NAG-AABANG ako ng masasakyang jeep pauwi. Nandito ako ngayon sa palengke. Inutusan ako ni mommy kanina na bumili ng mga gulay. Hapon na ngayon kasi matagal natapos yung klase namin at dumiretso na ako rito. Hindi sumama si kuya sa akin dahil maarte siya! Hindi talaga niya hilig ang pumunta sa palengke. Si Jelai naman, umuwi na siya nang maaga dahil alam ko na hahanapin siya ng mommy niya pag natagalan siya. Kaya ako nalang mag-isa ang nandito.
May nakita akong paparating na isang itim na Escaped at inakala ko na lalampas lang sa akin iyon. May kasunod itong pampasaherong jeep ngunit nagulat ako nang tumigil nalang ito sa harap ko.
Bumukas bigla ang gitnang pinto.
"Sakay!" Pasigaw na sabi sa akin ng isang lalaking nakatakip ng bonnet na itim.
Bigla akong natakot.
Napaatras ako at akmang tatakbo na sana pero mabilis akong nahagip ng lalaki.
"Ano ba? Bit—"
Hindi na ako nakasigaw dahil tinakpan ng lalaki ang bibig ko at para akong papel na binuhat papasok sa sasakyan.
"Saan n'yo 'ko dadalhin? Ano ba? Bababa ako!" Galit na galit kong sigaw.
Inabot ko ang handle ng pinto ngunit ayaw magbukas niyon. Lalo na akong kinabahan.
"Sino ba kayo?" Nahihintakutan akong nagtanong.
Walang sumagot sa dalawang lalaking nasa loob. Nakatakip pareho ang mga mukha nila.
Umangat ang mukha ng driver at tumingin sa rearview mirror. Then I was horrified. Hindi lang naman ito sumagot bagkus ay pinasibad niya lang ang sasakyan.
"Pababain nyoko dito! Sino ba talaga kayo?"
Wala pa ring sumagot. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Bigla nalang akong binalot ng kaba. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Saan ako dadalhin ng mga lalaking ito? Sino ba ang mga ito? At ano ang kailangan nila sa akin? Na-kidnapped ba ako?
"Hoy!" Sigaw ko at hinampas ko ang balikat ng driver. Pinatigil naman ako ng kasama niyang lalaki.
"Ano ba? Huwag ka nang magulo!" Galit na sabi ng driver.
Dahil sa nag-alala rin ako na baka maari kaming maaksidente ay hindi ko nalang siya ginulo saka tumahimik.
Puno ng takot ang dibdib ko ngunit hindi ko lang iyon pinapakita. Hindi dapat nila mahalata ang pagsindak ko.
"Saan nyoko dadalhin?" Taranta kong tanong.
Pilit kong pinapagana ang isip ko upang makatakas at makahingi ng tulong. Napansin ko na nasa bulsa ko lang pala ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha. Nakita ko agad sa unang contacts ko ang pangalan ni Kuya kaya pinindot ko iyon para tawagan. Ngunit, napatigil ako dahil biglang nagsalita ang driver.
"Huwag ka nang mag-aksaya ng oras. Mapapahamak ka lang kung susubukan mong humingi ng tulong." Maawtoridad niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko na nakatingin siya sa sa akin. Nakasulyap siya sa akin sa rearview mirror. His deep eyes were looking at me directly.
"A-ano ba kasi ang gusto n'yo?" I asked looking at him sharply.
"Mag-uusap lang tayo. May ilang bagay rin akong ipapagawa sayo" Sagot niya.
"Kung pera—"
"Tumahimik ka nga!" Agap niya. Muli akong napalingon sa kanya. Tila pamilyar sa akin ang boses niya.
Hindi na ako nakatugon. Marahil sa tapang ng tinig ng driver o sa takot na biglang bumalot sa akin. My abductors were tough. Mukhang wala akong magagawa ngayon. Nag-alala ako na baka totohanin niya ang banta sa akin pag nagmamatigas pa ako. Nag-aalangan man ay sumandal na lang ako sa upuan.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...