“Kamusta ka na Gabby? Ang laki na ng pinagbago mo ah” nakangiting sabi niya sa akin. Hanggang ngayon eh ganyan pa rin ang ngiti niya. Yung nakakakumpleto ng araw. Yung parang nginitian ka ng isang anghel.
Napahawak ako sa batok ko. Ewan ko. Parang nahihiya na ewan ako. Parang yung dati lang. Nung simula pa lang naming.
“Kahit na mas nagmukha kang mature at mas gumwapo ka eh cute ka pa rin. Ahaha!”
O///O
Eff! Ang cute niya! Ang ganda pa rin niya. Lalo na kapag tumatawa.
Parang dati lang na pag-uusap namin.
“Oh?” then tumingin siya sa likod ko.
Napalingon din ako.
“Who is that girl?”
Vera! Nako! Nakalimutan kong nandito pa pala si Vera. Eff!
“Kasama mo siya right?” sabi ni Sydney habang nagtatakang nakaturo kay Vera.
“N-No. Don’t mind me” nakangiti si Vera. Pero halata naming pilit. Shems! Bakit? Feeling ko kasalanan ko eh.
“Sugar” Lumingon ako. May lalaking may itsura naman pero mag gwapo pa rin ako noh... na papalapit sa amin.
“Spice” at aray. Sinalubong ni Sydney siya ng yakap. Pero corny ng tawagan nila -___-
Humarap sa akin yung lalaking yun habang nakahawak yung kamay niya sa bewang ni Sydney.
“Who’s this guy sugar?”
“Si Gabby yan”
“Oh. Siya pala si Gabby?” Maka-Gabby naman to! Si Sydney lang pwedeng tumawag sa akin niyan. Tch!
Tinanggal niya yung pagkakahawak niya sa bewang ni Sydney at inabot sa akin yung kamay niya.
“Nice to meet you. Levi nga pala”
Ayaw kong makipag-shake hands sa lalaking to eh. Kaso baka naman mahalata ako masyado.
So kahit na ayaw ko eh nakipag-shake hands ako. Sino ba kasi tong lalaking to? Makahawak at yakap naman kay Sydney eh kala mo kung sino.
Biglang lumapit sa akin si Syd at may binulong.
“Sama ng tingin mo ah”
Nagulat naman ako. Loko! Halata pala.
“Gabby. Si Levi... Ahmm... Ano ko---“
“Fiancee ni Sydney nga pala pre”
Napa-clutch ulit ako ng fists ko. FUCK! Grabe! Ang bilis ah. Pinagpalit na talaga niya ako. Agad agad.
----------------------------------------------------------------------------
[Vera’s POV]
Tinitingnan ko lang si Gab. Habang kausap niya yung babaeng yun. Sydney ata yung pangalan eh. Eh kita ko sa mga mata niya. Iba eh. Hindi ko nakikita sa tuwing kami ang nag-uusap o kahit na sino pa ang kausap niya. Kay Sydney lang.
Bakit ganun? Habang tinitingnan ko siya. Na masaya. Yung ibang saya.
Yung saya ko kapag kausap ko siya. Ganun yung sayang nakikita ko sa mga mata niya habang kausap siya.
At ang sakit makita na yung inaasam ko na maging pareho ang tingin namin sa isa't-isa eh malabo palang mangyari.
"How about you Gabby? May girlfriend ka na ba?"
Napatingin ako kay Gab. Tahimik siya eh. Natahimik siya.
"Don't tell me pre hindi ka pa nakaka-move on sa fiancee ko?"
BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?