09: YUAN VS BASTI (Borj Jimenez POV.)

214 26 5
                                    




MADALI kong natapos ang report ko at kaagad kong nagpasyang ipasa ito agad kay Ma'am.

Masaya ako kasi naging maayos naman yung pag-uusap namin ni Roni kagabi at naging masaya din kasi nahalikan ko siya sa  noo niya. Hanggang sa pagtulog kagabi naiisip ko parin yon. Gusto ko sana siyang ihatid nung araw na iyon kaso may lakad ako eh. Pero alam ko naman na safe siyang nakauwi.

Maaga akong nagtungo sa faculty office para maipasa ko na ito kay Ma'am.

Pagdating ko doon, nakita ko si Ma'am at agad ko siyang nilapitan.

"Goodmorning, Ma'am." Bati ko.

"Goodmorning, Mr. Jimenez,"  Tugon niya.

"Heto na po 'yong report ko." Inabot niya ang sliding folder na kulay blue.

Kaagad na binuklat ni Ma'am ang ibinigay ko at mabilis na binasa. Naroong umangat at kumunot ang mga kilay niya habang tila pinag-aaralan ang ginawa ko.

"Sana naman po ay ayos na 'yan para  pumasa ako" Ani ko.

"Oo. 'Yon naman ang sinabi ko diba." Sagot niya at nasa binabasa pa rin ang mga mata.

"Ahmm, may ilang question po ang hindi sinasagutan ni Roni." Sinabayan ko na ng paliwanag ang pagbabasa ni Ma'am.

"Kumusta na siya?" Seryosong tanong niya sabay tiklop ng folder. Kinipkip niya iyon sa may kilikili.

Bigla nalang akong nagtaka. Nahimigan ko na tila concern ang mga tinig ni Ma'am.

"Okay naman po." Sagot ko.

"Bakit naman hindi niya sinagutan ang ibang questions?" Tanong ni Ma'am.

"A-ah... eh....medyo mahirap  kausapin" sabi ko.

Nakita ko na tila bigat niyang pagbubtong-hininga. "Yeah, she's stubborn, too. Akala niya lagi walang nakakaintindi sa kanya. Nagtatapang-tapangan pero duwag naman."

"Ano po?" I was really lost. Wala akong makukuha sa mga sinabi ni Ma'am.

Bakit niya ba sinasabi to?

"Anyway, thank you sa report mo. I will have your grade fix. Pwede ka nang pumunta sa klase mo" Sagot pa niya.

Napatango nalang ako "Sige po. Thank you, Ma'am."

Ngumiti si Ma'am. "Okay."

Tumalikod na ako at naglakad palabas.

Hindi ko parin gets ang sinabi ni ma'am sa akin.

Paglabas ko naman, saktong nasa harapan ko si Yuan.

"Galing mo talaga Borj! Akalain mo 'yun? Mabilis mo lang na interview si Basti?" Tanong niya sa akin.

Napatawa ako, oo nga pala hindi niya alam na si Roni yun.

"Wala yon. Mabilis lang talaga siya makausap." Sagot ko naman .

"Ha? Kelan kayo nag-usap? Bakit hindi mo man lang ako sinama?" Tanong niya pa.

"Pare, pag sinama ba kita hindi mo siya sasapakin?" Tanong ko pabalik.

Napakunot ang noo ko.

"Diba nga sabi mo, ayaw mo na siyang makita?" Dugtong ko.

Tinapik naman niya agad ang balikat ko.

"Tama ka. Buti nalang pala hindi moko sinama." Ani naman niya.

I smiled a bit

"Saka, ano nga pala sinabi ni Ma'am kanina nung pinasa mo na 'yung report mo?" Tanong niya sa akin.

MORE THAN FRIENDS [Season 01]Where stories live. Discover now