Sabi mo napindot lang kaya hinayaan ko ngunit dahil sa gusto mong itong sabihin sakin ay natawag mo akong "Hoy". Ako'y nagtaka sapagkat hindi naman tayo ganoon kalapit upang sabihan ako non. Ika'y humingi ng pasensya at sinabing ito'y katumbas lamang ng salitang "Ay". Nang dahil sa aksidenteng iyon, kaya tayo'y nagkaroon ng paguusap.