Happily Ever After? (ONE SHOT)

157 3 3
                                    

Naglayas si Tiffany dahil sa kanyang boyfriend na si Andrei Villegas. Ayaw ng pamilya ni Tiffany kay Andrei at tutol sila sa relasyon nilang dalawa. Sobrang mahal ni Tiffany si Andrei na handa niyang iwan ang pamilya niya para lang sa kanya. Ayaw niyang mawalay kay Andrei kaya naglayas na lamang siya.

Sa kanyang paglayas, dumanas siya ng hirap. Kung ano-anong trabaho ang kanyang pinasok para may pangtustos sya sa kanyang mga gastusin, kasama na din doon ang kanyang tuition fee at bayad buwan-buwan sa apartment na kanyang nirerentahan. Pero para sa kanya ay wala lang ang lahat ng pagod at hirap na kanyang dinaranas. Ang importante sa kanya ay magkasama sila ni Andrei.

Isang araw ay niyaya siya ni Andrei lumabas. Sinabi ni Andrei sa kanya na magbihis siya ng pormal dahil importante ang lakad nila. Ang buong akala ni Tiffany ay magpo-propose na sa kanya si Andrei.

Ngunit...

Tiffany's POV:

Sigh~ Ang ganda ng mga bituin sa langit. (*v*)

Ang sarap pala ng feeling na kasama mo yung mahal mo under the moonlight.

Ang tahimik. Wala kang ibang maririnig kundi ang tibok ng puso niyong dalawa at ang bawat hininga na inyong pinapakawalan.

Ewan. Basta.

Ayokong matapos 'to.

Tiningnan ko si Andrei na kasalukuyang tinititigan ang mga bituin.

Nasa park kasi kami ngayon at nakahiga kami sa damuhan.

Hindi ko alam pero...

Bigla nalang akong napangiti.

"Oh bakit nakangiti ka na naman? Pwede ba wag mo'ko tignan ng ganyan... Mas lalo mo lang ako pinapahirapan e..."

"Ang gwapo mo kasi e." Kinurot ko yung pisngi niya.

At ano daw? Di ko masyado narinig yung huli niyang sinabi e.

"Ano?" Bigla namang napakunot ang noo niya.

"Ano?"

"Ano yung huling sinabi mo?"

"Ano?"

Nemen (_ _)a

Kung di ko lang to mahal baka nasapok ko na. -_-

"Sabi ko, ano yung huling sinabi mo sakin kanina?! Yung sinabi mo saking wag kita tignan?" Tumingin ulit ako sa mga bituin.

"Ah wala yun. Nevermind." Kita ko sa aking peripheral view na tumingin ulit siya sa mga bituin.

Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa kanya.

"Ano nga yun?!"

"....."

"Eeeee sabihin mo na!" Niyugyog ko siya ng niyugyog hanggang sa bumangon na rin sya.

Tinignan niya ako sa mata.

Napakaseryoso ng titig nya.

Sobra.

Bigla nalang ako kinabahan.

Kasi ni minsan hindi ko pa nakita yang mga titig niya.

Ngayon lang.

Parang may sasabihin siya na...

Na hindi ko ikatutuwa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily Ever After? (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon