Chapter 39 (Nohlan)

1.7K 44 0
                                    

Chapter 39

Nohlan

"Namumukhaan kita," turan ni Lawrence,isa sa mga crew ng barko.Off niya at libre siyang magpagala-gala sa kabuuan ng barko basta ba suot niya ang kanyang ID. Mataman niya akong tinitigan habang nakatuon sa counter ng mini mart ng barko.

Doon ako nakaduty sa loob ng tatlong oras at nakakaisang oras pa lang ako ay may mga nakakwentuhan na akong mga crew.

Lihim akong napangiti sa pinaggagawa niya.He was lookung intently at me na para bang mayroon siyang hinahanap habang ako ay poker face lang na nakatayo doon.

"Sabi na eh," aniya na pinitik-pitik pa ang kanyang daliri.

"Kilala mo siya?," tanong naman ni Jigs.Isa sa mga kasamahan niya rin bilang deck crew.Sila iyong nasa itaas ng barko.Kumbaga sa sasakyan,sila yung nagmamaneho.

Itinuro ako ni Lawrence. "Ikaw 'yung babae sa panaginip ko," mangha niyang sabi dahilan para mapabunghalit ako ng tawa kasabay ni Jigs at ni Ma'am Rose,ang cashier ng mini mart.

"Grabe ka naman! Pinagtatawanan mo ako," kunwari ay nagtatampo niyang sabi na lalong nagpatawa sa akin.

"Bolero," sambit ko at umakto siyang nasasaktan sa pamamagitan ng paglagay niya ng kanyang kamay sa kaliwang dibdib na para bang may masakit sa parteng iyon.Napailing na lang ako.

I won't fall for such acts.Mga bolero.Hindi ninyo ako maloloko dahil matagal na akong naloko.I silently shouted.

Alam ko.Di ko na siya boyfriend.Whatever he's doing,it's out of my business.

"Ang gwapo ko talaga,natutulala ka," nakangising sabi ni Lawrence na nagpangiti sa akin.Baliw!

The following days went by with me learning a lot.Napakagandang bagay ng training na iyon para sa akin as it helped me forget about broken heart.Naaliw kasi ako.Plus I am with my friends 24/7 kaya masaya pa rin ako.Honestly,after Seth and I,doon ko mas naappreciate iyong friendship.Kasi habang nasasaktan ako,nandiyan iyong mga kaibigan ko na patawanin ko.Kahit may iba na si Seth,hindi pa rin nila ako iniwan.Niresearch pa nga nila 'yung hitsura ni Scarlette para lang sabihin sa akin na mas maganda ako doon.Kaya alam ko,brokenhearted man ako,di pa rin ako talunan.May mga kaibigan akong handang mahalin ako nang higit pa sa kapatid.

Iyon nga lang,insensitive at mapang-asar talaga sila minsan.

"Walanghiya ka! Bakit di mo sinabi agad na di ka sasama? Ikaw pa ang excited tapos ikaw ang wala.Talkshit ka! Talkshit!," sigaw ni Saida.

"Drawing," gatol naman ni James.

"Walang isang salita," dagdag ni Edison.

"Nang-iiwan sa ere- ayy mali,sa dagat pala," sabad ni Eka.

"Walang puso," sigaw pa ni Gellie.

"Walang atay-balunan," tumatawang dagdag ni Nohlan.

"Walang toothpaste at toothbrush," ani Kisses.

"Walang kumot at banig," ani Rich.

Masayang-masaya sila habang kausap si Seth sa kabilang linya habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.

"Mga walang lovelife," narinig kong tumatawang nagsalita si Seth mula sa kabilang linya at agad-agad namang nagtumbling ang puso ko.Para itong may sariling tenga at isipin.Boses lang ni Seth ay kilalang-kilala na niya.React kaagad.

Narinig kong nagsipagtutol ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Seth. "Si Rhum lang 'yun," hiyaw ni Edison habang nakangisi sa akin na agad kong binato ng Winnie the Pooh kong unan.

"Oo nga," pagsang-ayon pa ni Nohlan na binato ko naman ng kumot.Tawang-tawa sila habang tumahimik naman ang nasa kabilang linya.

"Kumusta na kayo d'yan? Si Tammy sumama ba?," tumatawa niyang tanong.Gusto ko magmura.Si Tammy kinumusta niya tapos ako hindi? Anong klaseng tao siya?

Nagkwentuhan pa sila habang ako ay nagpanggap na tulog na.Alas sinco pa ng madaling araw ang duty ko kinabukasan kaya mas mabuti pabg matulog na lang kesa sa makinig ng usapan ng may usapan.

Nagising ako ng alas tres y media.Dahil nasa iisang malawak na accommodation lang kami ay kita lahat ng mga schoolmate at classmate ko na natutulog.Napalingon ako sa gawi ni Tammy.Nakabihis na siya at katulad ko ay mukhang maaga din ang duty niya.

Marahil ay napansin niyang may nakatingin sa kanya kaya napabaling siya sa direksyon ko.Huli na para makaiwas ako ng tingin.Nginitian niya ako at kahit napahiya ay gumanti ako ng ngiti.Dalawang beds din ang nakapagitan sa higaan naming dalawa.

"Duty ka na?," tanong ko para matakpan ang aking pagkapahiya.

"Oo.Late na nga ako eh.Dapat kasi 3:20 ako," nakangiti niyang sabi. "Una na ako ah," paalam niya na tinanguan ko lang.

Nanatili akong nakatitig sa papalayong likuran ni Tammy.Kung ililevel ko ang pagmamahal ni Seth sa kanya at sa akin,mahal na mahal niya si Tammy samantalang mahal niya lang ako.

Ang tagal kaya nakapagmove on ni Seth sa kanya samantalang sa akin,mabilis lang.Kumbaga,si Tammt 'yung pag-ibig na hindi basta napapalitan at ako naman iyong pag-ibig na madaling kalimutan.

"Ang aga-aga emo na," napalingon ako sa nagsalitang si Nohlan.Halatang kakagising niya lang dahil medyo nakapikit pa ang kanyang mata at gulo-gulo pa ang buhok.

"Paki mo ba," bawi kong sabi.

"Huwag mo na siyang isipin.He does not deserve you.You are too good for him.It's not your loss,it's his.Maraming magkakagusto at magmamahal sa'yo,'yong mas higit sa kanya.Iyong tipong di ka na niya pakakawalan dahil sobrang mahal ka niya.Iyong pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag nawala ka sa kanya.Iyong mas mahal ka kesa sa mahal mo siya," aniya na nagpangiti sa akin.Natouch ako.His words had me smiling but it faded away as soon as I realized something.My eyes widened.

"Anong ginagawa mo dito? Bawal boys dito ah.Dito ka natulog? Naku! Kapag may nakakita sa'yo baka isumbong ka kay Ma'am Romero," tuloy-tuloy kong sabi.Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa bibig na nagsasabing huwag akong mag-ingay at agad nga akong tumahimik.

"Huwag ka naman maingay,lalo akong mahuhuli niyan eh.Balik na ako sa boy's area," aniya at patago-tagong tumakbo papunta sa area kung saan dapat lang magstay ang mga boys.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon