Chapter 33: The Origin

297 11 6
                                    

PAGKAGISING ko, wala na si Sir U sa sahig. May napansin din akong malaking box sa ibabaw ng bean bag. Nilapitan ko saka binuksan 'yong box. Napa-wow ako no'ng makita 'yong laman. Pink and cream floral dress na de-tali 'yong straps. Ang kapal din ng tela.

May nakita rin akong maliit na box. Sapatos yata ang laman. Binuksan ko rin at tama nga ang hula ko, sapatos nga! Baby pink ang kulay ng shoes na may kitten heels. Very Barbie girl ang atake ni baccla latur.

Si Sir U talaga, 'di ako pinababayaan sa ganitong okasyon. Nakaka-tats naman.

Dahan-dahan kong binuksan 'yong pinto. Pagsilip ko, nakatalikod siya at parang may niluluto. Nakita kong may nakahain nang egg rolls, waffles, hotdogs, at soup na mukhang crab soup sa mesa. Lumabas ako nang tahimik para 'di niya maramdaman na gising na ang maganda. Umupo na rin ako sa usual pwesto ko.

"You're awake na pala," sabi niya pagkahain ng sinangag. Ang bango!

Nilagyan niya muna ako ng kanin. "I tried cooking breakfast. Hopefully, pasado siya sa panlasa mo."

Ay nako Sir U basta ikaw gumawa, yes na yes na agad!

Umupo siya sa tapat ko at pinanood akong tikman 'yong fried rice and egg roll combo. "How was it?"

"Masharap," pwera biro okay talaga. Hindi maalat, tamang-tama lang.

"That's great! Akala ko nasobrahan ko or nakulangan sa timpla," nagsimula na siyang kumain.

"Pwede ka nang mag-asawa kaysa kay Brent," sabi ko bago humigop ng crab soup. "Speaking of the mokong, bakit wala pa siya rito?"

"He had some business daw so he will not eat here."

"Ay, buti naman walang maingay." Kumuha ako ng waffle. "Buti nagkakasundo kayo kahit magkaiba kayo ng personality?"

"We have a lot of things in common so I think that helps."

"Sino pala ang maghahatid sa'kin kila Tito Bobby?"

"I will," sagot niya. "Seb is with dad so ako maghahatid sa'yo. Isa pa, Tito Bobby also invited me."

Tumango-tango ako. Passenger princess na naman ako. Sana pati sa buhay ni Sir U ako rin ang princess. Ehe~

Nag-start akong mag-prepare ng 10 AM. Light lang ang make-up ko tamang foundation, concealer, mascara, konting eyeshadow, blush, at lipstick ang gamit ko. Kinuha ko 'yong white shoulder bag na binili ni Sir U sa'kin last time tapos nilagyan ng mga anik-anik. Ini-straight ko lang ang buhok ko tapos naglagay ng crystal hair clip sa gilid.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Nice! Ang pretty ko. Sinuot ko na rin 'yong damit at sapatos ko. Ayan, perfect! Lumabas na ako ng kwarto at nakitang nanonood si Sir U ng Ghost Fighter live action. Dumiretso ako sa ref at nilabas ang malaking lagayan ng mango graham cake.

"Aalis na ba tayo?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay sa malaking eco bag ang graham cake.

Tumayo siya sa sofa kaya nakita ko ang suot niya. Naka-baby pink polo siya at gray pants. Naka-white shoes din siya. Shet, kahit ano talagang isuot ni Sir U ang gwapo niya!

"What will you bring this time?"

"Mango graham cake. Sing-tigas na ngayon ng ulo ni Brent," natawa ako sa sarili kong joke.

"Nagtira ka ba for us?"

"Oo naman! Pati na do'n sa asungot."

Tumango siya. "I guess we should go. Malayo pa ang biyahe natin." Kinuha niya ang eco bag.

"Wait lang, Sir U! Okay ba suot ko ngayon?" Umikot ako ng dahan-dahan sabay kaldag.

Tumawa si Sir U. "You're always beautiful, Jackie."

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon