Part 1 - Daddy and Papa

30 4 12
                                    

Habang nag lalakad ako sa hallway ay bigla akong nasagi ng lalaking nag skateboard., kaya na out of balance kami parehas

"Ano bayan kita mo naman na may nag lalakad diba?"

"Kita mo din naman na mag s-skate Board dito diba?" Sabi naman nya Pabalik naiinis na ako sa lalaking to kanina pa to simula pag pasok ko ng school

"Na una ako mag tanong kaya sagutin mo tanong ko. kita mo naman na nag lalakad ako diba?"

"Oo, at wala akong pake"

"Tumabi kana nga malalate pako dahil sayo eh" agad akong umalis at dumeretso na sa Classroom

Pagpasok ko ay buti nalang wala pa si Ma'am Scarlet kaya umupo na agad ako at inayos ang gamit na gagamitin mamaya. Nang maka rating na si Ma'am Scarlet ay saka din dumating yung lalaking naka bangga saakin

"Good morning Class"

"Good morning Ma'am Scarlet"

"Please take a seat., Gusto kong ma meet nyo si Paulo"

Sabay pag tayo ng lalaki sa upuan nya

"Paulo, you may introduce your self" sabi ni ma'am Scarlet

Napatingin ako sakanya at nagka eye to eye contact kami

"Hello everyone, my name is John Paulo Nase, but you can call me Pablo or Pau" sabi nya at ngumiti

"Ok Pablo, you may seat beside Mr. Ajero" nanlaki ang mga mata ko ng sabihin yun ni Ma'am, Ayaw ko syang makatabi akala mo naman kasi kung sino sya

"Ok Ma'am" dinala nya ang gamit nya at tumabi saakin

"Hoy., ikaw nanaman? tumabi kanga baka mabangga nanaman kita eh" sabi nito at umupo sa tabi ko

"Ok, so since lahat ay may partner na meron tayong groupings, kung sino ang katabi nyo sya din ang partner nyo sa Groupings" Hala wala na finish na, baka mamaya pahirapan ako nitong Pablo na to

"Here is your project., mag aalaga kayo ng itlog ituturing nyo na anak., and pag walang nangyare na masama Excempted kayo sa Exam."

Natuwa naman ako dahil sa pwede kaming ma excempted sa Exam, Kung walang mangyareng masama sa itlog..

"Ok, next Mr. Ajero and Mr. Nase paki kuha na ito" sabi ni ma'am Scarlet

Biglang may kumatok sa pinto at sinabing

"Ma'am Scarlet, may meeting daw po lahat ng teachers, pa uwiin na daw po muna nga studyante"

"Sige nak salamat, Ok class narinig nyo naman ang sinabi diba? Pwede na kayong umuwi" sabi ni Ma'am Scarlet

Gusto kunin saakin ni Pablo ang itlog kaya iniwas koto sakanya

"Akin na. Aalagaan ko yan baka mamaya eh bigla mo nalang itapon"

"Hoy For your information Paulo. Hindi ako pabayang tao"

"It's Pablo not Paulo, at isa pa kailangan daw ng pangalan nyan"

"So?"

"Akin na at ako na ang mag papangalan"

"Ano ka Gold?"

"Hoy Vester, akin na" nang susubukan nya itong kunin sa akin ay bigla nya akong tinulak para mapa higa sa lamesa

Agad akong bumangon at kinuha ang mga gamit ko at umalis

Go back timeWhere stories live. Discover now