CHAPTER 32

103 5 41
                                    

LOLLIE

NAGPAALAM na ako kila nanay at pinag sabihan ko pa si tatay dahil umiinom na naman ito. Mamoblema na naman ba ako nito kung saan ako kukuha nang panggamot niya. Lalo na kila Tantan at Rosil naging makulit na naman sila dahil hindi na ito maligo sa tamang Oras.

"Aalis na kami nay, Tay yung habilin ko tandaan mo."tumango lang ito at ngitian ako." Tantan at Rosil, sinabi ko talaga wala kayong laruan sa susunod na babalik ako dito."pagbabanta ko pa sa kanila.

"Sandali lang Lollie kanina ko pa tinatanong ito."napatingin naman ako kay Clark." Mga anak mo ba sila."

"Ehh-"Hindi kuna natapos ang sasabihin ko dahil sumabat yung batang makulit dito.

"Babyeeee po Mama."nangunot ang noo ko dahil sa kalokohang pumasok sa isip nito. Juskong batang ito.

Tinignan ko yung kasamahan ko na parang hindi makapaniwala man lang. Bahala sila kung ano iniisip nila problema na nila Yun.

"Tara na, baka gabihin tayo sa daan."iniwan ko sila doon at umuna nang pumunta sa mga nakaparadang sasakyan. "Mang Kanor salamat sa pagbabantay ng mga sasakyan dito."

"Walang anuman yun mag-iingat kayo sa biyahe kung saan man kayo pupunta nang mga kasamahan mo."napatango lang ako. Maswerte ako sa kanila dahil sila yung taong pinunan ang pangingialangan ko bilang isang masayahing tao.

Mag-iingat din kayo sa susunod kung hindi ubos yang panabong mong manok.

Gusto ko sanang isabi yun pero wag nalang bahala siya. Kasalanan naman nang anak niya pero mahal yung laruan na yun ehh.

"Ikaw na mag drive malayo kasi yun,kapag nangangalay ka naman sabihin mo sakin para ako na naman ang mag drive."Sabi ko kay Lloyd na hindi pa impinta ang mukha gusto ko sanang magtanong kung bakit pero huwag nalang baka sakin maibunton.

Tumango lang ito,hindi ko alam kong bakit bigla itong nanahimik. Napayakap ako sa likuran nitong randam kong purong maskulado. Napaiktad ito pero hindi kuna yun pinansin. Inaantok kasi ako. Sinabi ko din naman sa kaniya kung saan dadaan eh.

Nagising ako dahil sa libak libak na batong dinadaanan namin. Akala ko nagbago na yung daan yun pala hindi parin nila pinaayos. Itatanong ko nalang mamaya.

Yumakap ako nang mahigpit hindi ko alam pero randam ko kasing ligtas ako sa kaniya.

Lumandi na naman ako. Jusko!!!

"Nangangalay kana ba?"tanong ko sa kaniya. Ilang oras din kaya akong tulog, and I'm sure he's tired right now.

"No, it's okay."

Sungit niya,para siyang may dalaw.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinanggal ang helmet na nakalagay sa ulo ko. At saka sinabit sa braso ang init kasi tapos hindi ako sanay na mag he-helmet ako.

"Ibalik mo yan."Hindi ko din siya pinansin. Gantihan lang kasi.

Yumakap ulit ako sa kaniya at sumiksik sa leeg nito. Ehheee!!!

Kenekeleg eke enebe!!

Ayaw kong humiwalay sa kaniya gusto kong mananatili paring ganito. Para kasing nagawa ko na ito dati.

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED/Under edited)Where stories live. Discover now