Chap-chap 7: Paradise

314 6 0
                                    

Shin's POV

Time: 6:30 PM

"Hmm?" dinilat ko ang pareho kong mata at nakita ko agad ang isang bintana na may kurtinang asul. Unang pumasok sa isip ko?

Hindi ko ito kwarto. Wala ako sa bahay.

Pero pinigilan ko ang sarili ko at ayokong magpanic. Naramdaman kong nakamedyas pa din ako, pantalon at tshirt. Medyo may mabigat lang ng kaunti sa dibdib ko, at may parang nakadikit din na patch.

"Gising ka na?" hm? Paglingon ko sa kanan, nakita ko ang isang babaeng nakascrub na dark blue na parang nurse, may maitim na buhok at nakatali ito ng mababa sa kanyang likod. May hawak na stethoscope, mapungay ang mata, morena at mukang nasa mid 20's ang itsura, pero fit ang katawan.

Sya yung tipo ng babae na karaniwan lang sa unang tingin pero habang nakatingin ako sa kanya, gumaganda sya lalo.

Napamasid ako sa paligid.. May dalawa pang kama sa bandang kaliwa ko na walang laman, may mga puting bedsheets, kumot, at unan.

"6:30 na ng gabi.. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" sabi ng babae ng napalingon ulit ako sa kanya habang sya ay nag-aayos ng mga papel sa isang table. "Nasa clinic ka ngayon ng school, ako si Nurse Mia."



Ha? Clinic ng school?
P-Pano ako napunta dito?

Madilim na sa labas. Teka, yung bag ko?

"Wala kang matandaan, Shin?" Eh? Alam nya ang pangalan ko. Tinanong nya ako habang pilit ko namang ibinangon ang sarili ko mula sa pagkakahiga. Ah, nakita ko na yung bag ko. Nasa may isang upuan.

Shete. Ang sakit ng ulo ko.

"Masakit pa ba dibdib mo?" dibdib ko? lumapit sya sakin at umupo sa upuan katabi ng hinihigaan kong kama. "Kamusta?"

"Masakit lang po ulo ko pagkakabangon ko ngayon.." sabi ko sa kanya at idinikit nya yung stethoscope sa dibdib ko.

"Kaya mo ng umuwi?" tanong nya sakin sabay tanggal ng stethoscope sa dibdib ko at may kinuwa sya sa bulsa nya.

"Kaya ko na po.." Mahinang sabi ko at pilit ko talagang inaalala kung paano ako napunta dito.. Ang alam ko, may gathering ang section, tapos..

Nagpunta ako ng library..

Eh.. Naalala ko na.
Sumakit ang dibdib ko after ko makita si Jino. Napatingin ako sa rubber shoes ko na nasa ibaba ng lapag sa may gilid ng kama at napansin ko yung sintas na parehong hindi nakabuhol.

Oo, tama.
Pagkatapos nyang isintas yung sapatos ko, dun ko na naramdaman yung dibdib ko. Lumabas ako tapos may tumatawag sakin, hindi ko na matandaan pagkatapos..

"O eto.." Hm?

"Po?" isang maliit na heart-shaped box steel, kulay red, na kasing size lang ng kalahating palad ko ang iniabot sakin ni Nurse Mia. Kinuha ko ito at inalog. May mga laman sa loob. "Ano po ito?"

"Yan ang iinumin mo incase na sumakit ulit yung dibdib mo.." Huh? Binuksan ko yung mini box at may mga maliliit na tablets na puti sa loob. Mga sampung piraso din ang laman. Gamot ba to? "Pag naubos yan, hingi ka lang sakin. Okay?"

Love, Luck and Wonder [currently editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon