Chapter 19: Closure

628 7 0
                                    

Author's POV: Keeno and Frizz is back to keep your summer warm and cozy. haha sorry po talaga sa loooong hiatus. Busy you know. XD

-------------------------------------------------------------------------------------------

Rocky’s POV

            “I know you’re not ready for this. Alam ko you’re still in pain after what happened pero ayaw ko ng maghintay pa. I had waited for more than a year already. Rocky, I thought I should let you know that I’ve been secretly in love with you since the first time I met you,” she said hastily pero naramdaman kong totoo ang bawat salitang binigkas niya. But she’s right; I’m not ready to do this. Not after my first heartbreak. It would be hard for me to get over that.

            I gently pushed her away from me. Nakita ko agad ang lungkot sa kanyang mata matapos nung gawin ‘yun. Damn! Ayokong saktan ang isang babaeng katulad niya. I like her, yes. But I don’t want her to misunderstand. Hindi pa nga ako nakapag-move-on tapos eto na naman.

            “You have no idea how much I’m wishing that those words are enough to stitch my heart back in shape right now,” I smirked. Tiningnan niya ako na para bang nalulungkot siya na naaawa sa akin. Nakakainis! Kaawa-awa na pala ako tingnan ngayon.

Janice’s POV

           

            Alam ko, alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Falling in love with a person who doesn’t love you back, I know exactly how it feels. Alam ko dahil yan mismo ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakaawa siya. Parang ako lang na mukhang tangang umaasa na mahalin din ng taong mahal niya, pero at least ako sanay na eh siya…

            “I don’t want to hurt you but I have to turn you down…” my train of thought was cut off ng bigkasin niya ang mga salitang ito. He patted me on the shoulders and slowly walked away.

            Hahahahaha nakakatawa! As in nakakatawa talaga ako. Alam ko at expect ko na na ganito ang mangyayari pero naiiyak pa rin ako. Hahaha mas masakit pala talaga kung actual na no. I broke down in tears then and there. Wala akong pake kahit marinig niya. Wala naman siyang pakialam sa akin eh.

            “…for now,” sabi niya nung nasa may pinto na ulit siya. Ha—huh? Ano daw? Fo—for now?

            I looked at him with curiosity in my eyes at nakatingin siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. “Wait for me,” sabi niya at ngumiti ulit siya ng napakatamis bago magsimulang maglakad ulit.

            Biglang nabuhay ang dugong dumadaloy sa aking ugat. Totoo ba yung sinasabi niya? “Ye-yeah!” Pahabol kong sabi sa kanya and he waved goodbye as he kept on walking forward.

            Oo kahit anong mangyari hihintayin kita dahil alam ko sa puso at sa isip ko na sa ‘yo lang talaga ako magiging masaya.

Keeno’s POV

            I want to see Frizz. Yan ang unang sumagi sa isipan ko nung magising ako noong araw na ‘yun kaya agad-agad akong nagbihis at pumunta sa labas. Maaga gumising ang babaeng ‘yun kaya alam ko she’s just around here somewhere.

            Pinuntahan ko siya sa kwarto nila pero wala siya doon, pati si Janice wala din. Magkasama siguro ang mag-best friend. Hinanap ko din siya sa iba pang kwarto ng mga babae pero wala din siya dun. Kung ako si Frizz, san ako pupunta? Tanong ko sa sarili ko. Sa Beach? Mahilig siya sa dagat eh. Sagot din ng sarili ko.

            Papunta na sana ako sa Beach nung nakita ko ang isang babae na may mahabang itim na buhok na nakatayo sa main building. No doubt about it. Si Frizz ‘to. Lalapit na sana ako papunta sa kanya ng biglang may lumabas mula sa main building, si Rocky.

            Tangena! ‘Wag mong sabihin na sila ang magkasama? Ang aga naman ata maglandi ng lalake na ‘to. I stopped on my tracks and I watched them as they stared each other in the eye.

            Tusukin ko ang mata ng Rocky na ‘yan eh. Kung makatingin sa mahal ko wagas. “Did Nichie tell you?” Tanong ni Frizz sa kanya.

            “Yes but…” Sabi ni Rocky na may ngiti sa kanyang labi.

            “But,” tanong ulit ni Frizz.

            “But I’m not ready yet matapos ng ginawa mo sa akin,” sagot naman niya na tatawa-tawa pa. Huh? Bakit? Anong ginawa ng mahal ko sa kanya?

            “Sorry,” sabi ni Frizz na naki-join ding tumawa. Anong nakakatawa? Bakit sila lang ang nakakaintindi ng joke?

            “No need to say sorry. Someday, I’ll get over you. Just you wait you little miss heartbreaker,” sabi ulit ni Rocky na tumatawa pa din at mas napalakas pa ang tawa ni Frizz. Anyayare sa dalawang ‘to? Na-busted ba si Rocky?

            “When that happens, don’t be afraid to fall in love again okay. I want you to forget me,” biglang naging seryoso si Frizz.

            Biglang inopen ni Rocky ang kanyang mga kamay at nagsabing, “One more for the road?” Nag-smile si Frizz sa kanya and she ran into Rocky’s embrace. Oh! Akala ko ba busted na? Bakit may hug pa? Pareho silang may binulong sa isa’t isa at sabay din silang napatawa.

Frizz’ POV

            The wind was blowing gently, my hair dancing in the wind as we hugged each other for the last time. We could have been perfect but…my heart chose someone else.

            “Be happy,” sabay naming binulong sa isa’t isa kaya sabay din kaming napatawa. Kumalas siya sa pagkakaakap sa akin. “Ikaw huh, lagi mo na lang akong niloloko. Sabi mo gusto mo akong makausap ulit kaya ako pumunta sa rooftop, yun pala rinereto mo na ako sa best friend mo,” sabi niya na may ngiti sa kanyang labi. “Sorry,” sagot ko na lang, di ko mapigilang tumawa kaya napatawa din siya.

            Biglang naging seryoso si Rocky at tiningnan ako sa aking mga mata. “So I guess this is goodbye,” sabi niya sa akin but I shook my head. I don’t want that.

            “No. When the time comes that you’ll completely get over me, please come back and be my friend. Masyadong malungkot ang buhay kung walang taong katulad mo,” sabi ko sa kanya na may ngiti sa aking labi.

            “Yeah,” sabi niya na may masugid na ngiti sa kanyang labi at agad siyang lumakad papalayo sa akin.

Masakit man pero kailangan. Para sa ikaliligaya ko. 

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon