06: FOR GRADES (Borj Jimenez POV.)

224 18 1
                                    



"KASALANAN mo rin naman, Mr. Jimenez, kung bakit ganyan ang grades mo. I seldom, see you in my class. Oo nga't pasado ka sa mga attendance mo. Pero iyon din lang ang mga araw na nakita kitang uma-attend sa klase ko. Are you insulting me, Mr. Jimenez?" Pagalit na sabi sa akin ni Ma'am De Leon. Ang guro ko.

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa faculty office school upang kausapin ko si Ma'am. Dahil sa mga nakuha ko na maliit na grades last quarter dahil din sa mga incomplete kong mga activities. Kailangan ko talagang maayos ang grades ko na iyon dahil sobrang halaga non sa akin. At para maka graduate din ako dito sa school.

"No, ma'am. Willing po akong gawin ang kailangan ko para maayos ang grades ko." Sagot ko.

Hindi talaga dapat na makarating sa mommy ko ang tungkol sa grades ko. Isang malaking parusa ang naghihintay sa akin. I could lose my friends. Baka ma cancel pa ang credit card ko kung sakali.

"All right. I want you to do a case study." Sabi ni ma'am sa akin.

"Case study?" Gulat kong sabi. "Ma'am, isang quarter po ang timeline ng case study. Pwede po bang iba nalang?"

"You have to face the consequences, Mr. Jimenez. Hindi ko na problema kung paano mo gagawin ang project mo. At wala kang karapatang mamili. I'm your teacher. Now, gagawa ka ng isang case study o tutuluyan ko nang ibagsak ka talaga?" Mariin niyang sabi sa akin.

"Gagawa na po." Napabuga ako ng hangin sabay sulyap kay Yuan na kanina pa nasa labas nang faculty. Naghihintay. Kita ko siya dito dahil glass yung pintuan sa loob.

"Good. I want you to make a study about gossip." Sabi ni Ma'am.

"Gossip?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Yes." Naka-angat ang isa niyang kilay. "Gossip. Tsismis. Issues. Controversies."

Hindi ko mapigilan na mapatawa. "Eh, 'di ba Ma'am, mga celebrities 'yong gano'n?" Tanong ko.

Umiling nalang bigla si ma'am. "Bakit, Hindi ba't mahilig ka sa ganon? Hindi lang naman pang celebrities yon. Anyway idea lang naman ang sinabi ko. Ikaw na lang ang bahala kung anong topic ang idi-discuss mo sa study mo. As long as it has something to do with behavior and emotions."

Napabuntong hininga ako. Tila mahihirapan ako sa pinapagawa ni Ma'am sa akin. Napakamot ako ng ulo.

"Fine." Sabi ni ma'am. Parang alam ata niya na hindi ko kaya yung pinagawa niya. "May ipapagawa nalang ako sayo." Sabi niya.

Nakita ko siya na kumuha ng isang memo sheet sa gilid ng mesa. Kulay-blue pa iyon.

"I want you to do an interview then make a report. Tulungan mo nalang ako na tapusin ang analysis ko sa kanya." Sabi niya habang nagsusulat. "Here." Binigay niya sa akin.

Nakakunot noo kong kinuha iyon kaagad at binasa ang nakasulat. "Roni Salcedo?" Nagulat ako sa nakita ko. Si Roni? Bakit si Roni?.

Napatingin ako kay ma'am ulit.

"Ma'am, bakit po si Roni?" Tanong ko sa kanya.

"Interview-hin mo si Roni. Alam ko na kaibigan mo siya diba? Gagawin mo yan dahil sa grades. Kailangan ma interview mo siya. Kundi, hindi ka na makaka graduate." Sabi ni ma'am sa akin.

Napaisip ako.

Muli kong tiningnan ang kapirasong papel. Nakasulat dito ang sulosyon sa problema ko. I signed heavily. Kailangan ko na ayusin ang grades mo. Baka pagalitan pa ako ni mommy.

"Sige po, Ma'am. Gagawin ko na po." I was left with no other choice. At tatanggapin ko ang choice na ito. Interview lang naman eh. Madali lang naman 'to. Pasensya ka na Roni, kailangan ko na maayos ang grades ko eh.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now