Chapter 15

18 8 2
                                    

PAGKARATING namin ay ginising na ako ni cedrix at nagtungo kami sa isang hotel dito nga daw ang venue nila.pagpasok namin ay agad namang may sumalubong saamin na lalaki tila pamilyar sakin ang lalaki na iyon.
Oo siya nga yung pumunta noon sa office ni lanz,si mr.lorenzo nga ito.

"Hey bro whatsuppp,masayang bati niya kay cedrix at nagkamayan pa ang mga ito.

Naupo na nga kami at nagsimula na silang mag kwentuhan,pagmamay ari pala ng lorenzo ang malaking hotel na ito,hindi ko nga alam kung ka ano ano nila sina Cedrix gaya nila ay may angking yaman din.

Habang nag uusap nga sila ay sinasabayan din nila ng pag inom.

"Are you okay? Do you need anything Cedrix asked me.

"Okay lang naman ako,gusto ko sanang matulog muna medyo sumasakit kasi ang ulo ko ngayon,pwede bang sa kotse nalang muna ako, nahihiyang sabi ko sa kanya.

Nahiya nga ako ng sabihin niya kay mr.lorenzo iyon,agad naman siyang nag alok ng isang kwarto,nagpaalam nga muna sa kanila si cedrix at hinatid ako sa kwarto na iyon.sumunod nga lang kami sa babae patungo sa room.

"Rest and I'll wake you up when we get home, I'll be back he said to me and left.

Naiwang na nga akong mag isa sa room at dahil masakit naman talaga ang ulo ko ay umidlip nalang ako para mabawasan konti ang pag sakit ng ulo ko.

Pag gising ko ay nakita ko kaagad si cedrix na natutulog sa sofa,ang sarap nga ng tulog niya kaya hindi ko na muna siya ginising,magdamag pala siyang walang kumot kaya alam kong giniginaw siya,dahan dahan ko nga siyang nilapitan at nilagyan ng kumot, buti nalang at hindi niya iyon naramdaman.

Tanghali na nga at hindi pa nagigising si.cedrix kaya naisipan kong gisingin nalang siya.

"Cedrix,I mean sir,gising kana tanghali na,sabi ko sa kanya habang tinatapik tapik ang balikat niya.

Buti nalang at hindi naman siya nainis sakin dahil sa pag gising ko sa kanya.

"Sorry hindi na kita ginising kagabi,ang sarap na ng tulog mo at ang lakas din ng ulan,paliwanag naman niya.

Tumayo na nga siya at dumeretyo sa banyo,Nagpaalam na nga siya kay Mr.lorenzo pagkatapos ay Lumabas na kami at pasakay narin kami ng kotse.
Ang alam ko nga ay dederetyo kami sa office pero bumungad nalang sa akin na nasa harap na pala kami ng bahay namin,napalingon nalang ako kay cedrix na may halong pagtataka.

"Why are we here at home?Tanong ko sa kanya habang tinitignan ko siya ng masama.

"Ayaw mo bang mag bihis,kagabi pa iyang damit mo,baka nangangamoy na yan,natatawang sabi niya sakin.

Pinandilatan ko nalang siya at padabog na lumabas,dahil boss ko naman siya ay niyaya ko nalang siyang maupo muna sa loob.
Iniwan ko nga siya sa sofa at saka ako dumeretyo sa kusina para sabihan si nanay lita na ipagtimpla muna siya ng kape,at saka ako nagmadaling nagpunta sa kwarto ko para maligo.

Pagkatapos kong mag bihis ay bumaba na rin agad ako para puntahan si cedrix sa baba,buti nalang at si nanay lita lang ang tao sa bahay,hindi ko nga rin alam kung saan nagpunta sina mama pero okay narin yun kesa naman makita pa ni kuya ziggy na kasama ko si cedrix.

Nagpaalam na nga ako kay nanay lita at kahit hindi pa nauubos ni cedrix ang kape niya ay hinila ko na siya palabas.

"I haven't finished my coffee yet,inis na sigaw niya sa labas.

Hindi ko na siya inimikan at sumakay na ako sa kotse niya,sumakay naman siya at saka mabilis na nag maneho,mabilis nga kaming nakarating dito sa M's building,pagkaparada palang niya ay lumabas na ako agad at mabilis na nagtungo sa opisina ni lanz para makipag kwentuhan muna kina ram.

The Two Brothers are My Lovers[ MONTENEGRO 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon