“Eto ang magiging kwarto mo. Katabi ng kwarto ni CJ para kapag may kailangan ka ay nandyan lang siya.” Sabi ni papa.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umiimik. Gulat pa rin ako sa mga nangyayari.
Biruin mo yun, kapatid ko pala si Caleb? HAHAHA. Tadhana nga naman oh. Incest pala ako dati.
Pero siguro naman dahil kapatid na niya ko ngayon, hindi na niya ko pagdidiskitahan pa.
“Diba sa St. Merced ka rin nag-aaral? Balita ko nga ay magkaklase pa kayo ni CJ eh!” sabi ni papa na mukhang tuwang tuwa pa.
Tumango lang ako.
“Well, mabuti na yun. At least mababantayan ka ni CJ. Sya nga pala, may out-of-town business outing kami ng tita mo. Kaya kayo lang muna ni CJ ang maiiwan dito sa bahay”
WHAAAAT?! I’m stuck in this big mansion with Caleb? Na hanggang ngayon ata ay galit pa sakin? Na laging bumabagabag sa konsensya ko? WAAAAH!! Nightmare na talaga to! >.<
“Kung may plano ka man na lakad ay sabihin mo na lang kay CJ. Siya na muna ang bahala sayo habang wala kami.”
Bwiseeet! At siya pa ang mangangalaga sakin? Baka gantihan lang ako nun eh.
“Oh, sige na anak. Marami pa akong kailangang asikasuhin. Sabihin mo na lang kay CJ o kaya sa mga maid kung may kailangan ka pa”
Tumango lang ako at umalis na siya.
Pumasok naman ako sa bagong kwarto ko.
Wow. Triple ata ang nilaki ng kwartong to sa dati kong kwarto eh. Tapos yung mga gamit parang pangprinsesa.
Tumakbo agad ako sa kama ko na talagang pangprinsesa.
Wooooh! Dito na lang ako lagi.
Naggulong gulong ako sa kama ko at dinama ito.
“Hoy!”
Nasira yung moment ko nang may pumasok sa kwarto ko.
“Anong kailangan mo?”
“Gusto ko lang sabihin sayo na sana magkasundo na tayo. Tutal hindi lang tayo magkaklase katulad ng dati. Magkapatid na tayo ngayon.”
“Okay”
Hindi ata niya inaasahan na ganun lang ako kabilis aagree sa kanya.
Ngumiti lang siya ng pilit.
Palabas na siya ng kwarto ng magbitaw pa siya ng mga salita.
“Sana kung ano man yung naiisip mo tungkol sakin, kalimutan mo na yun. Hindi mo ako kilala.”
Akmang aalis na dapat siya ng kwarto ko ng bigla akong nagsalita.
“Alam ko. I’m sorry.” sabi ko
Mahina lang yun kaya mukhang hindi niya ata narinig.
Pero nagulat ako ng bumalik uli siya sa kwarto ko at pumunta sa tapat ng kama ko.
“Anong sinabi mo?” sabi niya sakin.
“Wala. Sabi ko sorry”
Napangiti naman siya.
“Bakit ka nagsosorry ngayon?” sabi niya nang nakangiti pa rin
“Eh kasi.. Ano.. Basta! Sorry na. Okay na yun”
“Ano kaya yun? Paano kita papatawarin kung hindi ko naman alam yung dahilan kung bakit ka nagsosorry?”
“Hindi ko naman kailangan ng forgiveness mo eh!” bigla kong nasigaw sa kanya
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...