° CHAPTER 1

1.5K 14 0
                                    

Unang araw Ng pasukan , maaliwalas ang kalangitan na nagpapadagdag ng kasiglahan sa paaralang papasukan ko.

Saklay ang bagpack ko habang hawak ang dalawang strap nito. Tiningala ko Ang malaking signage SA gate .

GIDEON SOUTH RIDGE

Pangalan palang ng paaralan ay sobrang sosyal na , panu pa kaya ang mga estudyante .

Madami akong kasabayan ngunit lahat sila ay tanging pagtaas lamang ng kilay saakin ang ginagawa. Yinuko ko nalamang ang Ulo at kunwari'y di sila napapansin.

Halata sa mga kutis at kasuotan nila ang pagiging anak mayaman, kung Ako ang makakasabayan nila tiyak na magiging basahan lamang ako.

Ginilid ko Ang Sarili para lamang paunahin sila, nahihiya akong makipagsabayan dahil alam Kong iirapan lang nila ako.

Scholar ako sa eskwelahang ito, kumbaga bagong estudyante rin. Hindi ko naman akalain na sa daming paaralang pinag aplayan ko ng scholarship eh SA Gideon pa ako natanggap.

Buntong hininga Kong binagtas ang Daan patungo sa dean's office . May inilahad saaking mapa ng school kaya Hindi ko na problema ang bawat daan papunta SA kung saan. Nakakamangha lang sa sobrang laki ng paaralang ito. Paniguradong sobrang yaman Ng may Ari nito.

Nang NASA may pinto na ako ng dean's office ay handa na sana akong kumatok ng biglaang bumukas ito.

Iniluwa nito ang isang lalaki na may matipunong pangangatawan at malamig na awra na paniguradong matatakot ang makakakita sa binatang ito.

Napalunok Ako ng mariin ng tumingin ito sa mga mata ko , nanginig ang katawan ko ng makitang masama itong nakatingin saakin.. Naiyuko ko ang ulo ko at binigyan ito ng daan, agad itong lumabas ng walang salita.

Kasunod din nitong lumabas ang apat na lalaki na sa tingin ko ay kaibigan nya. Napahinga ako ng malalim ng tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Ramdam ko parin ang takot na nararamdaman ko kanina.

Iwinaksi ko na lamang iyun at Ako Naman Ang sunod na pumasok. Naabutan ko Ang dean na nag aayos sa table nito.

"H-hi" pa unang bati ko , natuon Ang atensyon nito saakin at binigyan ako Ng isang malapad na ngiti.

"Good morning Ms. Raquin . Welcome to Gideon south ridge . Inaasahan na kita sa araw na ito kaya ito Ang susi Ng locker mo at sched mo. Also your p.e uniform ay nasa loob na MISMO Ng Locker mo. Good luck" mahabang litanya nito sabay lahad saakin Ng susi kaya napangiti Ako ng tipid Dito at kinuha Ang susi at sched na nasa kamay nito .

"Salamat" Ani ko sa mahinang Boses. Tumalikod na ako at handa na sanang lumabas ng nagsalit itong muli.

"Sana'y magtagal ka rito"

Hindi ko maintindihan ang sinabi nito kaya't sinawalang bahala ko nalang ito nagpatuloy na muling maglakad.

Bitbit ang aKing sched ay tinungo ko ang gawi ng aking unang subject . Malayo man ay nakaabot pa rin ako sa tamang oras.

Nadatnan ko ang classroom na may iilan pa lamang estudyante.  Huminga ako ng malalim bago nakayukong pinasok Ang room.

Tinungo ko ang likod bahagi , na alam Kong walang ibag estudyante ang umuupo.

Napangiti Ako ng tipid. Ayos lang kung Wala akong kaibigan ,mas sanay ako pag ganun.

Linagay ko Ang bag ko sa lap ko pagkaupo ko.

Mga ilang minutong nakalipas ay dumami na Ang mga estudyante Dito na magiging kaklase ko.

Lahat sila ay halatang mayaman , ako lang ata ang basurang naligaw Dito.  Grupo grupo silang nag uusap , may nag aasaran . Maingay na Ang loob ng classroom kaya mas tinuon ko na lamang ang atensyon sa labas .

Biglang tumahimik Kaya taka Kong nilibot ang paningin.

Ang kaninang mga lalaki ay kaklase ko rin pala.

°🥀

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon