03: SUNTOK. (Borj Jimenez POV.)

291 32 4
                                    





Nang nakarating na ulit ako sa club, nakita ko ulit sila Basti doon na naglalaro. Ngayon palang ulit siya bumisita dito sa amin ah.  Namiss ko din naman siya kahit konti.

Lumapit ako sa kanya.

"Si Yuan? Nakita mo?" Tanong niya sa akin.

"Sabi niya ipakumusta ko nalang daw siya sayo." Sabi ko sabay tawa.

Tumawa din siya.

"Si Yuan talaga!"

Nagkayayaan kami kasama yung mga kasama niyang tropa na mag-unwind.

Si Basti na ang naghanap ng pwesto kung saan kami mag-uusap.

Dahil nandito lang din naman sila sa club, dito nalang din kami.

"Kasama mo na pala si Roni lagi?" Narinig ko ang biglang tanong sa akin ni Basti kaya napalingon ako.

Huminga ako ng malalim.

"Oo. Lagi naman talaga kaming magkasama ah?" Sagot ko.

"Huh? Hindi ko naman napapansin na magkasama kayo dati ah?" Tanong niya ulit.

"Pare, kaibigan ko si Roni. Elementary pa lang ay magkatropa na kami." Sagot ko at abala ako sa pagpupuntirya ng bola.

"That hot lady? Item na ba kayo?" Tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kakaibang ngiti nito.

"Item? Ano kami? Ibinebenta?" Namimilosopong sagot ko.

Bakit naman niya natanong yon?

Diretso akong nakatayo mula sa pagkakatungo at hinarap si Basti.

"Kaibigan ko si Roni. Yun lang!" Walang ganang sagot ko.

Tumawa si Basti. Ganoon din ang mga kasama niya.

"Okay. Since wala naman pala kayo. Baka pwedeng...."

Nagtaka ako sa kanya at tiningnan ko siya.
"Pwedeng ano?"

Lumuwang ang ngiti niya. "Ilakad mo'ko sa kanya." Natahimik ako sa sagot niya.

"Type mo yun pare?" Biglang tanong ng isa sa mga kasama niya

He smirked. "Oo, bakit? She's hot. At saka may pinagsamahan naman kami noon eh. Pwede din namang maulit yon."

Natawa ako.

"Talaga pare? Pagkatapos mong iwanan si Roni dati? At saktan siya? Nakuha mo pa talagang sabihin yan?"

"Oh, bakit? Wala naman akong ginawa sa kanya. Hinayaan ko naman siya kung ano yung gusto niya mang-yari diba? Matagal na din naman yon pare. Kalimutan na natin ha?" Tuwang sabi niya sakin

"Hindi basta basta malilimutan yon Basti. Ano akala mo kay Roni? Laruan lang?" Mariin kong sabi sa kanya.

Bigla nalang siyang natawa nang malakas.

"Tingin ko kay Roni? Sexy, maganda, matalino, maputi, alam mo na... She is like everybody's girl."

"Ano'ng sabi mo?"

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Basti kay Roni. Parang binabastos niya si Roni sa harapan namin. Bwisit ba siya!

Umangat ang balikat niya. "Ano ba Borj? Don't tell me na hindi mo alam. Akala ko ba magkaibigan kayo? At saka...'wag mo rin sabihing walang score eh, galing kayo sa 'taas kanina"

"Tarantado ka ah!" Bigla akong nagalit sa sinabi niya at mabilis ko siyang nasuntok.

Tumama ang kamao ko sa nguso niya. Lumagpak si Basti sa sahig at mabilis na dumugo ang mga labi.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now