Just A Dream </3 [ONE-SHOT]

174 7 13
                                    

“I was thinking ‘bout you, thinkin’ bout me

Thinkin’ bout us, what we gon' be

Open my eyes yeah, it was only Just A Dream”

I was having my so-called beauty sleep and was dreaming of him again when my phone just rang. I took a glance at my purple wall-clock hanging in front of my bed.

“Crap. 5:30 am” I whispered as I saw the time. Like who-the-hell would call early this morning? Whoever he is, he should be sorry for waking me up and making me realize that, him being nice to me is only a dream.

I reached for my phone not looking at the screen to know who the caller was. I answered it not knowing the one I was about to talk to is the one I love secretly… I don’t even know if I should consider it as a secret.

“Hello? Yeah, thanks for waking me up. It’s like 5:30 am in the morning… who the hell are you?!”  I nagged continuously. My one and only rule don’t disturb me when I sleep.

Lagi na nga akong puyat eh. Nagtratrabaho ako bilang call center agent sa isang kilalang kumpanya. Sorry kung English ako ng English ha? Nasanay lang. Trabaho eh. Nabanggit ko na ba na… yung taong mahal ko ay nakilala ko sa kumpanyang pinapasukan ko?

“Cheska, this is me Layden. Sorry kung maaga kitang natawagan. Kailangan kasi nating magusap”

I lost a heartbeat. Shocks, si Layden pala yung tumatawag at ano? Eto at natarayan ko kaagad aga-aga. Teka--? Ano ba sana yung paguusapan namin?

“Ah, sorry Layden. Puyat eh. Anyways, ano ba yung kailangan nating pagusapan?”

He didn’t talked for 5 minutes. Ano ba Layden? Nagiinit na ang tenga ko dahil sa phone. Ginising mo ako ng 5:30 ng umaga, puyat pa ako, tapos hindi ka magsasalita?

“Mas mabuti siguro kung sa personal ko na sabihin Cheska”

“Ha? Gaano ba kaimportante yan?” That’s weird. Bigla bigla nalang may sasabihin sakin si Layden na importante to the point na kailangan personal pa… eh hindi nga kami close eh! Ni hindi nga kami naguusap sa personal. Madalas ko pa ngang napapansin kung paano nya ako iwasan sa opisina. Kada nagkakasalubong kami nagiiba sya ng daan… Alam na nyang gusto ko sya…. Most probably.

“Hindi ko alam… pwede ba tayong magkita?” Okay. Biglang lumundag ang puso ko nun. What? Is he asking me out on  a date? Is he going to court me? Is he going to ask me If I can be his girl? Kaya ba kailangang sa personal pa kami magusap?

Ang kaninang nakabusangot kong mukha ay napaltan ng isang ngiti na abot langit.

“Okay lang naman. Saan tayo magkikita?”

“Susunduin nalang kita” I bit my lower lip to prevent myself from screaming. Halos mapatili na ako sa sinabi nya… susunduin nya ako? Alam pala nya ang bahay namin?

“Sige. Hihintayin kita.”

“Sige, salamat. Ibaba ko na” pagkatapos nyang sabihin yun narinig ko na yung *end of call* sound. Agad kong hinagis yung Cellphone sa kama ko. Agad akong tumayo sa kama at nagtatalon habang tumitili sa kilig. Myghad. Why Am I acting like a teenager? I’m already 20 years old. Ang ewan na tignan na maggaganito ako… well, who cares anyway? I’m TWENTEEN. LOL. Tawa na kayo, joke yun.

Pagkatapos ng kilig momentum ko, dumiretso na ako sa banyo at nagQuick shower.  Naghalungkat ako ng maigi sa closet ko, hanggang sa napagdesisyunan ko na magsuot nalang ng Printed dress at long white leggings dahil alam kong malamig sa labas. Nagflat sandals nalang ako dahil baka mahirapan akong maglakad mamaya. Pinatuyo ko lang saglit yung buhok ko, nilugay ko nalang ito at pinatong sa magkabilang balikat ko at nagsuot ng hairband na may parang mga diamonds.

Just A Dream &lt;/3 [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon