAF-

"Si Noie at Pin?!"-natataranta kong tanong.

"Teka. Bakit ka ba natataranta?"-tanong ni Iska.

"Si Pin!!! Nasa panganib!!"-sigaw ko.

"WHAT???!!!"-sigaw ni Iska.

"Guys!!!"-natataranta at hinihingal na pumunta samin si Noie.

"Bakit?"-tanong namin ni Iska.

"S-si Pin!!!"-tapos may tinuturong direksyon si Noie. "Sa Library!"-sabi niya saka kami natatarantang tumakbo.

====

Malapit na kami sa library nang matanaw naming ang daming tao.

"Si Pin."-mahinang sambit ko saka ako tuluyang pumunta sa library at nakipaggitgitan sa mga tao. Yung mga estudyante parang kinikilig na ewan. Ano meron?

Teka...

THE FUDGE!!!

Nakaupo si Pin sa may gilid ng pinto ng library. Tapos may nakasabit sa leeg nya na parang malaking name tag. Nakalagay dun ay 'Hi Im Pin! Du u want mi 2 clean ur shoez =D' Naknang! Jejemon pa nga yung spelling!

Never Play With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon