Nawala ang tingin ko sa paper bag na bigay ni Sonnet na kanina ko pa pala tinititigan mula nang masundo ako ni Daddy. Nabaling ang tingin ko sa daan kung saan tanaw na ang ospital na kinalalagyan ngayon ni Mommy. Madilim na ang kalangitan at medyo maulan pa.
"We're almost there, Liv," paalala ni Daddy.
Napatingin ako sa kaniya. Naliwanagan ang mukha niya pagkadaan namin sa isang streetlight. Kunot ang noo niya at mukhang may malalim siyang iniisip.
Alam kong napilit ko siyang samahan ako pero bakit parang ako pa 'yong mas kinakabahan ngayon?
Ilang taon na ba ang lumipas nang huli ko silang makita na magkasama? Hindi ko na rin maalala, e. Nasa isang dekada na nga ba?
"Basta, anak, whatever happens, don't leave my side, okay?" He reached for my hand and squeezed it. Pagkatapos ay nagpark na siya ng sasakyan.
Tinanguan ko siya kahit pa nakakapagtaka ang sinabi niya.
Natatakot kaya siya kay Mommy? Kinakabahan din kaya siya? Hindi naman na kagaya si Mom noong bata pa ako na nagwawala at nananakit, e. She's improved now at sana makita ni Daddy 'yon.
Nang makapasok na kami sa loob ng building nila Mommy ay hawak-hawak pa rin ni Dad ang kamay ko na para bang mawawala ako sa oras na mabitawan niya ako kahit sandali.
"Room 202 siya Dad," banggit ko nang malapit na kami sa elevator.
Nang makarating na kami sa 2nd floor ay humigpit pa ang hawak niya sa akin. "Olivienne, listen to me. Hangga't maaari, sa gilid lang kita. Okay?" seryosong-seryoso niyang paalala bago pa kami makapasok sa kwarto ni Mommy.
Pakiramdam ko ba mapapahamak ako kapag hindi ko sinunod ang utos niya.
"Opo, Dad. Sa gilid lang ako."
"Okay. Good." Binuksan niya ang pinto at sumunod ako sa likod niya gaya ng gusto niya.
Tumambad sa amin si Mommy na nakaupo sa bed niya, her back facing us. Naka-pajama siya at puting t-shirt, naka-pony ang buhok at nakamedyas ng puti. Nakatulala lang siya sa bintana habang kinakausap siya ng doktor.
Itong kwarto niya, punong-puno na ng gamit na dapat sa bahay lang nakikita. Unang tingin palang, mahahalata na agad na ito na ang naging tahanan ng pasyenteng nakatuloy dito. Maraming picture frames, libro, damit at sapatos.
"Dr. Romualdez," bati ni Dad.
"Oliver," tugon nya. "Olivienne, anak."
"Kamusta po, Ninong?" Lumapit ako sa kaniya at nagmano. Naramdaman ko din agad si Daddy na sumunod sa akin at hinawakan ako sa mga balikat, guiding me back to his side.
Dr. Romualdez is my Dad's age. Isa siya sa dahilan kung bakit ako pinapayagan ni Daddy na bumisita dito kahit mag-isa. He is one of his good friends and my godfather. Siya rin ang doktor ni Mommy ever since.
"Katatapos ng therapy niya, she's doing good," panimula ni Ninong. "Mas responsive na siya and energetic compared last week. I hope magtuluy-tuloy na. Kakatapos niya rin uminom ng meds and she'll probably be sleepy in a while."
"Thank you, Doc. That's good to hear." Dad smiled at him.
"Maiwan ko muna kayo." He patted Dad's shoulder then my head and left the room.
It suddenly felt empty and hollow. Sobrang tahimik at awkward. Hindi ko malaman kung gagawa ba ako ng ingay o makikiramdam na lang.
I looked at Dad, nag-aalangan siya kung pano namin lalapitan si Mommy. 'Yong lapit na hindi gano'n kalapit pero mararamdaman ni Mommy na hindi naman namin sya iniiwasan.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Novela JuvenilIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...