1st shot: My Best Friend, My Lover

1K 15 9
                                    

1st Shot: My Best Friend, My Lover

{Baba's note: Hello Ate! :) Dinedicate ko rin po ito sa inyo kasi.. Wala lang. Hihi, miss ko rin kayo! :D}

Pagpasok ko ng campus, normal lang naman. Mukhang magiging masaya ngayong araw ah, nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa classroom, as usual, maingay pa rin. Kailan ba kami naging tahimik?

"Good Morning Monica!" bati niya sa akin.

"Good Morning rin Marcus!" bati ko rin sa kaniya at pinakita ang pinaka-matamis kong ngiti na sa kaniya ko lang iniaalay.

Lumapit na ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Oh, nagawa mo na assignment mo?" tanong ko sa kaniya

"Oo naman!"

*

Nagsimula na ang klase na katabi ko siya. Seatmate ko kasi siya. Siguro napaka-cliché na kung sasabihin kong may gusto ako sa kaniya.. Pero yun kasi talaga eh. May gusto ako sa seatmate ko.. May gusto ako sa bestfriend ko.

Hindi ko alam kung paano, kalian at bakit.. Pero sa tuwing tinitignan ko siya, nagwawala yung puso ko, kumikislap ang mga mata ko, gumaganda ang araw ko, nakakaramdam ako ng galak at parang may mga paru-paro sa tiyan ko palagi.

Nakikita ko palang siya niyan ah? Pano na kaya kung makakausap ko pa siya?

"Pst. Monie!" -tawag sa akin ni Marcus habang nag-lelecture ung teacher namin.

"Oh ano, Mikee?" -nakita ko naming kumunot 'yung noo niya. Ayaw niya kasing natatawag na Mikee, para daw kasing pambabae. Nickname niya iyon sa bahay nila eh.

"Tsk. Ano ba 'yan Monie"

Pinisil ko 'yung cheeks niya.

"Away! Monieeeee!" -pasigaw na bulong niya

"Hahaha" Tumawa lang ako.

"Okay class dismissed. You may now have your lunch."

Yes, lunch na. Tumayo na kami ni Marcus at iniharap naming ang mga upuan namin sa isa't isa.

Ngayon, magka-harap na kami. Parang nagdadate lang. Gan'to talaga kami kapag lunch eh.

"Marcus, may lunch ka ba o bibili ka?" tanong ko sa kaniya

"Bibili ako, Monie eh. Hintayin mo ako ah? Babalik din ako." Sabi niya sa akin atsaka tumakbo papuntang canteen.

Ako naman, naka-upo lang sa upuan ko at hinihintay siya. Nilabas ko muna 'yung diary ko at nagsulat ng entry.

Dear Diary,

Hanggang kalian ko kaya maitatago 'yung nararamdaman ko kay Marcus? Parang hindi ko na kasi yata kayang itago 'to.

Sana.. sana, ako rin 'yung gusto niya 'no? Ang saya siguro nun.

-Monie ni Marcus

Haha. Natawa naman ako dun sa 'Monie ni Marcus'. Kung maka-declare lang eh? Hahaha. Assumera ako.

Pero seryoso, hanggang kalian ko kaya maitatago 'yung nararamdaman ko? Simula palang kasi Grade 3 kami, may gusto na ako sa kaniya. Malandi ba? Ewan ko. Feeling ko, totoo yung sinasabi nilang, walang pinipiling edad ang pag-ibig.

Totoo yata yun. Kasi bata palang ako, naramdaman ko na 'yun sa 'yo eh. Siguro dati, hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin nung nararamdaman ko.. pero ngayon, malinaw na malinaw na. Mahal kita, Marcus.

"Monieeeeeeee!" Sigaw ni Marcus habang papunta sa akin na may dala-dalang pagkain niya.

"Grabe! Ang daming tao sa canteen ngayon, Mon-mon! Sobrang siksikan!" daing niya.

One Shot Stories. [19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon