MAXI's POV
Nandito na ako ngayon sa tapat ng apartment ng aking boyfriend na si Lyndon. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Parang may nagsasabi sa aking may hindi magandang mangyayari.
Ipinilig ko ang aking ulo. Bilang ako ay isang taong laging pinipiling maging positibo, iwinaksi ko sa aking isip ang lahat ng aking mga alalahanin. Wala akong dapat ipangamba. Nasa loob si Lyndon at kasama niya ang kanyang pamilya.
Wala sa loob na tumingala ako sa langit. Makulimlim ang panahon. Mukhang uulan maya-maya lamang.
Nang maisip kong baka umulan at mabasa ako ay dali-dali akong kumatok sa pinto ng apartment ni Lyndon.
Isang katok.
Syempre hindi maririnig kung isang katok lang.
Dalawang katok.
Baka busy silang lahat sa loob?
Tatlong katok.
Hindi kaya walang tao sa loob?
Sampuin ko na kaya?
Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!
Oo nga. Baka walang tao? Sayang naman ang pagpunta ko rito sa apartment ni Lyndon.
Pihitin ko kaya ang seradura ng pinto? Baka naman nagkakasiyahan lang sa loob dahil nga nandito ang buong pamilya ni Lyndon ngayon?
Speaking of Lyndon's family, paano ko ipakikilala ang sarili ko sa mga magulang ni Lyndon? Sabi niya nga ay hindi pa niya nasasabi sa mga ito ang tungkol sa relasyon namin.
"Hello po. I'm Maxi po. Kasintahan po ako ni Lyndon. Two years and three months na po kaming nagmamahalan. Happy and contented. We're looking forward to more fulfilling years to come."
Iyon ang sinasabi ng aking isip na sabihin ko sa mga magulang ni Lyndon. Pero ngayon pa lang ay parang nakikini-kinita ko na ang mga mangyayari. Nai-imagine ko na kung paanong magugulantang ang mga magulang ni Lyndon. Wala naman sanang hihimatayin.
At syempre nai-imagine ko na ring may lilipad na kamao at tatama sa aking mukha. Huwag naman po sana.
Siguro ay magpapakilala na lang akong kaibigan ni Lyndon. Pwedeng kasamahan niya sa trabaho.
Niyuko ko ang aking sarili. Tiningnan ko ang aking suot na skinny jeans na parang hinulma sa aking cute na pang-upo at mahabang legs. Sinipat ko rin ang suot kong small T-shirt na halos magmukha ng crop top.
Maniwala kaya ang mga magulang ni Lyndon na kaibigan ako ng kanilang anak sa ayos kong ito? O baka isipin nilang isa lang ako sa mga gutom na gutom na nagpapantasya at naghahabol sa kanilang anak?
Hay. Bahala na. Kaya ko 'to. Iyon ay kung nandito nga sila sa loob ng apartment ni Lyndon.
Hinawakan ko ang seradura ng pinto ng apartment ni Lyndon at pinihit pabukas.
OMG.
Bumukas ang pinto ng apartment ni Lyndon. Mukhang tama nga akong baka nagkakasiyahan lang silang buong pamilya sa loob.
Maxi: Tao po.
Sinamahan ko pa ng katok ang sinabi ko kahit binuksan ko na ang pinto at sumungaw ako sa loob.
Ay. Walang tao.
Bahala na nga.
Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto ng apartment bago ako tuluyang pumasok sa loob. Iginala ko ang aking paningin sa loob bago dahan-dahang inilapat pasara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)
General FictionSi MAXIMILIANO aka MAXI na yata ang sumalo sa lahat ng positive outlook na inihulog mula sa langit. Lagi niyang nakikita ang kagandahan sa lahat ng sitwasyon. Habang sa kabilang dako naman ay namumuhay ang isang lalaking parang ipinanligo na ang lah...