Tatlong taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang naganap ang lahat. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng panahon dahil sa paulit ulit kong iniisip ang mga pangyayari sa nakaraan. Bawat kaganapan ay parang mga larawang naka imprenta sa aking isipan, parang tattoo na kahit anong gawin ay di na mabubura.
Pero sino nga naman ang makakalimot sa mga ganoong pangyayari. Masyado silang kakaiba para basta na lang makalimutan. Ang mga pangyayaring bumago sa akin at sa buhay ko. Mga karanasang nagbigay sa akin ng matinding sakit at ligaya, ngunit parehas kong pinagpapasalamat.
Bago ko simulan ang aking kwento ay hayaan muna nyo akong magpakilala. Ang pangalan ko ay Makisig Fuentes pero tawagin nyo nalang akong Maki. Ako ang batang binago ng isang anghel.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel
Teen FictionNaniniwala ka ba sa mga anghel? Naniniwala ka ba sa isa pang pagkakataon? Naniniwala ka ba na kahit gaano ka pa katalino o kagaling ay marami ka pang pwedeng matutunan? Naniniwala ka bang maaari ka pang makabawi sa na pagkakamali mo sa nakaraan? Ako...