MADILIM NA ARAW
Sa bahay nila Mae…..
Kasalukuyang nag-eeksperimento sa bagong putahe sila Mae at ang ina nito nang dumating si Jenny na tumatakbo mula sa labas.
“Nasusunog ang restaurant nyo Mae! Halika na dali!” Kinakabahang sabi ni Jenny.
Nagulat si Mae at ang ina nya nang marinig si Jenny. Agad silang lumabas ng kanilang bahay at tumakbo patungo sa kanilang restaurant. Pagdating nila doon, nakita nilang nasusunog na ang restaurant.
“Papa! Please lumabas ka!” Umiiyak si Mae at ang ina nito dahil sa sobrang takot at kawalan ng pag-asa sa nakita.
Hindi sila pinayagan ng mga pulis at ng mga bumbero na makalapit dahil napakalaki ng apoy at pwede silang masaktan kung lalapit sila. Walang nagawa si Mae at ang ina ay kundi panoorin ang apoy na tinutupok ang restaurant. Nang maapula ang apoy, inilabas ng mga bumbero ang limang bangkay.
Nagsisigaw si Mae samantalang ang nanay nya ay hinimatay nang makumpirma na ang isa sa mga bangkay ay ang ama ni Mae habang ang isa ay si Bruce.
“Papa! Papa!” Ang tanging naisigaw ni Mae.
“Bruce! Bruce! Anak ko! Mae! Wala na si Bruce!” Ang palahaw ng ina ni Bruce.
Puro panaghoy ang maririnig sa lugar ng sunog. Batid ng lahat na mabuting tao si Mang Karding kaya ganoon na lang ang galit nila ng malamang mga drug pushers ang may gawa ng sakuna.
“Papa! Huwag mo kaming iwan! Papa! Mae! Wala na si papa!” Dinig na dinig ni Mae ang sigaw ng isa pang kaibigam.
Ang dalawa pa sa namatay ay mga miyembro ng sindikato samantalang ang isa naman ay tatay ng kaibigan nila ni Jenny. Nahuli ng pulisya ang tatlong miyembro ng sindikato na nagpasimula ng sunog.
Maya-maya pa ay naapula na ang apoy at tanging pader at mga haligi na lang ang naiwan sa restaurant nila Mae. Isa-isang isinakay ang mga bangkay sa ambulansiya ng punerarya.
Dinala naman ng mga kamag-anak nila ang nanay ni Mae sa hospital para malapatan ng lunas. Si Mae ay naiwan kasama ng kaibigan nyang si Jenny at iba pang kaibigan para samahan ang dalaga sa punerarya.
Pagkatapos maasikaso ang bangkay ng ama ay isinama sila ng mga pulis sa istasyon para sa imbestigasyon. Sa istasyon ay doon nalaman ni Mae na naghagis ng IED ang isa sa mga drug pushers kaya nagkasunog.
“Mga hayop sila! Mga salot sila ng lipunan! Ang dapat sa kanila ay mamatay!” Galit na galit si Mae habang umiiyak ng malaman ang nangyari.
Patuloy naman si Jenny at iba pang mga kaibigan para aluin si Mae. Awang-awa ang mga ito sa sinapit ng maganda nilang kaibigan. Gabi na nang maayos ang bangkay ng ama kaya minabuti ng dalaga na puntahan ang ina sa hospital.
Pagdating sa hospital ay nalaman niyang nasa ICU ang ina dahil inatake pala ito sa puso. Walang kamalay-malay si Mae na may sakit pala sa puso ang ina.
“Mae iha, magpakatatag ka. Malalampasan mo din ang pagsubok na ito.” Ang sabi ng isa sa mga tiyahin ni Mae.
Iyak ng iyak si Mae sa sinapit nila ng araw na yun. Namatay ang tatay nya sa sunog at inatake sa puso ang nanay nya. Ang restaurant na ikinabubuhay nila ay natupok. Bukod dun ay hinuhulugan pa ng mga magulang nya sa banko ang lupa at ang ipinatayong restaurant nila.
Hindi maganda ang kabuhayan ng mga kamag-anak ni Mae dahil mga pangkaraniwang manggagawa lang ang mga ito kaya problema ngayon ni Mae kung papaano na sila ng ina niya.
Lumipas ang magdamag na napakagulo ng isip ni Mae at hindi alam kung ano ang gagawin.
Kinabukasan ay may dumalaw na bisita sa kanya. Si Brianna.
“Ate Brianna!” Napaiyak si Mae pagkakita sa kaibigan.
“Mae! Pareho tayong nawalan ng mahal sa buhay!” Ang sabi ni Brianna.
“Ate Brianna hindi ko alam ang gagawin ko! Wala na yung pinagkakakitaan namin ng pamilya ko! Paano na kami ngayon!” Patuloy sa pag-iyak si Mae.
“Alam kong mahirap Mae. Makakaraos ka din sa pagsubok. Maging matatag ka Mae! Hindi patas ang laban sa mundo! Simula ngayon ay hindi ka pwedeng maging mahina!” Ang naluluhang sabi ni Brianna.
“Papaano na ang mga pangarap ko?” Ang nanlulumong sabi ni Mae.
Niyakap ni Brianna ang kaibigan ng ilang minuto. Maya-maya ay tiningnan siya nito sa mata.
“Mae, may nadiskubre ako sa nangyari kay Bruce. Gumagamit pala siya ng illegal drugs kasi may nakuhang party drugs sa kanya. Pleasure X ang name nun. Hindi ko alam na gumagamit siya! Yung grupo ng Saturno Drug syndicate ang supplier ni Bruce! Mga hayop sila!” Napahagulgol si Brianna habang sinasabi yun.
Nang malaman ni Mae na Saturno Drug syndicate ang pangalan ng grupo ay nangako siya sa sarili na balang araw ay makakaganti siya sa mga ito.
“Mae, pagkatapos na mailibing si Bruce ay sa Canada na kami titira. Alam kong mahihirapan ka financially kaya ang maitutulong ko lang sa iyo ay irekomenda kita sa kaibigan ko bilang cashier or waitress sa restaurant na pinapasukan niya para masuportahan mo ang nanay mo. May konti akong naipon para makatulong sa yo!” Ang sabi ni Brianna sabay abot ng sobre na naglalaman ng pera. Ibinigay nya din ang calling card ng kaibigang negosyante.
Pagkaalis ni Brianna ay nilapitan si Mae ng doktor at doon nya nalaman na kailangang operahan ang ina sa lalong madaling panahon. Nanlumo si Mae ng malaman na halos isang milyong piso ang halaga ng gagastusin sa operation.
Walang maisip si Mae na malapitan ng tulong. Bigla ay sumagi sa isip nya ang usapan ng mga magulang niya at ni Sir Roque kaya nag-decide siyang tawagan ito gamit ang cellphone ng ina.
Ilang sandali pa ay sumagot na ang kabilang linya.
“Hello Karding, Ok na ba yung recipe ng misis mo?” Masayang tanong ni Roque.
“Sir Roque! Si Mae po ito yung anak ni Mang Karding. Wala na po si papa! Namatay po siya sa sunog!” At umiiyak na ikinuwento ni Mae ang nangyari sa ama.
“I’m very sorry for your loss iha. Naintindihan kita but please understand na babayaran ko ang papa mo once na makuha ko na ang recipe!” Ang matigas na sabi ni Roque.
“Please sir! Kailangan po ng nanay kong maoperahan! I promise na ibibigay nya yung recipe once na maging ok na siya!” Pagmamakaawa ni Mae.
“It doesn’t work that way. Ganito na lang, pahihiramin kita ng pampa-opera pero akin ka sa buong magdamag!” Walang gatol na sabi ni Roque.
Nabigla si Mae sa indecent proposal ni Roque. Dumaranas siya ng matinding pagsubok ngayon tapos ganito pa ang maririnig niya mula sa isang mapagsamantalang tao. Hindi nya ibibigay ang virginity sa hindi nya asawa.
Gusto nyang murahin ang lalaki pero nasa bingit ng kamatayan ang nanay nya kaya matapos mag-isip ng mabuti ay pikit-matang pumayag ang dalaga.
“Good! You made a right choice! Ipapadala ko sa driver ko lahat ng kailangan nyong mag-ina at pagkatapos mong mabayaran ang kailangan ng ina ko ay dadalhin ka ng driver ko sa rest house ko!” Ang sabi ni Roque na halatang atat na atat.
Ibinaba ni Mae ang telepono at napaiyak. Handa siyang isakripisyo ang dangal mailigtas lang ang ina. Kailangan nyang maging matatag ngayon!
Isang oras ang lumipas at dumating ang driver na may edad dala ang mahigit isang milyong piso. Agad na pumunta si Mae sa nurse station para magpatulong sa operasyon ng ina. Maya-maya pa ay naayos na ang lahat ng kailangan at nai-schedule na ang ina sa heart surgery.
Dumating na ang kinakatakutan ni Mae. Mawawala na ang pagkabirhen nya. Lumuluha siyang sumama sa driver at agad na inihatid sa rest house nito sa isang napakaliblib na lugar sa dulong parte ng Bulacan.
“Mabuti at tumupad ka sa usapan. Maliligo lang ako at hintayin mo ako sa kuwarto!” Ang nakangising sabi nito at pumasok na sa banyo.
Naaawa ang matandang driver kay Mae dahil sa kawalanghiyaan ng amo. Namatay ang tatay ng dalaga, nasa ospital ang ina at magulo ang isip ni Mae tapos sasamantalahin pa ng demonyong lalaki! Hindi matanggap ng kunsensiya nya na wala siyang gagawin para tulungan si Mae kaya naisipan nyang kausapin na lang ito.
“Iha, naaawa ako sa iyo pero wala akong magawa. Matanda na ako! Ang magagawa ko lang na tulong ay ilayo ka sa demonyong yan kapag nagawa mo ang sasabihin ko. Kagatin mo ang dila nya hanggang sa maputol kasabay ng pagtusok mo ng malakas sa mga mata niya hanggang sa mabulag para hindi ka masaktan o mahabol. Sa gayon eh makakatakas ka!” Ang seryosong sabi ng matandang driver.
Nagliwanag ang mukha ni Mae sa sinabi ng driver. Bagaman at tinulungan siya ni Roque sa operasyon ng ina ay may kapalit ito. Nagdedisyon siyang gawin ang sinabi ng driver.
Umalis ang driver para maisagawa ni Mae ang plano. Pagkalabas ng banyo ay gigil na gigil si Roque kaya agad na hinalikan nito si Mae. Kahit nandidiri ay nakipaghalikan si Mae para ng makakuha ng tiyempo.
Masuyo nyang hinaplos ng dalawang kamay ang pisngi ng lalaki para maipwesto ang mga hinlalaki niya malapit sa mga mata nito. Nang makakuha siya ng tiyempo ay buong diin nyang tinusok ng hinlalaki ang dalawang mata ni Roque sabay kagat ng madiin sa dila nito at kaagad naputol nang bigla siyang itulak ni Roque.
“Ahh! Ahhh!!” Ang sigaw ni Roque.
Nabulag si Roque ng bumaon ang mga kuko ni Mae sa mga mata nito kung kaya hindi malaman ni Roque kung saan pupunta. Nasa liblib na bundok ang lugar at halos isang kilometro ang layo ng pinakamalapit na bahay kaya siguradong walang nakakarinig sa sigaw nito.
Pagtakbo ni Mae sa labas ng bahay ay nakita nya ang matandang driver na atubiling naghihintay sa kanya. Nang makita siya ng driver ay kaagad nitong binuksan ang pintuan ng kotse at pinasakay si Mae para makaalis sa lugar.
“Nagawa mo bang putulin ang dila nya nung kinagat mo?” Tanong ng matanda.
“O…opo!” Nanginginig na sagot ni Mae.
“Mabuti kung ganoon. Bukas o sa makalawa ay hindi na siya makakaperwisyo ng ibang tao kahit kailan.” Ang seryosong sagot ng driver.
Inihatid ng driver si Mae sa hospital pagkatapos.
“Tandaan mo, hindi tayo magkakilala kung may magtanong sa yo. Huwag kang mag-alala. Sigurado akong hindi ka na gagambalain pa ni Roque. Uuwi na rin ako sa Mindanao at hindi na babalik dito. Maging matibay ka iha. Yung nangyari sa iyo ngayon nawa’y magbigay ng tibay at lakas ng loob sa iyo.” Pagkasabi ay agad na umalis ang driver.
Laking pasasalamat ni Mae sa driver dahil kung hindi dahil sa kanya ay napunit na siya. Pumasok ng hospital si Mae at laking pasasalamat niya nang tapos na operasyon ng ina. Ligtas ang ina nya at birhen pa din siya.
Nakakita si Mae ng pag-asa sa buhay kaya alam nyang makakaya nya ang mga pagsubok na darating sa buhay nya. Magiging matatag at matapang na siya simula ngayon.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
عاطفيةIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?