01: SIMULA. (Roni Salcedo POV.)

794 37 8
                                    



I'm 17 years old, grade 11 na 'ko. May nakilala akong guy last month at eventually, naging kaibigan ko na din siya. Exchange student siya from New York, mabait siya at matalino. Hindi siya mahirap kaibiganin.

Nakarinig ako ng matinis na tunog.

Napaangat ko ang ulo ko sabay tingin sa katabi ko. Relo pala iyon ng katabi ko na nag-alarm. Napatingin ako sa aking wristwatch. Saka isinara ko ang lahat ng tab sa computer at nag-log out.

Nandito ako ngayon sa computer lab. Nagbuga ako ng hangin saka tumayo habang sinasara ang spiral notebook ko. Isinukbit ko ang aking bag sa balikat bago ako tuluyang lumabas sa lab.

May isa pa akong klase at sa kabilang building pa iyon. Malayo-layo rin ang kailangan kong lakarin.

Nagpasya muna akong dumaan sa restroom bago tumuloy sa kabilang building. May ilang studyanteng naka tambay sa labasan dahil may ilang bleachers doon.

Kaagad kong nakita mula sa pwesto ko si Nelia kasama yung mga kaibigan niya. Hindi ko nalang sila pinansin pa.

Napansin ko rin na may binulong si Nelia sa mga kasama niya.  Kasunod naman niyon ay tumingin sa 'kin ang mga kaibigan niya, saka umismid.  Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na bago sa akin ang ganoong attitude. Sanay na akong pagbulungan ng halos kalahati ng populasyon sa school nato.

Sikat naman ako dito sa school. Hindi dahil sa university sweetheart o ako ang pinakasikat na cheerleader. Hindi rin ako ang pinakamaganda. Hindi rin ako mayaman. May maliit lamang na talyer si Daddy at isa namang Tutor si Mommy. May kuya ako, si kuya Yuan na parehong nandito din sa school nag-aaral. Grade 12 na siya.

"Roni!"

Napalingon ako sa pagtawag na iyon. Nakita ko si Jelai na papalapit sa akin. Classmate ko rin siya hindi nga lang siya pumasok kanina sa computer lab dahil excuse siya.

Nakita ko siya sa gilid ng restroom kasama si Kuya at si Borj.

Si Jelai ang best friend ko, si Borj naman ang kababata kong kaibigan.

Lumapit ako sa kanila.

"Oy! Sabay na tayo pumasok ngayon!" Bungad kong bati.

Tiningnan naman ako ni Jelai pati na sila kuya.

"Osige ba!" Pag-sang ayon naman ni Jelai.

"Ano ba next subject nyo?" Tanong ni kuya sa amin.

"English." Sagot ko.

"Ganda ng buhok natin Roni, ah. 'Di ba no'ng nakaraan lang blonde ka?" Napatingin ako kay Borj na nakangisi.

Hinawakan ko ang buhok kong kulay chestnut na pixie hair. Noong isang linggo ko lang ito pinaputulan. Wala naman akong balak na pakulayan ito. Kinulit lang talaga ako ng stylist ng salon dahil mas bagay daw sa akin ang may kulay.

"Maiba lang" Sagot ko.

"Pag-uusapan ka na naman niyan." Sabi pa niya.

"Lagi naman, eh," Sabi ko.

Tumingin ako kay Jelai.

"Alis na tayo Jelai?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"Alis na kami kuya, kita nalang tayo mamaya sa canteen. May klase pa kami eh." Pag-paalam ko sa kanila at umalis na kami.

Tumango lang naman si kuya bilang tugon at ganoon din si Borj.

Tumalikod na kami ni Jelai at tinuloy na namin ang pagpasok.

Pagdating namin doon sa classroom namin, nakita ko na naman doon sila Nelia. Classmate ko kasi siya. Tulad ng ginawa niya kanina, ganoon din ang ginawa niya ngayon. Nakatingin na naman ito sa akin.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now