MNGO-7.2

13.9K 436 29
                                    


**

Napasinghap ako ng marahas akong binitiwan ni Trivy nang makarating kami sa abandonadong building. Nasa pinakadulo iyon ng campus. Sira-sira ang bintana at maalikabok. Larawan ng isang building na pinabayaan na lang ng ilang taon. Naniningkit ang mga mata ko na tumingin sa taong nagdala sa akin rito. Kahit punong-puno ng kaba ang dibdib ko ay nagawa ko parin siyang tingnan ng masama.

"Ba't mo ba ako dinala rito?!", sigaw ko na bumalot sa buong lugar. Marahas ang bawat paghinga ko. I can feel myself shaking. I don't know if it's because I'm wet or it's because of the person in front of me. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Basang-basa ako pati na rin ang mga gamit ko. Biglang nawlaa ang takot na nararamdaman ko at napalitan iyonng galit para sa lalaking kaharap ko. Muli ko siyang tiningnan ng masama. If looks could kill matagal na siyang nailibing sa sama ng tingin ko sa kanya. Despite the heavy rain I could still feel my body emitting heat because of rage towards him.

Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakayuko ang ulo niya. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na pasadahan siyang tingin. Like me, he's also wet. Basamg-basa ang dilaw na bonnet niya at may tumutulo ring tubig mula sa buhok niya. Bakat na bakat rin ang puting uniform niya sa kanyang katawan. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang magandang hubok ng katawan niya. Hindi iyon bulky at hindi rin payat. He's lean. He's body is perfect...

I snapped. Putang-ina! Hindi ito ang tamang oras para mag-isip ng walang kwentang bagay. Galit ako ngayon. I'm mad at him at he should taste my wrath. Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng galit na meron ako sa kanya bago ako nagsalita.

"Kahit kailan talaga, wala kang kwenta!", sigaw ko sa kanya. Muling bumalot ang boses ko sa buong lugar. Kahit malakas ang ulan sa labas na gumagawa ng ingay ay rinig na rinig parin ang boses ko. Bahagyang bumaba ang salamin ko kaya inayos ko iyon. I tsk-ed when I realized how blurry my eye-glasses was. Hindi ko na lang ito pinansin. Marahas kong sinuklay ang basa at buhol-buhol kong buhok gamit ang aking daliri. Dumako naman ang mata ko sa bag ko na nasa maruming sahig ng building. Napapikit ako ng mariin ng makita ang estado ng kawawa kong bag. Sira ang sling nito at bahagyang nakalabas ang mga laman nito. Katabi rin ng bag ko ang librong hawak-hawak ko kanina. Malamang nahulog iyon dahil sa marahas na pagbitaw sa akin ng walang hiyang lalaking nagdala sa akin rito.

Muli akong tumingin kay Trivy. Handa na sana akong sigawan siya at ibunton lahat ng galit ko sa kanya nang magtagpo ang aming mga mata. He's already looking at me with those eyes again. Napalunok ako. Ayoko talaga kapag tinitingnan niya ako sa ganitong paraan. In a way as if I'm a delectable prey that he wants to eat.

Nakita ko ang pagbaba ng mga mata niya sa katawan ko. Wala sa sarili na nagbaba rin ako ng tingin at sinuri ang aking sarili. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong niyakap ang aking sarili ng makita ang estado ko. Like him, bakat na bakat rin ang uniform ko sa aking katawan kaya kitang-kita ang itim kong bra. Shit.

This is not good. Not good, at all.

I heard him groaned. Kinabahan naman ako ng makita ko ang pagtatagis ng bagang niya. Bumaba naman ang mga mata ko sa kamay niya na ngayon ay namumuti sa higpit ng pagkakamao. Napaawang ang labi ko at napaatras ako. Para siyang nagpipigil sa galit. Ang takot na naramdaman ko kanina ay biglang nagbalik. Domoble pa. I know I still have time to run away so I tried to move my feet. Pero nakakaisang hakbang palang ako ng marinig ko ang malamig at matigas na boses niya.

"I tried... I tried to be friendly towards you. I tried to be nice but...you didn't cooperate. And now...I'm tired."

Napakagat ako sa aking labi. Ano bang pinagsasasabi niya? Bigla siyang humakbang palapit sa akin. Kusa namang humakbang paatras ang paa ko. There's no way I let him go near me in this kind of situation. Lumunok ako ng isang beses bago nagsalita. "Diyan ka lang! Don't go near me, you asshole!", sigaw ko sa kanya. Pero imbis na makinig at sundin ako nakita ko ang pagsilay ng isang nakakahindik na ngiti sa labi niya. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa kaba.

Humakbang ulit siya ng isang beses kaya umatras ulit ako. He slightly shook his head while the devious smirk on his lips is still there. "As I've said, Andrea... You can run and I'll chase you. You can run until you get tired..."

Biglang umihip ang malakas na hangin at ang hatid nitong ingay ay nakakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"And I want you to run now...before I'll lose my sanity."

And with no father a do...I ran. I ran towards the nearest door leaving my things behind. I could feel myself rejoicing when I almost reach the door when I felt a hand tightly gripped my wrist, stopping me. He harshly spins me to face him. And I was greeted by a monster with an evil smirk and...with those eyes.

"But not that fast."

Umawang ang labi ko. "Bitaw-"

"And as I've said...I'm tired. So...I'm going to make you mine...now."

And before I could react he pushed me to the wall and pinned me. I gasped. The next thing I knew...he's giving me a rough kiss.

A very rough kiss.

**

Kinakabahan ako sa next update. Huhuhu.



btw. you can follow me on twitter. (sa gusto lang naman) personal account ko yun.Mababasa niyo ang walang ka-kwenta-kwentang laman ng utak ko. hahaha!

https://twitter.com/DivinaTEW


Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon