Sa Chapel: WU-P Oneshot (Wesleyan University Philippines)

5 0 0
                                    

JOSIAH'S POV

Take it

If she gives you her heart

Don't you break it

"We are gathered here today to witness the union of brother Drew and sister Jurist."

Ikinakasal kong kasalukuyan ang dalawang batang ito. I've witnessed how devoted they are to God and how their relationship is so God centered.

Just like ours.

Parang kahapon lang, ako 'yung makulit na WDS student na sinusundan si Gia.

CUSHMAN CAMPUS 2010

"Josiah! Bakit ba sunod ka ng sunod? Tae ba ako't langaw ka?!"

Natawa naman ako sa sinabi ni Gia, she never failed to make my heart beat so fast.

"Uhuy si Ma'am naman, ayaw mo bang may nakabuntot na gwapo sa'yo?"

She's a professor here at Wesleyan while I am a student of Wesley Divinity School. I finished commerce and entered the seminary right after graduation.

After all, a life well lived is a life dedicated and spent with the Lord.

"Jos....seryoso ka ba talaga sa'kin?"

Tumango ako at ngumiti.

"Hindi naman kita kukulitin at aabalahin ng ganito kung hindi ako seryoso."

Pinaningkitan niya ako ng mata at natawa naman ako.

"Ma'am tapos na ang break time, tara na." Pang-aasar ko sa kaniya.

Kinuha naman niya ang bag niya at bahagya akong inismiran. Mas lalo akong natawa.

Last year ko na din naman sa WDS at kapag nakatanggap ako ng destino, baka nga lang malayo ako sa kanya.

Pero if God's will, God's will.

Naihatid ko na siya sa faculty at agad naman akong nagpunta sa chapel. May gawain kasi kaming lahat na graduating.

Lumipas din ang panahon at dumating na ang aking graduation day. Sa wakas, konting konti na lang at may nakakabit na na 'Rev.' sa pangalan ko. Sana nga ay ma-ordain ako kaagad-agad.

Wala na akong mga magulang kaya mahirap man, wala akong kasama sa big day ko.

Ang mga kaklase ko ay may kasamang mga magulang, ngunit alam ko namang kung nabubuhay lang sila ay sigiradong sapak ang ngiti sa akin ni Papa. Dahil naudlot ang kanyang pagpa Pastor, ako ang nagpatuloy dito, tinawag din naman ako ng Panginoon.

"Corpuz, Josiah Dale, R"

Umakyat ako ng stage ng walang kasama pero ramdam ko naman na hindi ako nag-iisa.

Among the crowd, I noticed someone taking a picture of me.

It was Gia.

I smiled widely.

"Congrats!" Aniya at may iniabot sa akin.

"Thank you, ma'am!" Sabi ko.

"Josiah, oo na."

Napakunot ako ng noo.

"Ha? Anong oo?"

"Oo na, panalo ka na. Sinasagot na kita."

Uy! Uhuy!

Dalawang taon din akong naghintay!!!

Umalis kami kaagad at nagpunta sa Mega at kumain kami sa food court.

Sa Chapel: WU-P Oneshot (Wesleyan University Philippines)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon