hays

8 0 0
                                    


Ako si AM in short. Haha. Ayaw ko magpakilala at baka mabasa ito ni AA. Itong istoryang ito ay hango sa tunay na pangyayari. Kung kaya, anuman ang mabasa ninyo ay puro at hindi haka-haka lamang. Ito ay nais kong ibahagi sainyo dahil maging kami man o hindi, atleast mababasa ninyo ang napakagulo naming pagtatapos ng aming pag-iibigan sa isa't isa.

Noong taong 2014, ako ay pumapasok sa paaralang Unibersidad malapit saaming tahanan. Ako ay presidente ng klase, kung kaya ang aking mga kaklase ay takot saakin dahil nililista ko sila sa Noisy o di kaya naman ay Standing. Ang naalala kong ala-ala ay, siyq ang crush ko nuon. Napaka taas ng paghanga ko sa lalaking ito sapagkat maayos, malinis at napaka bait nitong batang ito. Nga lang, hindi ako nito type. Ang alam ko, may iba siyang gusto. Kaya naman hindi na ako umasa pa na magiging M.U kami.

Lumipas ang tatlong taon, 2017 ito. Nagkakaroon kami ng interaksyon sa isa't isa. Sa simpleng sulyap, pagkakamusta sa chat ay nagagawa na namin. Hindi naman ito nagbibigay motibo. Sa totoo nga, shiniship ako ng mga kaibigan ko sa ibang lalaki. At hindi ko rin naman na siya type ng mga panahong ito. Kaya wala saakin ang pagkakausap namin o anumang pwedeng mamagitan.

Taong 2018, mayroon akong kaibigang nag ngangalang Maicee. Siya ang naging tulay saaming dalawa sapagkat ito ang nagsabi saakin na gusto pala ako ni Mr. AA. Naglalaro sila ng Truth or dare at sakto, ako ang inaming crush ni Mr. Cute. Haysss, syempre kinilig ngunit hindi nanaig saakin ang feelings na namumuo dahil parang nawala ang pagtingin ko sakanya. Palagi ako nito kinakamusta at sinasabi pa ngang, " I'll wait for you to make myself feel better haha ". Grabe sino ba namang hindi kikiligin diba? At ayun na nga dumating yun time na wala talaga yunf spark ko sakanya. Kahit anong chat o kamusta niya, hindi ko siya magustuhan. Hays!!

Taong 2019, Baitang 7 na kami nito. Mas napadalas ang kamustahan namin sa isa't isa. Siya ang laging nauuna sa pag titipa at ako ay nag rereply naman pabalik. Palagi ako nitong pinupuring ang ganda ko raw at hindi raw siya bulag na hindi makakita ng ganung babaeng tulad ko. Nais niya rin daw akong makausap sa tunay na buhay ngunit ang laging tugon ko ay mahiyain naman siya kaya paano iyon mangyayari. Lumipas ang mga panahon, at na realize kong hindi ko talaga siya gusto. Na siguro, nung grade 2 ko lang siya type at hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakanya.

Taong 2022, baitang 10. After the pandemic, nagsimula na kaming pabalikin sa f2f mode ng klase. Hindi kami magkaklase nito. Ngunit, lagi ko siyang napapansin sa labas. Kung dati ay mukhang nerd, maliit at jologs pa. Ngayon ay matangkad, meztizo, malinis tignan at maganda ang tindig sa katawan. Namuo ang atraksyon sa aking mga mata. At sakto, kaclub ko pa siya sa aming paaralan. Kung kaya, nagsasama rin kami tuwing first Friday of the month. Ang saya saya ko talaga! Kasi naging crush ko na siya nunv panahon na iyon. Palagi ko siya kinukwento sa mga kaibigan ko. Kilig na kilig at hindi mapigilan ang pagkadarama ng saya.

Dumating ang January katapusan, nauso ang notes sa Instagram. Finollow niya ako at tuwing nag nonotes ako ay sumasagot ito indirectly. Kilig na kilig ako bawat gabi na pag uusap namin sa notes, mga parinigan at ganun na rin ang feeling na ang sarap sa pakiramdam. Dumating sa punto na nag reply ako sa note niya, at dun niya inamin crush niya pa rin ako. Siyempre ako ito, hindi muna aamin kaya pinaligoy-ligoy ko muna hanggang sa magtanong siya, " Pass ba? " Sa loob loob ko ano ba iyon? Pasado? O pass saan? Hindi ko na naitanong dahil alam kong pasado iyon pero yun pala rejection. Nasabi kong, " oo " not knowing what it means. At ayun, nawalan ng feelings si guy and naglaho bigla ang kilig at saya.

Pagkatapos ng lahat, nakikita ko pa rin siyang sumusulyap saakin tuwing hindi ako nakatingin. Palagi siya ang first viewer ko sa mga stories ko sa IG. Pinigilan ko na ang sarili ko sakanya sahil alam kong wala nang hihigit pa sa binigay ng Diyos saamin na panahon. Siguro nga at hanggang doon nalamang ang pagsasamahan namin. Masaya ako para sakanya at para sa sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

a simple not-so-lovestoryWhere stories live. Discover now