C'8

50 8 1
                                    

Chapter 8

NAPADAING ako ng maramdaman ko ulit ang sakit sa aking paa, at hindi lang nanggagaling doon yung sakit pati na sa nararamdaman ko. Marami na palang kumakalat na balita tungkol sa'kin, na kahit hindi naman nababanggit yung pangalan ko ay masakit parin dahil alam ko ako yung tinutukoy nila atsaka talagang itinago ni Stefano sa publiko ang pagpapakasal namin kaya pala wala akong ni isang nakitang photographer sa araw na iyon.

Hindi ko alam pero all of the sudden, I feel like he's protecting me in his own way.

Napaupo ako sofa at agad na tinanggal ang sapatos ko kasama na ng medyas ko, napapikit ako ng mariin ng makita ko na umiitim na yung bandang natamaan at sobrang laki nito kaya pala sobrang sakit dahil talagang napuruan. Mabuti na lamang at kinaya kong tiisin ito hanggang sa matapos ang trabaho ko sa restau at hotel.

Sa sobrang bigat ba naman ng upuan na nabitawan ko at saktong tumama sa paa ko, eh anong aasahan kong kalalabasan?

Hindi ko inisip manlang na tignan o icheck talagang, sobrang busy ko lang kanina at nawalan ako ng oras.

Napatingin ako sa aking relo at nakita kong alas diyes na pala ng gabi. Hindi ko alam pero parang walang tao dito sa bahay. Aaminin ko at natatakot ako dahil mag-isa lang ako rito at wala akong ibang kasama kundi sarili ko lamang, sa sobrang laki ba naman ng bahay na ito at si Stefano lang ang nakatira tapos ang dilim pa sa labas eh, naiimagine ko tuloy na may multo.

Umiling-iling na lamang ako para mawala lahat ng iniisip ko, tinatakot ko lamang ang sarili ko.

Napatingin ako ulit sa aking paa, sobrang namamaga na ito. Ang pinagpapasalamat ko na lamang ay hindi ako tuluyang napilayan dahil kung sakali ay matatagalan pa bago ako makabalik sa trabaho ko.

“Ano kayang masasabi ni Adi kapag nalaman niyang ako yung babaeng pinakasalan ni Stefano?” mapakla akong natawa dahil sa sinabi ko hindi ko alam kung bakit pumapasok sa isipan ko ang mga ganitong bagay.

Mapait akong napangiti dahil ngayon ko lang iindahin ang mga kahihinatnan at resulta ng mga padalos-dalos na desisyong ginawa ko para akong sinampal ng katotohanan na mataas at tinitingalang tao ang pinakasalan ko.

Hindi kami bagay.

Kung unti-unti man akong nahuhulog sakanya ay gusto ko nalang itong pigilan. Na kahit na gusto kong maranasan at maramdaman kung paano umibig ay hindi maaring sakanya ko maramdaman dahil kahit na walang magsabi sakin ay alam ko na...

Langit siya lupa ako.

Gusto kong umiyak dahil halo-halong ngayon ang nararamdaman ko, lalo na't ang sakit-sakit ng paa ko ngayon.

Kapag talaga ganitong nag-iisa ako ay hindi ko mapigilang mag-isip isip ng kung ano-ano. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpahinga at umuwi na, gusto kong matapos nalang agad yung walong buwan para makaalis na ako sa bahay na ito.

Atsaka yung tanong ni Adi kanina...

Kailan ba ako magpapakasal?

Kailan ako makapag-aasawa?

May magkakagusto pa ba sakin?

Hindi ko na namamalayan na ang bilis pa lang lumipas ng panahon dahil malapit na akong mag 27 at tama nga yung sinabi ni Adi, malapit na akong mabura sa kalendaryo.

Hindi naman sa gusto kong sundin yung sinasabi niya, atsaka wala naman sakin kung mamamatay akong walang asawa. Pakiramdam ko lang kase...

Nag-iisa ako.

Kahit na ilang beses ng sinabi sa akin nina mama na kung hindi ako makapag-aasawa ay andiyan lamang sila palagi pero minsan hindi ko parin maiwasang maramdaman na...nag-iisa ako.

Married To A Monster Where stories live. Discover now