Tumawag pala si cedrix kaninang naliligo ako at hindi ko nga iyon nasagot ngunit nag-iwan naman siya ng isang text na mamayang gabi raw ay uuwi na sila.Natutuwa nga ako dahil sa ilang weeks kong pag aantay sa kanya ay nasasabik na akong makita at mayakap siya.
Mag gagabi na nga kaya Bumaba na nga ako dahil maghahapunan na kami,pagkaupo ko palang ay agad kaming tinawag ni papa na kanina pa nanonood,nagsitakbuhan nga kami palapit sa kanya ang alam kasi namin ay inaatake na naman siya ng kanyang hika,ng bigla nalang niya ituro ang kanyang pinapanood na balita.
Bigla nalang akong nanghina nang mapanood ko ang balitang isang eroplano ang nag crashed at hindi pa daw nahahanap ang ibang mga pasahero nito.
Tila nanlumo ako sa narinig ko,napaupo nalang ako sa sahig at unti unting pumapatak ang mga luhq ko.Naisip ko kaagad si lanz,kaya nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang selpon ko saka ako nagtatatakbong lumabas
Narinig ko pa ang pagtawag nina papa sakin ngunit hindi na ako nakinig at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo,sumakay ako ng jeep papunta sa bahay nina lanz.
"L-Lanz anong nangyari?S-Sina cedrix naka alis naba sila sa airport natataranta kong tanong sa kanya ng makarating na ako dun.
" Hindi ko sila makontak,pati si dad wala sa kanila ang sumasagot.
" Si lyka diba kasama naman nila t-tawagan mo kaya utos ko sa kanya at agad naman niya itong ginawa ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot.
Nagmadali kaming pumunta sa airport ngunit ni aninag ni cedrix ay wala kaming makita.Napaiyak nalang ako sa sobrang pag aalala baka ang sinasakyan nga nila ang bumagsak.
Bumalik kami ulit sa bahay nina lanz at nag aantay ng tawag mula sa airport ng Amerika,nabigla kami ng tumawag nga sila at doon nga daw sila sumakay sa eroplanong iyon.Napahagulgol nalang ako sa narinig ko,hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
ARAW ARAW gabi gabi akong umiiyak dahil sa pagkawala ni cedrix,ang alam ko ay patay na siya dahil hanggang ngayon ay wala paring balita tungkol sa kanila.
habang nakahiga ako sa kama ko ay tumawag si lanz na nakauwi naraw sui lyka at nasa hospital daw siya ngunit wala daw siyang kasama,lumabas ulit ako ng bahay at nagtungo sa Hospital,pagkarating ko roon ay sinalubong naman agad ako ni lanz na nauna na pala doon,sabay nga kaming nagpunta sa room ni lyka.
Nang makita ko siya ay halos hindi na namin siya makilala dahil sa mga gasgas na natamo niya mula sa mukha at mga katawan nito.
Inantay nga namin siyang magising."Luna rinig kong bulong niya.
Lumapit ako agad sa kanya at saka ko hinawakan ang kanyang kamay.
humawak rin siya ng mahigpit sakin at nagsimulang pumatak ang mga luha niya,tila alam ko ang pinapahiwatig nito,tila totoo ngang wala na si cedrix,napaluha nalang ako habang nakahawak sa kamay niya,nakarinig ako ng mga bulong niya ngunit hindi naman namin iyon maintindihan.
Tila may gusto siyang sabihin sa amin.Nang dumating na ang pamilya niya ay niyaya narin ako ni lanz na umuwi,nag kusa narin siyang ihatid nalang ako.Kahit nasa bahay ako hindi ko parin maiwasan ang hindi umiyak,hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat ay mawawala rin pala ulit sakin si cedrix at pang habang buhay na nga,ngayon ko lang naisip na last na pala ang mga masasayang araw naming magkasama noon sa bahay niya,sana sinulit ko nalang ang bawat araw na nakasama ko siya.
" Anak tama na wag mong pahirapan ang sarili mo,tanggapin mo ng wala na siya,sambit ni mama na nasa tabi ko na pala.
𝟏 𝑴𝑶𝑵𝑻𝑯 𝑳𝑨𝑻𝑬𝑹...
Naglalakad na ako papasok sa office,Ako na nga ang pumalit kay lyka na secretary ni lanz,mag mula kasi noong naaksidente siya ay hindi narin siya pinapapasok ng kanyang pamilya dahil daw sa traumang nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Two Brothers are My Lovers[𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎1]𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙
Teen Fictionsi luna ay isang babaeng masayahin at mapagmahal ngunit may konting galit sa kanyang puso,siya ang babaeng kayang intindihin ang lahat at isakripisyo ang lahat para lang sa kanyang ina at sa ibang tao ngunit magbabago ang lahat ng bumalik ang taong...