Prologue
Sabi nila the best relationship is friendship.
True?
Sabi din nila na ang pinaka astig na relationship ay yung kung mag usap at mag kulitan kayo ay parang mag best friend lang.
Agree?
At madalas ang isang relationship ay nag sisimula sa friendship.
Totoo naman diba?
Eh nakaranas na ba kayo ng friendship na para ng relationship?
Super care kayo sa isa't isa.
Super sweet pa sa isa't isa.
Pero wala kayong commitment.
Then isang araw marerealize mo na lang na you've fallen in love with that someone.
Pero takot kang umamin.
Kasi baka di ka nya gusto.
Kasi baka di nya kaya suklian yung pagmamahal mo sa kanya.
Kasi baka di ka nya kayang saluhin.
But don't you think it will be much better if he/she knows what you feel?
Wag kang matakot.
Malay mo gusto ka rin nya.
Mahal ka din nya.
Parehas lang pala kayong takot umamin sa isa't isa.
Pero if ever na di nya kaya ibalik yung pagmamahal na binibigay mo, wag ka mag alala.
Diba best friend mo sya?
Kilala ka nya.
Alam nya kung pano ka pasasayahin.
Alam din nya kung malungkot ka kahit itago mo pa.
Alam nya kung pano ka pakakalmahin pag galit ka.
Malay mo sa pag amin mong yun eh matulungan ka nya.
Baka matulungan ka din nya na maka get over sa na raramdaman mo.
Baka nga sa pag amin mong yun eh may marealize ka pang iba.
Basta mag tiwala ka lang.
A/N: Ang story po na ito eh hinugot ko sa napaka lawak kong imagination. May pinag hinuhugutan po kasi si Author kaya ayan. I started writing this story ever since na katabi ko yung hearthrob sa campus namin, naging close kami. Naging mag best friend, then one day na fall na si Author. Hahaha! O'sya enough of my life. Sana po subaybayan nyo 'tong story na 'to from start to finish. Thank you! Love lots, Ces. :*