02: USAP. (Roni Salcedo POV.)

293 33 2
                                    





"What is LOVE?

A relationship comprises friendship, sexual attraction, intellectual compatibility, and, of course, love. Love is the glue that keeps a relationship strong. It is deeply biological. But what is love, and how do you know if you are truly in love?

It isn’t easy to define love because everyone’s perception of real love can be dramatically different. People often get confused between lust, attraction, and companionship. Hence, there is no one best definition of love.   

What is the real meaning of love?
If you want to define love in one sentence, love is one of the most profound emotions humans experience. It is a combination of attraction and closeness. The person we feel attracted to or close to is the person we are usually in love with.           

Such a person can be a friend, parent, sibling, or even our pet. Such love is based on a feeling of attraction or affection.

The full meaning of love can be seen in different ways because there are different types of love. The—"

Paghilot sa sariling sentido ang unang ginawa ko matapos mabasa ang unang pangungusap dito sa librong hiniram ko sa library.

Habang nagbabasa ako dito, hindi ako makapag fucos dahil sa sobrang ingay dito sa paligid.

Napatingin ako kay Borj ngayon na abalang abala sa pag-sasayaw dahil naglalaro ito ng Dance, Dance Revolution Nintendo Wii sa Xbox nito kasama si kuya.

Puno na ito ng pawis at halatang hindi makakapayag na hindi mataas ang score.

Nasa isang billiard club na may kanugnog na computer center ako. Kasama ko si kuya, at si Borj.

Madalas talaga silang maglaro nila kuya rito at sumasama naman din ako kay kuya.

Ang computer center dito ay pag-aari ng pamilya nila Borj. Nasa Italy kasi yung mommy niya kasama yung isa pa niyang kapatid na lalaki. Kaya habang hindi pa umuuwi yung mommy niya ay siya muna ang nagbabantay rito.

Gamit niya ang personal desktop computer niya dahil wala siyang sariling gadget. May lumang PC sa bahay nila ngunit, wala naman siyang balak na gamitin iyon.

Hindi ko nalang pinansin ulit sila Borj at nagsimula na ulit akong magbasa sa librong hawak ko.

Ginabi na ako rito sa shop, si kuya umuwi na siya nang maaga kanina kasi may pinauutos si daddy sa kanya sa talyer. Ako naman, nandito pa ako kasama ko si Borj.

Nasa gitna pa ako ng binabasa kong libro.

"Roni" Tinawag ako ni Borj "Kain ka muna, mukha ka nang zombie diyan"

Nilingon ko siya sabay silip sa relo ko, alas-otso y medya na pala.

Lolo at Lola nalang ang kasama ni Borj sa bahay nila. Ngunit, madalas naman din siyang pumunta sa dito sa club house. Kapag wala siyang ginagawa at hindi siya busy sa school, tinututukan nalang niya ang pag m-manage sa club.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa folding stool. Adobong manok at fried rice ang nakahain. Napatingin ako kay Borj.

"Wag nang mahiya ang tumbong mo. Ayokong mag-isang kumain. 'Buti nga 'andito ka kaya napilitan akong mag-luto ng ulam, kung hindi, junk food na naman ang hapunan ko. Kain na." Sabi niya naiintindihan niya ata ang tingin ko.

"Yung matira, iuwi mo nalang sa bahay nyo, ibigay mo kay Yuan." Sabi pa niya

"Borj." Pagsabi ko.

Umasim bigla ang mukha niya. "Ay naman, Roni, kumain na nga lang tayo! Wag ka na mahiya." Sabi niya at sumubo na siya ng kanin.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now